Dingdong Dantes looks back on lock-in taping experience: "Kalahati ng bahay dala mo"

by Rose Garcia
Oct 27, 2020
Dingdong Dantes on his lock-in taping for the series Descendants of the Sun: "Yung feeling hindi yung parang mag-a-outing ka..."
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram

Bumalik na sa GMA Telebabad ang Descendants Of The Sun (DOTS) noong October 26, 2020.

At hindi lang ito ang good news na nangyari sa Philippine adaptation ng hit Korean drama na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Jennlyn Mercado.

Alam niyo bang ito rin ang kauna-unahang Kapuso show na mapapanood sa Netflix?

Bukod pa rito ang awards—Most Popular Foreign Drama of the Year at Asian Star Prize para kay Dingdong—na napanalunan ng series sa 15th Seoul International Drama Awards.

Nakangiting humarap si Dingdong sa virtual presscon para sa kanya noong October 21, 2020.

Aniya, “Happy ako, hindi lang for Descendants Of The Sun, pero, of course, for GMA and particularly for Filipino actors because mas nagkakaroon ng wider reach iyong audience. Mas nakakarating sa malalayong lugar ang trabaho natin because of the platform.

“And hopefully, more projects to come for Filipino talents, and we do it one step a time.

Continue reading below ↓

"At thank you sa GMA dahil pinush niyo ito at salamat sa mga Koreano dahil binigyan niyo kami ng napakagandang istorya.

“Hindi lang iyong istorya, pati iyong recognition is something we really appreciate.”

"HINDI PARANG OUTING"

Two months back, aminado ang aktor na may mixed emotions siya nang nagbalik-taping ang DOTS.

Sa isang banda, excited itong makita ang mga katrabaho.

"Noong mabalitaan nila na may lock in, sinasabi man natin na lock in, and we discussed the term lock in, pero, hindi pa rin talaga natin nauunawaan ang konsepto hangga’t nandoon ka na or hanggang paalis ka na ng bahay.

"Siguro the night before, meron akong checklist ng mga kailangang dalhin, ang dami no’n. Kulang na lang kalahati ng bahay dala mo na. May dala kang freezer, may dala kang pagkain, lalagyan ng kape, kung anu-ano.

"Iyong feeling hindi iyong parang mag-a-outing ka while excited ka na makita at makasamang muli ang mga kaibigan mo, mga katrabaho mo, siyempre."

Continue reading below ↓

Pinakamalaking adjustment para kay Dingdong ang hindi makita ng ilang linggo ang asawang si Marian Rivera at mga anak nilang sina Zia at Sixto.

"May parang sepanx, e.

"Every day, paggising, kasama ko ang mga chikiting, asawa ko. E, for twenty years straight, palagi akong wala sa bahay, so parang kakaibang experience para sa akin iyon.

"Siyempre, may kalungkutan. Umalis ako no’n, 4:30 ng madaling araw dahil 6 o’clock ang call time namin sa Tanay, madilim pa, tulog pa sila.

"Sabi ko nga, ano pa kaya ang pakiramdam ng mga OFW [Overseas Filipino Worker] na mawawala ng anim na buwan, dalawang taon, ilang taon?

"'Eto nga, two weeks lang kaming mawawala, ang hirap na. So, do’n mo talaga maa-appreciate iyong mga umaalis ng bahay at lumalayo para lamang magtrabaho para sa pamilya.”

"grabe ang pananabik"

Pero wala na raw mas nakakagulantang pa sa nangyaring pagtigil ng produksiyon at taping dahil sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Pebrero nagsimulang umere ang DOTS, at Marso hanggang June naman sumailalim sa quarantine ang Metro Manila.

Sabi ni Dingdong, “Feeling ko kasi, we were in a very unique situation. Sa kalagitnaan ng airing namin, saka tumigil, saka nagka-COVID.

“Imagine, after almost a year of training, shooting, saka nasa peak kami ng energy namin, saka biglang tumigil.

"So parang oo, nagulantang kaming lahat, and we were all hoping na sana, sandali lang itong pandemic, to the point na inaaliw na lang namin ang sarili namin.

“Siguro, once a week, nagsu-Zoom kami. Nagkukumustahan to the point na nagkaroon pa kami ng Facebook page dahil gusto naming mag-work out nang sabay-sabay. Hanggang sa ang tagal na, medyo nag-die down, at naku, hanggang kailan kaya ito?"

Naging magkakaibigan ang Alpha Team sa cast na sina Dingdong, Rocco Nacino, Jon Lucas, Lucho Ayala, Paul Salas, at Prince Clemente.

Continue reading below ↓

Nang nagbalik-taping at nagkita-kita silang ulit sa set, "grabe ang pananabik," ani Dingdong.

“Siyempre, hindi lang naman dahil sa gusto na naming magtrabaho, pero maganda kasi iyong na-establish naming relationship sa bawat isa, sa buong cast. Hindi lang sa cast, sa buong staff, sa aming director.

"Gusto mong yakapin, pero hindi puwede dahil kailangan, may social distancing pa rin,” natawang sabi ni Dingdong, na siyang gumanap sa karakter ni Big Boss, na ginampanan ng South Korean actor na si Song Joong-Ki.

MORE DRAMA THAN ACTION SCENES

Bukod sa limitado ang mga eksenang puwede nilang gawin, ano pa ang mga nabago sa taping?

Ayon sa 40-year-old star, “In fact, mas napiga pa nga ngayon."

Nagbawas daw kasi ng maraming action scenes.

Sa pagpapatuloy ni Dingdong, "I’ll give you an example. Kung dati, maraming kaming mga scenes, mga action scenes, mga bakbakan, maraming tao, maraming sundalo, marami kaming kalabang sundalo.

"Siguro mga forty percent ng show, bukod sa sixty percent na romance/drama, forty percent is action, pero dahil sa mga protocols and guidelines ng IATF [Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases], sinasabi nila na hindi puwedeng maraming tao sa set.

Continue reading below ↓

“So, iyong mga ganung bagay, instead of getting more action scenes, mas napaganda pa dahil nag-concentrate kami sa drama, nag-concentrate kami sa romance.

“And I think, these are the things na inaabangan din ng mga fan ng Descendants... ako, personally, iyon din ang inaabangan ko.

"You know, iyong mga action scenes, sila iyong nagpapa-excite, pero iyong talagang meat and core, iyong puso ng kuwento ay iyong mga character at iyong pagmamahalan nila sa isa’t-isa at pagmamahal nila sa bayan.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes on his lock-in taping for the series Descendants of the Sun: "Yung feeling hindi yung parang mag-a-outing ka..."
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results