Battle of Sitcoms: GMA-7's Pepito Manaloto vs. TV5's Oh My Dad

Which TV sitcom did you watch: GMA-7's Pepito Manaloto top-billed by Micheal V (L) or TV5's Oh My Dad, starring Ian Veneracion?
PHOTO/S: Pepito Manaloto / Oh My Dad

JIMPY ANARCON:

Last Saturday, October 24, may bagong sitcom na umere sa TV5, ang Oh My Dad starring Ian Veneracion in the title role.

Ito ay co-production ng Brightlight Productions at ng Quantum Films.

Finally, may kalaban na ulit ang Pepito Manaloto ni Michael V. sa battle ng sitcoms after mawala sa ere ng Home Sweetie Home ng ABS-CBN.

Although, hindi exactly magkatapat ng timeslot ang Pepito at Oh My Dad, halos may similarities din dahil pareho silang sitcom for the family.

Oh My Dad tells the story of Matthew (Ian), isang dating sikat na PBA player na naapektuhan ang career dahil sa isang scandal. Now he’s back in the Philippines for a second wind, pero laking gulat niya na may lumantad na tatlong anak niya sa iba ibang mothers!

Oh My Dad

Continue reading below ↓

Ang Pepito Manaloto naman, which is now on its 10th year of airing on GMA-7 (without counting its airing break in 2012), may pagka-family sitcom pa rin pero iba na ang format dahil marami nang kuwento sa isang episode.

Last Saturday, isa sa mga kuwento ang tungkol sa kasambahay nina Pepito na si Baby (Mosang) na cellphone nang cellphone kaya di nakapagtrabaho nang maayos!

Pepito Manaloto

Continue reading below ↓

Hindi na natin isasama sa review ang Daddy’s Girl bilang replay episode naman ang inere last Saturday.

STORY AND FORMAT

Sa ngayon, medyo mahirap ipagkumapara ang Oh My Dad at Pepito Manaloto dahil magkaiba na sila ng format. Pero in fairness, halos may similarities pa rin ang narrative format, lalo na dahil pareho pa rin silang comedy at sitcom ang dating.

FM Ganal:

Totoo! Bilib na bilib ako sa crew ng Pepito kasi nagawa nila mag-adjust sa new normal. Kahit naka-face shield sila o face mask, natural! Hindi apektado ang comedy.

Sa Oh My Dad naman, ako lang ba? Ang ramdam ko doon ay “alternative 2020.” Hahaha!

Pero not an issue naman. Gets din kasi, siyempre, ang guwapo-guwapo ni Ian Veneracion, noh! Char!

Jimpy Anarcon:

Nakakatuwa ang Oh My Dad kasi hindi siya naka-set sa pandemic. Kumbaga it still gives you a sense of normalcy. Nakakatuwa lang makita ang parang alternate universe na puwede pa rin mangapitbahay at bumiyahe.

Continue reading below ↓

Ang excited ako ay iyong magiging dynamics ng relasyon nina Ian at Dimples kasi nakakatawa ang first encounter nila na binasa ni Dimples si Ian habang nagdidilig! Kasi naman, nagpapa-cute pa si Ian, ayon pala, magkakilala naman sila ni Dimples!

Dimples RomanaDimples Romana in Oh My Dad

Continue reading below ↓

Sa Pepito Manaloto naman, tawang-tawa ako sa eksena ni Manilyn Reynes at Mosang sa washing machine! Sa sobrang busy mag-cellphone kasi ni Baby (Mosang), nailagay niya iyong Zonrox at hanger sa washing machine.

In short, parehong magaling talaga ang mga writers sa pag-i-inject ng comedy sa mga eksena na talagang nakakatawa at hindi corny.

Pero ikaw ba, Chez, ano ang mas benta sa iyo?

FM Ganal:

Bentang-benta sa akin iyong eksena nina Arthur Solinap at Jen Rosendahl. Dahil nga pandemya, kanyang-kanya paraan para magpagupit! Si Berta (Jen), atat na atat na yata magpagupit kaya pumayag siya mapagupit kay Bert (Arthur) na nagte-training maging manggugupit.

Habang ginugupitan ni Bert si Berta, nanonood sila ng K-Drama. E, sobrang na-invest si Bert! Ayan tuloy, kung anong nangyari sa buhok ni Berta. Hahaha!

Arthur Solinap and Jen Rosendahl in Pepito ManalotoArthur Solinap and Jen Rosendahl in Pepito Manaloto

Continue reading below ↓

Galing ng writers nila. Very old-school sitcom ang comedy, pero panalo pa rin.

It’s no wonder umabot sila ng ten years on air! Pang good vibes lang. Biruhin mo iyon, di ba? Kahit set during the pandemic, nakakahanap sila ng humor in it. Pinoy na Pinoy!

Sa Oh My Dad naman, actually, super exciting nga ng dynamics nina Ian at Dimples. Buti nga kay Matmat (Ian)! Pacute kasi. Mahangin!

May pagka K-Drama ang vibes ng Oh My Dad. Lighthearted, cute, feel-good. Ganda rin ng pacing ng episode. Alam mo na what to expect for the series.

And all characters ay may moment to shine.

Adrian Lindayag and Ian Veneracion in Oh My Dad

Continue reading below ↓

CHARACTERS

Jimpy Anarcon:

Speaking of characters, nakakatuwa ang pagkakasulat sa character ni Ian as Matthew. Sitcom siya pero hindi sitcom ang pagkakapresent. Hindi tipong exaggerated or nananadyang magpatawa. Ang galing na iyong pagka-arogante niya ay entertaining at funny, hindi annoying.

Isa pang character na nae-excite ako ay iyong role ni Sue Ramirez as an innocent barrio lass. Iyong role niya mismo ang nagdala kaya effective sa akin ang comic timing. Nakakatawa iyong approach niya noong sunud-sunod na kamalasan ang nangyari sa kanya pagdating niya sa Maynila!

Sue Ramirez in Oh My Dad

Continue reading below ↓

Sa Pepito Manaloto naman, siyempre, wala nang question pagdating sa characters, entertaining na sila as they are because hello, ten years!

Nakakahinayang lang ang minimal exposure ni Michael V as Pepito and obvious na nasa ibang location siya, pero in fairness sa interaction sa kanya nila Manilyn at Mosang.

Nakakatuwa rin na nag-evolve na ang character ni Jhake Vargas as Chito at gusto ko ang pagka-plantito niya sa isa sa mga stories. Sa mga dating napapanuod ko kasing episodes ng Pepito Manaloto, puro love story ang ganap sa kanya. Parang feeling ko, kahit sitcom ito, mas nabigyan ng depth ang character niya ngayon.

Plus, ang cute ni Jeric Gonzales. Haha! Very different from his Magkaagaw role ang ganap niya as friend ni Jhake sa pagiging plantito.

And most of all, despite its new format, napanatili ang characterization ng characters since noong diretsong narrative pa ang format nila.

Jake Vargas and Jeric Gonzales in Pepito Manaloto

Continue reading below ↓

FM GANAL:

I think mark of good storytelling skills kung seamless ang pag-grow ng characters kahit nag-iba ang sitwasyon at consistent ang characterization. Kasi, tama naman, ten years on air is no joke, noh!

And oo nga, super nakakapanghinayang lang na wala masyado si Pepito sa episodes. Pero kahit obvious na different locations, nagawan ng paraan.

Sa Oh My Dad, walang pilit na character for me. Lahat sila gusto mo makilala.

Can’t wait to see the “Balderama babies” na mag-bonding. Siyempre, the babies are sina Lenlen (Sue), Mikhail o Kelly (Adrian Lindayag), at Theo (Louise Abuel).

Shoutout din to my favorite loveteam #Gloriel (Gloria Diaz and Ariel Ureta). Hahaha! Super Kasal, Kasali, Kasalo throwback noong nakita ko sila!

Gloria Diaz and Ariel Ureta in Oh My Dad

Continue reading below ↓

Jimpy Anarcon:

Korek! Parang love team na talaga sina Gloria Diaz at Ariel Ureta at super dami na pala nilang napagsamahang projects!

Siyempre, inaabangan ko rin ang character ni Dimples Romana at kung ano ang mangyayari sa kanila ni Ian. Magkakadevelopan kaya sila? Paano ang mga magiging asaran nila?

In fairness, may chemistry na rin naman agad ang cast ng Oh My Dad, lalo na sina Dimples at Ian sa asaran moment nila. Pero gusto ko na ring makita ang chemistry ni Ian with his three kids: Sue, Adrian, and Louise.

And speaking of chemistry, undeniable naman talaga ang nabuong camaraderie ng Pepito Manaloto cast na kahit sinu-sino ang pagsama-samahin mo sa bawat episode or kuwento, talagang makakapagpatawa at makakabuo ng kuwento.

PRODUCTION VALUE

FM Ganal:

Actually, gusto ko nga iyong style ng Pepito na lahat ng characters ay may kuwento bawat episode. It shows na hindi lang si Pepito ang nagdadala ng show, kundi buong cast talaga.

Continue reading below ↓

And mention ko lang, ramdam na ramdam ko na may social distancing talaga sa set nila. With the blocking and the camera angles, nakikita mo may distance. And okay lang naman, hindi jarring. Kasi usually naman sa sitcom walang close-up na kaganapan unless for comedic effect.

Mosang and Manilyn Reynes in Pepito Manaloto

Continue reading below ↓

Sa Oh My Dad, gusto ko iyong lugar kung saan sila nag-shoot. Alam mo ba kung saan? May pa-white picket fence pang nalalaman iyong subdivision na iyon, e! Haha.

Jimpy Anarcon:

Naku, ipagtatanong natin kung saan ang location, pero tama ka, ang ganda sa pinagshu-shootingan nila! Actually, iyong location at photography ang sobrang na-appreciate ko sa Oh My Dad. Bagay na bagay siyang panuorin at 5:00 p.m. 'tapos parang ang lamig sa feeling. Hahaha. Ewan ko kung ako lang iyon, ha! Masarap siya sa mata. At saka ang treatment sa kanya, parang light drama ang feels. At hindi sitcom-y.

Gusto ko rin ang feeling na hindi siya naka-set sa pandemic. Talagang for entertainment siya at escape sa challenges na hinaharap natin ngayon.

Oh My Dad

Continue reading below ↓

Sa Pepito Manaloto naman, agree ako sa iyo na kita ang social distancing pero hindi naman siya nakakaapekto sa kuwento. Malaking bagay din siguro na set siya talaga sa pandemic kaya para kahit halata, e, dapat naman talagang may distancing in real life.

Although honestly, nalulumaan ako sa hitsura ng Pepito Manaloto. Medyo ramdam mong 10 years na ang look. Pero it works naman because old-school din naman ang format at comedy pero nakakatawa pa rin talaga, na okay na okay naman kasi benta siya talaga! Iyon nga lang, baka may chance pa para mas mapaganda ang photography kapag puwede na uling mag-explore ng mga bagay bagay.

Hindi ko alam if advantage na nagpalit sila ng format at naging mini-skits in one show or kung nagstick sila sa original narrative na dugtungan ang kuwento, pero I believe na nasa status na rin naman ang Pepito Manaloto na kayang-kaya na nilang mag-reinvent ng image sa haba nila sa ere, lalo pa’t considering the new-normal situation. The question is, babalik pa kaya sa dati ang kanilang format?

Continue reading below ↓

FM Ganal:

Actually, oo nga. Bagay ang Oh My Dad sa timeslot niya. Lakas maka-weekend series ang vibes.

At true, light drama ang peg. Sa totoo lang, feel ko iyon na iyong magiging favored format ngayon. Mas bet na ngayon iyong may one whole narrative na nasusundan, ‘tapos lock-in shoot ang cast, and then the narrative sticks to one main story.

Of course, there will be shows na old-school sitcom formats pa rin. But for now, parang mas feasible iyong format ng Oh My Dad.

Ikaw ba, overall, sinong mas panalo sa iyo?

OVER-ALL VERDICT

Jimpy Anarcon:

Pepito Manaloto and Oh My Dad both have different aspects na lamang sila.

Pagdating sa visuals at solid narrative, lamang sa akin ngayon ang Oh My Dad kasi nga, isa lang ang sinusundan at may abang factor.

Lamang din siya sa akin sa photography pati sa location. Kahit lock-in, parang nag-effort ang team to find a visually enticing location at talaga namang masarap sa mata.

Continue reading below ↓

Pero kung sa tawanan at entertainment value ang usapan, Oh My Dad’s narrative is too solid kaya hindi masyadong slapstick ang dating. Matatawa ka pero wala masyado iyong hahagalpak ka sa tawa. Pero it will make you tune in kasi susundan mo ang kuwento at mga characters.

Dahil sa eksena ni Dimples at Ian by the garden na tumatak sa akin, nae-excite ako panuorin ang characters nila.

Pepito Manaloto, without a doubt, lamang na lamang ito sa comedy. Grabe, hindi ko makalimutan until now iyong washing machine na eksena ni Manilyn at Mosang! As in tawang-tawa ako! Kahit pa slapstick siya at malayo sa katotohanan, pero sobrang funny talaga niya for me.

Dala na rin siguro ng facial expression ni Manilyn talaga nang makita niya iyong Zonrox at hanger sa loob ng washing machine. Perfect na perfect ang comic timing nila ni Mosang.

Medyo hindi ko bet ang bagong format pero interesting din ang mga pasingit-singit na appearance ng celebrity interviews, like Benjamin Alves sa pagiging plantito. Nakakadagdag naman siya sa entertainment, pero kung sa comedy ang usapan, walang dating sa akin ang interviews. Siguro gusto lang talaga nilang magdala ng something different to the table.

Continue reading below ↓

Pero pagdating talaga sa entertainment at tawa, lalamang sa part na ito ang Pepito Manaloto. Kumbaga sa new-generation sitcoms, institusyon na ang Pepito, e. At may Michael V. ka pa.

Sana lang talaga, makabalik na nang bongga si Michael V. para mas dumami pa uli ang exposure niya kasi for sure, ibang level ng katatawanan ang maibibigay niya.

Pero ang bongga rin kasi nga, kahit wala siya, mapapatawa ka pa rin ng ibang cast!

FM Ganal:

Nakakamiss nga si Michael V. And agree, institusyon na ang Pepito Manoloto sa new era of comedy.

Para sa akin, kung gusto mo ng comedy na sureball tatawa ka, Pepito will not disappoint. Good time lang. Wala ka masyado kailangan intindihin, and I mean that in a good way.

Michael V.

Continue reading below ↓

But if you want something fresh, especially if nasanay ka na sa K-Drama format and approach, I think pasok ang Oh My Dad.

Natural ang comedy, thanks to the charm of Ian and the chemistry of the cast. May exciting aspects ang story at characters.

At saka it’s refreshing din to see this set of actors work together for the first time! Alam mo na, hindi maiiwasan na may go-to pairings o go-to actors ang industriya para sa mga role na ito, but I appreciate that they went for something different. I mean, di ba, akalain mong may chemistry pala sina Ian at Dimples?

So, for something totally new, but still fun, okay na okay ang Oh My Dad.

Kayo, PEPsters, aling sitcom ang mas bet ninyo: Pepito Manaloto o Oh My Dad? Boto na sa aming poll here:

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Which TV sitcom did you watch: GMA-7's Pepito Manaloto top-billed by Micheal V (L) or TV5's Oh My Dad, starring Ian Veneracion?
PHOTO/S: Pepito Manaloto / Oh My Dad
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results