GMA News TV trends on Twitter as netizens look for updates about typhoon Rolly

by James Patrick Anarcon
Nov 1, 2020
GMA News TV trends on Twitter after netizens noticed that instead of news programs and updates about typhoon Rolly, the news channel was airing a string of entertainment programs. Some netizens defended the channel, saying that it also aired minute-by-minute flash reports about the typhoon.
PHOTO/S: Netizen screenshot from GMA News TV

Trending ngayong araw, November 1, ang news channel ng GMA-7 na GMA News TV.

GMA News TV

Pagbukas sa top tweets tungkol sa GMA News TV, makikitang naghahanap ng updates ang mga netizens tungkol sa bagyong Rolly.

Subalit napansin ng mga nag-tweet na sa halip na coverage tungkol sa bagyo ang iere ng news channel, nagpapalabas ito ng pelikula at K-Drama.

Continue reading below ↓

Sa regular programming ng GMA News TV, anime, K-Drama, at movie specials ang ipinapalabas mula 9:00 a.m. hanggang 6:00 p.m.

GMA News TV

Pero sa gitna nito ay nag-eere ng flash reports ng GMA News TV, maging ang GMA-7.

Pagpatak ng alas-sais ng gabi, naka-simulcast sa GMA-7 at GMA News TV ang flagship news program ng Kapuso network na 24 Oras.

Continue reading below ↓

NO FULL COVERAGE?

Hindi naman naiwasan ng netizens na mapaisip at magtanong kung bakit walang full-blown coverage na ineere ang GMA News TV tungkol sa bagyo.

Kabilang dito ang Twitter user na si @invisibleguyPH, na naka-monitor sa kung ano ang ipinapalabas ng mga TV networks sa gitna ng bagyo.

Base sa kanyang tweet, ang ABS-CBN channels na ANC at Teleradyo ay nag-eere ng “full coverage” tungkol sa bagyong Rolly, habang isang dubbed Thai drama ang ipinapalabas sa GMA News TV ng alas-tres ng hapon.

Bandang 4:30 p.m. ay nagpalabas naman daw ang GMA News TV ng Christmas movie, habang ang PTV-4 ay nag-ere ng isang palabas na walang kinalaman sa bagyo.

Bandang 5:30 p.m., nag-umpisa raw umere ang TV Patrol sa ANC at Teleradyo, na timeslot din ng programa sa Kapamilya Channel.

Tuloy pa rin daw ang Christmas movie sa GMA News TV.

Bandang 6:07 p.m. daw nag-umpisang umere ang 24 Oras Weekend sa GMA-7 at GMA News TV.

Continue reading below ↓

Nakatanggap ng 4.6k likes at 1.7k retweets ang tweet na ito.

May ilang netizens din ang binalikan ang panahong nasa ABS-CBN pa si Atom Araullo, kung saan itinuloy niya ang coverage ng Bagyong Yolanda habang malakas ang ulan at hangin.

Continue reading below ↓

Isang netizen rin ang nakapansin na ang ABS-CBN Teleradyo ay gumagawa ng full coverage ng bagyo habang umeere ang Thai drama sa GMA News TV.

Tanong ng netizen: “Sino ulit ang walang franchise?”

Habang isinusulat ang artikulong ito ay mayroon nang 1.4k retweets at 5.6k likes ang post ng netizen.

Continue reading below ↓

NETIZENS REACT

Narito pa ang ilan sa tweets na bumatikos sa pag-eere ng GMA News TV ng entertainment programs sa kasagsagan ng bagyong Rolly.

Ilan sa mga ito ay hindi maiwasang pagkumparahin ang coverage ng GMA-7 sa ABS-CBN na walang prangkisa.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Marami rin ang nagtanggol sa GMA News TV at sinabing may updates din naman ito sa pamamagitan ng hourly 24 Oras News Alert.

Continue reading below ↓

Ang isang netizen naman, hiniling na sana ay huwag nang i-bash ang GMA News TV dahil hindi ito makakatulong sa sakuna.

Continue reading below ↓

Patuloy rin daw ang update ang AM radio station ng GMA na DZBB at ang Facebook page nito.

Ang isang netizen naman, binalikan ang panahong nagkaroon ng Unang Hirit tuwing Linggo, lalo na noong enhanced community quarantine.

Continue reading below ↓

Ayon naman sa netizen na ito, sa GMA News TV niya napanood ang press briefing ng Malacañang tungkol sa bagyo, habang ang Kapamilya Channel ay iba ang programang ipinapalabas.

Ito pa ang ilan sa tweets na nagtatanggol sa coverage ng GMA News TV:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Samantala, patuloy naman ang updates ng social media sites ng GMA News at maging ang ibang news outlets.

Sa huling update, patuloy na humihina ang bagyong Rolly at kasalukuyan nang nasa West Philippine Sea.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA News TV trends on Twitter after netizens noticed that instead of news programs and updates about typhoon Rolly, the news channel was airing a string of entertainment programs. Some netizens defended the channel, saying that it also aired minute-by-minute flash reports about the typhoon.
PHOTO/S: Netizen screenshot from GMA News TV
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results