Ex-Christian seminarian Kiko Ipapo stars in BL series Happenstance

by Jerry Olea
Nov 2, 2020
Newbie Kiko Ipapo (left) co-stars with Jovani Manansala (right) in Adolf Alix Jr.'s BL series Happenstance. Kiko on doing intimate scenes with Jovani: “So, ‘yon, nilakasan ko ang loob ko, and since professional din naman ang mga kasama ko, walang malisya."

Dating seminarian ang 21 anyos na si Kiko Ipapo, na bida sa Pinoy BL series na Happenstance.

Soon to be married pa lang si Kiko, pero “asawa” at “wife” na ang tawag niya sa kanyang 23-year-old fiancée. Meron na silang anak.

Marupok ba siya?

“Hindi po,” sagot ni Kiko sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Oktubre 31, Sabado ng gabi, via Messenger.

Parehong may ex si Kiko at ang kanyang fiancée bago nila natagpuan sa isa’t isa noong 2018 ang tunay na pag-ibig.

Nilinaw ni Kiko na hindi siya nangarap magpari. Christian seminarian siya, kaya gusto sana niyang maging pastor.

“Iba po ang pari sa pastor. Ang pari po ay para sa Catholic religion, at ang pastor ay para sa Christian religion,” pagkaklaro ng first-time actor.

Bakit pumasok siya sa Christian seminary? At bakit anim na buwan lang siya roon?

“Pangarap ko po dati na maging public speaker or pastor when I was 16,” paliwanag ni Kiko, na tubong-Marilao, Bulacan.

Continue reading below ↓

“Dumating yung opportunity na 'yon noong 20 na po ako dahil in-offer-an po ako ng kapatid ng lolo ko na mag-seminary for one year, basic Bible course.

“Nakapasa po ako, taking the course of Biblical studies. That time, buntis po yung asawa ko and nanganak po siya noong October 2019.

“So, need ko pong mag-full time sa work. Lumabas po ako ng December.

"Inuna ko po ang mag-work to be a good provider sa wife and baby, and para makasama sila at maalagaan.

“Pero kung may opportunity po ako na bumalik, gusto ko pong tapusin yung course ko dahil masaya po sa seminary and sobrang daming benefits doon, plus knowledge, experience, and spiritual fulfillment.”

K12 graduate si Kiko, na nag-aral ng Restaurant and Bar Operations/Bartending. Ang kanyang ama ay taxi driver, at ang kanyang ina na housewife ngayon ay dating Literature teacher.

Continue reading below ↓

KIKO, THE YOUNG FATHER

Kase-celebrate lang ng first birthday ng daughter ni Kiko. Kumusta ang pagiging batang ama?

“Masaya and challenging po ang pagiging batang ama as long as you know kung ano ang pinasok mo and may paninindigan ka,” pahayag ni Kiko.

“You need to be prepared kahit hindi ka prepared dahil iba na ang buhay mo pag may pamilya ka.

"You need to know your priorites, know the needs of your family and provide for them, and always give your best to them, your time and love.

“Maiiwan mo na yung pagkabinata mong buhay noon dahil hindi ka na pwedeng mag-aksaya ng oras. Kasi, may naghihintay sa iyo pag-uwi mo sa bahay.

“Na-develop ko lalo, yung sarili ko, maturity, patience etc. At mas tumutuwid yung landas ko dahil sa kanila.

“Kasi po, may nagpapaalala sa akin kung ano yung purpose ko, the meaning of my life, the reason kung bakit ako ngumingiti, kumikilos na lumalaban sa pang-araw araw, na kayanin lahat. At kung ano ang true meaning of Love.”

Continue reading below ↓

HEAD OF THE FAMILY

Sa paglaganap ng pandemya, paano siya nag-provide para sa mga pangangailangan ng kanyang mag-ina?

“Noong first wave of lockdown po, totally wala dahil halos lahat naman po, hindi nakapag-prepare at nakapag-work,” pag-amin ni Kiko.

“So, ako po, even ganoon, naghanap ng way para makapag-work. I failed sa mga naunang weeks of lockdown.

Continue reading below ↓

“Ang ginawa ko po ay humingi muna ng tulong sa family and close friends para makaraos.”

Pinanghinaan ba siya ng loob? Napaluha sa bigat ng responsibilidad sa buhay?

“Opo, marami po akong breakdown moments in my life, feeling empty, worthless, almost giving up when I was single and lost,” salaysay ni Kiko.

“But when I found God, I found myself. Na-overcome ko po ang challenges and God gave me the ultimate gift of life—my wife and daughter.

“Of course, I’m also grateful sa ibinigay Niya sa aking parents at mga kapatid.”

Buti naman at nakakuha siya ng online jobs/raket/projects.

“Kahit papaano, nakatulong sa amin ang mga raket. Hindi po ako mapili sa trabaho,” saad ni Kiko.

“Naglayas po kasi ako dati. Kung anu-anong trabaho ang pinasok ko before. Naging PA ako, construction worker, food server, barista, driver, photographer, online seller, at kung anu-ano pa.

“Habang may pandemic, nakapasok po uli ako bilang construction worker, at naging fitness instructor sa isang gym near in our house."

Continue reading below ↓

Patuloy ni Kiko, “During the first wave, hindi ko po kasama yung wife and daughter ko. Medyo mahirap noong una, hinahanap-hanap ko yung physical presence nila pero wala akong magawa kundi magtiis, kagaya ng ginagawa ng iba during lockdown.

“Naisip ko na challenge ito sa atin, na kailangang maging matatag tayo kahit nag-iisa lang tayo.

Continue reading below ↓

“Thanks to my past experience na lagi lang ako mag-isa. Kahit nakakalungkot at paulit-ulit yung routine ng lockdown, kinaya ko naman.

“Naghanap ako ng libangan noong lockdown like home workout, reading books, watching anime/movies, playing mobile and PC games, thinking and looking for online work.”

HAPPENSTANCE

Nag-online audition si Kiko para sa BL series na Happenstance, at sila ni Jovani Manansala ang napiling mga bida.

Meron silang intense and intimate scenes.


Continue reading below ↓

Kiko Ipapo (left) and Jovani Manansala

“Siyempre, since first-timer po ako, at binigyan ako ng blessing na... iyong role ko, sabi ko, kung ano ang kaya ko as an actor, kailangan ko siyang kayanin kahit hindi ko pa siya nagagawa before,” napangiting sambit ni Kiko sa virtual mediacon nitong Sabado ng gabi.

“So, ‘yon, nilakasan ko ang loob ko, and since professional din naman ang mga kasama ko, walang malisya.

"It’s all about iyong love ni Wade kay Jose Manuel, iyon po ang preparation na ginawa ko, by character po.

“Bago po kunan ang scene, wala po kaming ano, hindi kami nag-uusap ni Jovani. Pero pag andoon na po ang scene, it’s all about professionalism and acting po.

"Sa ikagaganda po ng series... at hindi naman po kami pwedeng mag-ano.

“Kasi, pag binago namin doon yung kahit isang maliit na part, hindi na maganda yung pwedeng labasan. May chance po na ganoon.

Continue reading below ↓

“Kasi, iyong story, kailangan naming sundin para mas maramdaman ng tao iyong pinapanood nila. Mas maka-relate sila...”

Ang nine-part BL series na Happenstance ay idinirek ni Adolf Alix Jr., mula sa panulat ni Jerry B. Gracio.

Nagkatrabaho sina Adolf at Jerry sa pelikulang Muli (2010) na pinagbidahan nina Sid Lucero at Cogie Domingo.

Kagaya ng nine-episode Unlocked anthology, ipapalabas ang Happenstance sa Gagaoolala—on or before the first week of December.

Ang tagline ng Happenstance ay hango sa isang linya ni Dracula (Gary Oldman) sa pelikulang Bram Stoker’s Dracula (1992) na idinirek ni Francis Ford Coppola, “I have crossed oceans of time to find you.”

BASED ON AN ONLINE ARTICLE

Nag-ugat ang seryeng Happenstance sa isang online article na nabasa ni Direk Adolf, tungkol sa isang babaeng may natagpuang love letters sa kisame ng bahay na nilipatan niya.

Sa istorya ng Happenstance, wasak ang puso ng mag-inang Vivian (Rosanna Roces) at Wade (Kiko Ipapo).

Continue reading below ↓

Lubos ang lumbay ni Wade dahil sa pagtataksil ng karelasyong si Eric (Saviour Ramos).

Marso 2020, habang nagbabakasyon ang mag-ina ay naabutan sila ng quarantine dahil sa pandemya.

Dahil sa supermoon, may portal na nagbukas. Sa pamamagitan ng salamin, nagtagpo si Wade at si Jose Manuel (Jovani Manansala) habang nasa taong 1974 ito, na meron ding supermoon.

Grounded si Jose Manuel ng amang militar (Allan Paule) matapos nitong madiskubre ang relasyon niya sa aktibistang si Luis (Shu Calleja).

Itinadhana bang masumpungan nina Wade at Jose Manuel ang isa’t isa upang mapaghilom ang kumikirot na sugat sa kani-kanyang puso at kaluluwa?

Nasa cast din ng Happenstance sina Bembol Roco, Angeli Bayani, Erlinda Villalobos, at Ken Anderson.

Aware si Direk Adolf sa South Korean film na Il Mare (2000) na ni-remake ng Hollywood bilang The Lake House (2006), at tila inspirasyon din ng Pinoy movie na Moments of Love (2006), kung saan ang dalawang pangunahing karakter ay nasa magkaibang timeline.

Continue reading below ↓

Ang 1974 ay panahon ni Marcos at ng martial law, at ang 2020 ay panahon ni Duterte at ng COVID-19.

May political undertones man ang Happenstance—gaya ng Muli—ay mas nangibabaw rito ang kuwento ng mahiwagang pag-ibig.

“Atin Lang” ang theme song ng BL series, na komposisyon at inawit ni Mikoy Morales. Si Mikoy rin ang musical scorer ng Happenstance.


Continue reading below ↓

Wagas ang taghoy sa pag-awit ni Mikoy ng “Atin Lang” sa virtual mediacon:

Kung alam lang nila kung ano’ng halaga/ Ng ating binuong mundo/ O bakit ba iniisip ‘to?

Kung di na kailangang pangalanan pa?/ Kung di na kailangang malaman ng iba?/ O, atin lang ito.

Kung ito ang iyong gusto/ Huwag ka nang magtanong/ Kung bakit, paano at ano/ Basta’t tayo’y di maglalayo

Hindi na kailangang pangalanan pa/ Hindi na kailangang malaman ng iba/ O, atin ang ito/ O, atin lang

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newbie Kiko Ipapo (left) co-stars with Jovani Manansala (right) in Adolf Alix Jr.'s BL series Happenstance. Kiko on doing intimate scenes with Jovani: “So, ‘yon, nilakasan ko ang loob ko, and since professional din naman ang mga kasama ko, walang malisya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results