James Reid “legit scared” for friend Billy Crawford during prank call

Nov 7, 2020
Billy Crawford, James Reid
Lunch Out Loud noontime show host Billy Crawford (left) to close friend-actor James Reid (right): "It’s not about you willing to lend money. It was about the real concern of a true friend. That, I respect and I admire! You’re blessed for a reason, my brother! Love you my dawgs!”
PHOTO/S: @billycrawford, @james on Instagram

Aminado si James Reid na nakaramdam siya ng takot para sa kaibigang si Billy Crawford habang kausap niya ito sa isang prank call.

Ginawa ni Billy, 38, ang prank call kay James, 27, para sa TV5 noontime show na Lunch Out Loud nitong Huwebes, November 5, 2020.

Isa si Billy sa hosts ng Lunch Out Loud, na nagsimulang umere noong October 19.

Nung tumawag si Billy kay James, nagpanggap siyang gipit na gipit sa pera, at umuutang ng malaking halaga sa malapit na kaibigan.

Hindi naman nagdalawang-isip si James na saklolohan si Billy.

Naka-speaker phone habang kausap ni Billy si James sa stage ng Lunch Out Loud.

Litanya ni Billy: “Listen, James, I hate to do this to you, bro.

“I’m in a major major bind right now. I have a big problem. I’m really embarrassed, sorry, bro.

“I’m a bit stressed out and I’m in need of help. Since the whole pandemic thing started, we’re all trying to move on and do our thing.

Continue reading below ↓

“But the problem is, for the longest time, six, seven months, I haven’t made any money whatsoever, right?

“So, obviously, you know where this is going, bro. I’m about to lose my house.”

PHP5 MILLION CASH AND A CAR

Diretsahang nagtanong si Billy kung pupuwede ba siyang pahiramin ni James ng PHP5 million.

Sinabi ni James na bagamat ang malaking bahagi ng pera niya ay nasa Australia, handa raw si James na tulungan si Billy.

“I’m willing to help. No problem. I’ll get back to you. I just can’t leave where I’m at right now,” sabi ni James kay Billy.

Sinubukan rin ni Billy na manghiram ng kotse kay James.

Pagkukunwari pa ni Billy, sa sobrang gipit niya sa pera ay naibenta na raw niya ang kanyang kotse.

Mabilis pumayag si James na ipagamit ang kotse niya kay Billy.

Kalaunan, kinulit ni Billy si James na kailangang-kailangan na niya ang pera nang mga oras na iyon.

Continue reading below ↓

“Okay, let me transfer you how much I have in my bank right now,” sagot ni James.

“Most of my money is in Australia, but I’m planning on bringing a lot of it back anyway, because of the way things are going here.

“So I’ll let you know, I’ll get back to you within the day.”

JAMES TO BILLY: “I’M HERE FOR YOU”

Tinanong din ni Billy si James kung may sama ng loob ito dahil sa panghihiram niya ng pera at kotse rito.

Sagot ni James: “No, not at all. I completely understand you. You have a kid.

"Yeah, I understand, man. I know that’s not easy. But I’m here for you, bro. I completely understand.”

Nasa puntong inaalam na ni James kung paano maipapadala ang pera kay Billy nang ibunyag ng huli na prank call lang ang lahat para sa Lunch Out Loud.

Reaksiyon ni James: “Billy… oh my God. That’s how much I love you, bro!”

Continue reading below ↓

Sinabi ni Billy kay James na pinili raw niyang gawin kay James ang prank na iyon dahil alam niyang tutulungan siya ng kaibigan.

“Bro, I’m gonna ***** kill you when I see you! I love you, bro!” sabi na lang ni James.

BILLY APPRECIATES JAMES’ “REAL CONCERN”

Nag-trending si James sa Twitter nung araw na iyon.

Napahanga niya ang netizens sa pagiging tunay at maaasahang kaibigan para kay Billy.

Sa pamamagitan ng Instagram Story, nagbahagi si Billy ng appreciation post ilang oras matapos umere ang Lunch Out Loud.

Gamit ni Billy ang cropped photo nila ni James sa katatapos nilang The Cr3w concert nitong November 3, sinabi ni Billy na hinangaan niya ang “REAL CONCERN” ni James bilang isang “TRUE FRIEND.”

Mensahe ni Billy kay James: “YOU’RE BLESSED FOR A REASON MY BROTHER! LOVE YOU MY DAWGS!”

Biyernes, November 6, nang sinagot ni James ang appreciation post ni Billy para sa kanya.

Continue reading below ↓

Sa Instagram Story din nag-reply si James: “Legit you scared the shit outta me [angry, rolling on the floor laughing, man facepalm emojis]”

Base sa naging usapan nina Billy at James sa telepono, mahihinuhang nag-alala ang huli para sa pamilya ng kaibigan.

Kapapanganak lang ng misis ni Billy, ang actress-TV host na si Coleen Garcia, sa panganay nilang si Baby Amari noong September 10.

Continue reading below ↓

Sakali mang totoo ang prank na nabaon sa utang si Billy, malaking problema nga iyon para sa nagsisimula pa lang na pamilya ng TV host.

Samantala, ni-repost ni Billy sa Instagram Story ang reply ni James at tinawanan lamang ito.

Matagal nang malapit na magkaibigan sina Bill at James.

Noong April 2019, nagkasama ang dalawa sa unang The Cr3w: Live in Concert, na tinampukan rin ng singer-actor na si Sam Concepcion.

Continue reading below ↓

Nag-collaborate rin sina Bill at James para sa awiting "Filipina Girl," kasama ang isa pang singer na si Marcus Davis.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lunch Out Loud noontime show host Billy Crawford (left) to close friend-actor James Reid (right): "It’s not about you willing to lend money. It was about the real concern of a true friend. That, I respect and I admire! You’re blessed for a reason, my brother! Love you my dawgs!”
PHOTO/S: @billycrawford, @james on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results