Ai-Ai vs. Kim vs. Gabbi-Glaiza: Whose "Ice Cream" version do you like best?

Whose performance of Blackpink and Selena Gomez's "Ice Cream" do you like best: Kim Chiu, Glaiza de Castro and Gabbi Garcia, or Ai-Ai Delas Alas?
PHOTO/S: ASAP Natin 'To (ABS-CBN) / All-Out Sundays (GMA-7) / The Clash (GMA-7)

RACHELLE SIAZON:

May tapatan uli kung sino sa Pinoy celebrities ang may patok na version ng "Ice Cream" ng Blackpink.

Ang Blackpink ay ang sikat na K-pop girl group na kinabibilangan nina Jennie, Lisa, Rosé, at Jisoo.

Nauna ang Kapuso stars na sina Gabbi Garcia at Glaiza de Castro para sa opening number ng All-Out Sundays noong October 11.

Sumunod si Kim Chiu na may dance cover sa ASAP Natin ‘To noong October 18.

Pinaka-recent iyong kay Ai-Ai delas Alas sa opening number ng The Clash noong October 31.

Napaka-girly ng vibe ng original “Ice Cream" collab ng Blackpink kasama ang American singer na si Selena Gomez.

Hindi kataka-taka na gawan iyon ng cover, lalo pa't halos 400 million na ang views ng music video nila sa YouTube!

Based sa tema ng kanta, hahanapin ko sa battle na ito:

Arte-arte feels: As in, nakuha ba yung tamang pag-project na cute at real-life Barbie ang peg?

Continue reading below ↓

Production value: Na-achieve ba ang candy colors, at ice cream land ang dating?

Talent-wise: Pasok ba na maging Blackpink member ang galawan ng celeb na gumawa ng cover?

JIMPY ANARCON:

Naku, in fairness sa tatlong performances na ito, ha. Ang bilis ng kanilang response na gumawa ng sarili nilang paandar sa napakacute at super nakaka-LSS na kanta ng Blackpink with Selena Gomez!

Ang tanong: nakuha ba nila ang cuteness and, at the same time, ang bonggang dance moves at vocals ng Blackpink?

ARTE-ARTE FEELS

JIMPY ANARCON:

Bet ko iyong title na arte-arte feels dahil true naman, ang cute ng song kaya dapat mapanindigan rin ng performances ang pagpu-project!

Aliw ako sa Blackpink MV kasi kahit may arte-arte at cute cute, kabog ang projection at pagsasayaw.

Pero kung sa projection ang dating, bet na bet ko si Kim Chiu sa kanyang performance sa ASAP!

With her all-pink outfit, project kung project siya habang sumasayaw. At bagay na bagay sa kanya ang outfit niyang all pink.

Continue reading below ↓

Ang lakas talaga ng dating noong kay Kimmy dahil fit na fit sa kanya ang pink, lalo na’t alam natin na favorite color niya ito.

Dalang-dala niya ang outfit with her projection, cute na dance moves, and her charm! At ang sexy niya rin, ha!

Habang pumu-project, nagagawa niya ang dance steps. Kumbaga, hindi lang siya ganda lang, may ibubuga rin talaga sa dance floor at engaging sa manonood.

Continue reading below ↓

Yung sa AOS, one minute lang yung number kasi isinama ito sa isang medley for the opening segment.

Pero ang ganda ng projection ni Glaiza kahit taped lang sa bahay ang performance niya.

Kinareer niya ang pagpu-project sa camera habang kumakanta.

At saka ang lakas ng dating niya kahit nakaupo lang siya sa sahig with her vinyl records!

Glaiza de Castro

Continue reading below ↓

Si Gabbi ang in charge sa live singing. Kung sa boses, okay siya. Pero sa projection, parang may kulang.

Hindi naman siya exactly ang nagkulang, pero iyong situation na hindi rin naman kasi siya pinasayaw or pinagalaw.

Nakatayo or steady lang siya doon sa kinatatayuan niya while singing.

Gabbi Garcia

Continue reading below ↓

Pero pinakapanalo na siguro si Ai-Ai sa kanyang iba-ibang outfit in one number in cute candy colors at may pa bulaklak pa sa ulo!

Ang favorite ko sa outfits ni Ai-Ai ay iyong kanyang white skimpy dress na glittery! Ang sosyal ng dating.

Ai-Ai Delas Alas

RACHELLE SIAZON:

Grabe si Kim Chiu, style inspo niya talaga ang mala-Barbie look ng Blackpink.

Continue reading below ↓

Tignan mo naman, from head to toe ay nag-effort siya na gayahin ang kanyang idol.

Check lahat itong mala-Blackpink OOTD ni Kim: highlight sa hair, dangling earrings, pink crop top and matching skirt, at trendy white wedge sneakers.

Kim Chiu

I must say na achieved din nina Gabbi at Glaiza ang Barbie look. Pasok sa theme ang mini dress ni Gabbi na may puffed-up sleeves.

Continue reading below ↓

Gabbi Garcia

Si Glaiza ang cute rin ng glitter make-up sa face! Yung pag-aura niya, pa-sweet lang, kitang-kita dahil sa malarong camera shots.

Glaiza de Castro

Continue reading below ↓

Siyempre, si Ai-Ai, hindi papakabog dahil nakalimang costume changes pa!

Pinakagusto ko yung suot niyang white romper dahil bagay sa kanyang rubber shoes. Na-emphasize rin ang kanyang shapely legs, kahit na naka-skintight leggings siya.

Ang galing na at 55 ay na-maintain ni Ai-Ai ang kanyang lean phsique. Mukhang until now ay naka-strict organic diet pa rin siya.

Ai-Ai Delas Alas

Continue reading below ↓

PRODUCTION VALUE

JIMPY ANARCON:

Ang bongga ng ASAP Natin ‘To sa set nilang may giant ice cream, lollipop, at candy cane na bagay na bagay sa kanta. As in literal na ice cream pala!

Ginamit naman ang LED screen para sa backdrop na ice cream stand.

Kumbaga, among the three shows, mukhang ito ang naging loyal kahit papaano sa feel ng Blackpink-Selena MV.

Kim Chiu

Continue reading below ↓

Sa All-Out Sundays naman, siguro dahil part ng opening number kaya walang props.

Cute din naman ang kulay ng ilaw, pero walang masyadong dating kung feel ng Ice Cream music video ang pag-uusapan.

Maganda yung pag-intersperse ng shot ni Gabbi sa stage with Glaiza on the screen.

Kabog ang pagkaka-set up kay Glaiza with her vinyl collection. Ang ganda ng kinalabasan!

Salamat naman at hindi nilagyan ng background graphics ang video ni Glaiza kasi, sa totoo lang, hindi okay sa akin yung pagkaka-morph ng AOS taped performances doon sa background graphics.

Sana lang ay may mas bongga pang paandar na ginawa kay Gabbi sa stage. Kapag nagwa-wide shot, kulang sa energy, di ba.

Gabbi Garcia, Glaiza de Castro

Continue reading below ↓

Yung sa The Clash, walang props pero ang ganda ng LED background.

May pa-mini platform with LED lights pa para kay Ai-Ai, at cute ang costume ng dancers.

Pero sa totoo lang, kailangan pa ba ng props for Ai-Ai? Na-achieve naman na ng costume changes niya, e!

RACHELLE SIAZON:

Pagdating sa set, pinaka-eye-candy for me yung sa ASAP Natin 'To. A for effort ang ice cream na production design with matching life-size candy cones and ice cream cones.

Tama ka, Jimpy, na pinaka-close ito sa set ng music video ng Blackpink dahil dun.

Pero in fairness, ang ganda ng color combination nung ice cream cone sa LED screen ng The Clash. Sumabay yung tingkad ng kulay at nakadadag sa magandang lighting effect sa stage.

Gusto ko rin na may elevated platform para kay Ai-Ai para nakasentro siya dun sa backdrop na ice cream cone sa LED screen.

Kitang-kita ang movement ng dance steps niya at pati costume changes niya.

Continue reading below ↓

Perfect iyong sabay sa beat noong malarong ilaw sa set ng The Clash.

Ai-Ai Delas Alas

TALENT-WISE

RACHELLE SIAZON:

Itinawid ni Ai-Ai ang pagkanta at pagsayaw at the same time, huh! Parang iyong song-dance cover lang niya noon ng "How You Like That."

Pero siyempre, hindi maitatanggi na medyo hirap si Ai-Ai na abutin yung high notes sa "Ice Cream" lalo na yung parts na kinanta nina Rose at Jennie ng Blackpink sa original music video.

Continue reading below ↓

Hirap din siya ma-achieve ang swabeng rapping ni Lisa. I guess, mas forte naman talaga ni Ai-Ai ang acting kaysa singing and dancing.

So iyong pagdating sa pagkanta, ibibigay ko kina Glaiza at Gabbi ang korona. Ganda ng boses ni Glaiza kahit chill lang siya sa set sa bahay!

Singer naman talaga si Glaiza kaya swabe lang niya na-perform ang Ice Cream. Mala-Lisa ang pag-rap nya.

Commendable ang performance ni Gabbi dahil live siyang kumanta at maganda kinalabasan ng duet nila ni Glaiza. Nakasayaw din siya nang hawak ang mic dahil hindi naman siya naka-wireless.

Glaiza de Castro, Gabbi Garcia

Continue reading below ↓

Winner for me ang ASAP Queen of The Dance Floor na si Kim. Ang galing dahil kuhang-kuha niya ang steps ng “Ice Cream.”

Kikay naman talaga ang personality ni Kim kaya bagay pati sa kanya iyong production number.

Ang cute tignan ng pilantik ng kamay niya kasabay ng beat, 'tapos kaya niya rin iyong hair whip.

Kim Chiu

Continue reading below ↓

For me, kahit hindi siya kumanta, siya ang over-all winner dahil siya ang high score hindi lang sa look kung hindi pati sa performance.

Mala-Blackpink ang pagsayaw niya na kita ang kanyang abs sa suot niyang crop top. Achieve niya na maging Blackpink member talaga!

Halatang super nag-enjoy si Kim, na panay ang ngiti on stage, dahil certified "blink" o Blackpink fan siya.

JIMPY ANARCON:

Pagdating sa performance, pinanindigan talaga ni Ai-Ai ang pagiging Comedy Concert Queen. Isa na ito sa mga pruweba niyan along with her past performances.

Tawa ako nang tawa kasi para lang siyang nag-e-enjoy sa performance niya at talagang ginagawa niya lang for fun.

Nakakatawa pati iyong banat niyang, “Gusto niyo ito!” Hahaha!

Pero, siyempre, mas nakakatuwa if seseryosohin niya rin minsan ang pagkanta ng ibang lyrics, lalo na sa rap part.

Ai-Ai Delas Alas

Continue reading below ↓

Si Glaiza at Gabbi naman, sayang lang talaga kasi nga, part lang siya ng opening number. Feeling ko, mas kabog pa iyon sana if it was a full-fledged production.

Sana ito ang effortan ng AOS soon kasi nakakabitin iyong maigsing clip lang from the opening number. Pero kabog naman ang vocals ng dalawa, lalo na ang rap ni Glaiza!

Cute rin naman ang sayaw ni Gabbi, pero mas priority niya for this number ang pagkanta more than pagsayaw. Kung may naging paandar pa siguro sa stage, mas naging pasabog ang one-minute number na yun.

Pero same tayo, Kim Chiu is the winner. I mean kahit may puntong nag-drop ang energy and sana ay more project ang dating ng performance niya, kuha naman niya ang dance steps at saka very cute din ang pagsayaw niya. Napansin ko rin ang pilantik ng kamay niya.

At kapag naka-wide shot ang camera tuwing sasayaw siya kasi, makikita kung gaano kabagay at kabongga ang ginagawa niya.

Continue reading below ↓

Kim Chiu

Naku, talaga nga namang nauuso ang local versions or covers ng K-Pop hits.

I wonder if sa next battle natin, may magkakapare-pareho na naman kaya ng mga sinasayaw o kinakanta sa magkakaibang shows!

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Whose performance of Blackpink and Selena Gomez's "Ice Cream" do you like best: Kim Chiu, Glaiza de Castro and Gabbi Garcia, or Ai-Ai Delas Alas?
PHOTO/S: ASAP Natin 'To (ABS-CBN) / All-Out Sundays (GMA-7) / The Clash (GMA-7)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results