Are Ang Sa Iyo Ay Akin stars willing to do another teleserye despite pandemic?

by Bernie V. Franco
Nov 11, 2020
(Clockwise) Jodi Sta. Maria, Sam Milby, Iza Calzado, and Maricel Soriano asked if they are still willing to work on another teleserye despite the ongoing pandemic.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Blessing ang trabaho sa gitna ng pandemya, kaya naman willing pa rin sina Maricel Soriano, Sam Milby at Jodi Sta. Maria na tumanggap ulit ng teleserye kahit nariyan pa ang pandemic.

Pero si Iza Calzado, mas nanaising iba naman ang mabigyan ng pagkakataong makapagtrabaho.

Ito ang sagot ng apat na bida ng ABS-CBN teleseryeng Ang Sa Iyo ay Akin nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung papayag silang gumawa ulit ng teleserye sa gitna ng health crisis.

Sa digital presscon ng Ang Sa Iyo Ay Akin noong November 6, idiin ng direktor na si FM Reyes kung gaano kahirap ang paggawa ng daily primetime series sa gitna ng krisis.

Pero sa kabila nito, gugustuhin pa rin daw nina Maricel, Sam, at Jodi na gumawa ulit ng teleserye.

JODI STA. MARIA: “BAKIT HINDI?”

Ayon kay Jodi, basta’t makapagpahinga lang siya pagkatapos ng Ang Sa Iyo Ay Akin, tatanggapin niya kung may susunod na offer kahit may banta pa rin ng pandemic.

“Kung ang question is right after ba nito gagawa ulit ako, siguro kailangan ko muna ng time na magpagpag or maghugas para naman mabigyan ko ng hustisya yung next na character na gagawin ko.

“Kailangan kong hubarin si Marissa sa pagkatao ko,” pagtukoy ng aktres sa kanyang papel sa Ang Sa Iyo Ay Akin.

Patuloy ni Jodi, “Ako kasi, nakikita ko ang trabaho ay blessing, e, di ba? Bakit naman hindi?”

Kinilala rin ng aktres ang hirap at pagod ng produksiyon maitawid lang ang proyekto.

“Part kasi nung commitment at dedication mo sa trabaho mo, yung talagang magsasakripisyo ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naiintindihan naman namin na sa panahon ngayon... kumbaga, sabihin natin unique ang sitwasyon nating lahat...

"Pero nakakatuwa naman na kailangan ko itong ibigay sa produksiyon din, that they’re also trying their best to meet all safety requirement, safety guidelines, and protocols making sure that everyone is healthy and safe sa set.”

SAM MILBY: WORK IS a BLESSING

Halos ganito rin ang sagot ni Sam.

Aniya, "If I would accept a project, I definitely would.

“I think the one thing na natutunan ko with what’s going on, kasi it’s not only na pandemya na nangyayari, it’s also yung nangyari sa ABS,” pagtukoy ni Sam sa tuluyang pagpapasara ng Kongreso sa TV network noong July 2020.

Nakita raw ni Sam ang kahalagahan ng trabaho ngayong may krisis.

“Yung takot paano yung future, ano yung mangyayari sa atin, it made me appreciate having work so much more…

“And just loving and appreciating having work. And my heart goes out sa mga Kapamilya din na nawalan ng trabaho.

“But me, having work now and being with this amazing people and this amazing show, it made me so grateful.

“Pero pagkatapos ng project na ito, I do wanna go home and visit my family, my parents.

“Cause my dad, kaka-86 pa lang siya, may dementia din siya, so I wanna spend time with them.

“But if there’s another project even with this, what’s going on, I will definitely [accept]. It’s such a big blessing,” saad ng aktor.

MARICEL LOVES HER WORK

Hindi rin daw mag-aatubili si Maricel na tumanggap ng trabaho dahil mahal niya ang kanyang propesyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ang trabaho naman, nagiging mahirap lang pagka maraming sagabal.

“Pero ang trabaho namin kasi mahal namin, kaya nagmumukhang madali pag ginagawa namin.”

Giit ng Diamond Star: “Basta’t kailangan ako, nandiyan ako.

"Kaya willing, more than willing to work, lalo na para sa ABS, gagawin ko ‘yon.”

IZA CALZADO: GIVE CHANCE TO OTHERS

Si Iza naman, sinabing hindi siya basta-basta gagawa ng teleserye kahit may dumating na offer.

“Kung teleserye po right away, parang mahirap din naman."

Noong Marso ay nagpositibo sa COVID-19 si Iza.

“Tsaka siguro kung ako lang ang tatanuning niyo, kung ganito pa rin ang ating sitwasyon ngayon, I would like to give chance to others to shine also.

“Because work is quite limited nowadays and we have been very fortunate to be blessed with this job, two seasons.”

Dugtong niya, “And I think that’s one of the things we realize—how many projects you need to take on also, di ba?

“I don’t also want to be greedy in that sense.

“Again, if it’s meant for you… if it’s not, it’s not.”

Sa katunayan daw, si Iza ay may dalawa pang nakalinyang proyekto pagkatapos ng Ang Sa Iyo Ay Akin, pero hindi raw teleserye.

Kung tatanggap man daw si Iza ay may mga konsiderasyon muna siya.

“So, kung teleserye ang tatanungin niyo, gusto kong bigyan ng pagkakataon ang iba ng teleserye din.

“At sa tamang pagkakataon, na siguro ready na rin ako at napagpag ko na rin nang todo si Elisse, go na go, bakit hindi?

"Work is a blessing,” pagtatapos ni Iza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Clockwise) Jodi Sta. Maria, Sam Milby, Iza Calzado, and Maricel Soriano asked if they are still willing to work on another teleserye despite the ongoing pandemic.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results