Gretchen Fullido thanks loyal Kapamilyas for supporting TV Patrol sans ABS-CBN franchise

by Arniel C. Serato
Nov 11, 2020
In a throwback photo, Gretchen Fullido (second from right) calls Noli de Castro (left), Korina Sanchez (second from left), and Ted Failon (right) as "best news anchors."
PHOTO/S: Courtesy: @gretsfullido on Instagram

“It’s such an honor & privilege to be working with the best news anchors…”

Ito ang bahagi ng appreciation post ng TV personality na si Gretchen Fullido sa kanyang Instagram noong November 8, Linggo.

Sa post ni Gretchen, ibinahagi niya ang isang throwback photo sa kanyang unang araw bilang Star Patroller ng TV Patrol ng ABS-CBN noong November 8, 2010.

Kasama niya sa litrato sina Noli de Castro, Ted Failon, at Korina Sanchez.

Caption ni Gretchen, “Would you believe this photo was taken 10 years ago?

“November 8, 2010—TV Patrol was relaunched with @kabayannolidecastro @korina joining Manong Ted Failon & @kuyakim_atienza.

“This was my first day as Star Patrol anchor too. Wow, it’s been a decade. What a blessing.”

Dagdag pa niya, isang malaking pribilehiyong makatrabaho ang mga katulad nina Noli, Ted, at Korina na tinawag niyang “best news anchors.”

Sabi ni Gretchen, “It’s such an honor & privilege to be working with the best news anchors, news gathering reporters, producers, editors, cameramen, behind the scenes peeps, RNG & more.

Continue reading below ↓

"It literally takes a village to produce a newscast.”

“WE ARE GRATEFUL”

Malaki raw ang pasasalamat ng pamunuan ng TV Patrol dahil hindi pa rin bumibitaw ang loyal viewers ng programa kahit sa online at cable na lamang sila napapanood.

Ito ay matapos hindi i-renew ng Kongreso ang franchise application ng ABS-CBN Corporation.

Lahad niya, “Even if the franchise was turned down & we lost a lot of shows, colleagues and friends... we are grateful that TV Patrol is still around to deliver the news to Filipinos worldwide.

“Thank you for your unwavering support mga Kapamilya. #tvpatrol #starpatrol #kapamilya #10years

Continue reading below ↓

Sa ngayon, wala na si Ted sa TV Patrol dahil lumipat na ito sa TV5 at Radyo Singko.

Hindi rin nabigyan ng bagong show si Korina sa network kaya lumipat din ito sa Kapatid network.

Ang ilang shows naman ng ABS-CBN ay napapanood na sa free TV sa pamamagitan ng blocktime agreement sa A2Z Channel 11.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a throwback photo, Gretchen Fullido (second from right) calls Noli de Castro (left), Korina Sanchez (second from left), and Ted Failon (right) as "best news anchors."
PHOTO/S: Courtesy: @gretsfullido on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results