Alex Diaz considers BL series with Kokoy de Santos his second wind in showbiz

by Nikko Tuazon
Nov 13, 2020
oh mando
In a digital press conference held last Wednesday, November 4, Kokoy de Santos (left) and Alex Diaz (right) said it was not hard to build chemistry in their BL series Oh, Mando!
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN / Dreamscape

Hindi naman nahirapan sina Kokoy de Santos at Alex Diaz na magkaroon ng chemistry para sa digital series nilang Oh, Mando!

Noong November 11, 2020, sinimulang ipalabas sa iWant app at YouTube channel ang nasabing Boys Love series kung saan kasama rin sa cast ang aktres na si Barbie Imperial.

Si Kokoy ay gaganap sa titular role na si Mando. Habang si Alex naman ang gaganap sa role ni Barry, isang bisexual basketball team captain na makakapareha ni Mando.

Sa digital press conference ng nasabing palabas noong Wednesday, November 4, 2020, sinabi ni Kokoy na madali nitong nakapalagayan ng loob si Alex.

Aniya, "Si Alex kasi first time ko makatrabaho and hindi mahirap maging kaibigan at makatrabaho si Alex kasi, ano siya, e, kasi mafi-feel mo na open siya sa iyo bilang aktor at bilang tao.

"Tingin ko naa-appreciate ko iyon kasi bibihira din sa amin sa industriya iyong sobrang magiging open sa iyo. Hindi lang sa pagiging aktor, sa personal na buhay.

Continue reading below ↓

"Nakapag-share agad siya ng ilang bagay na tingin ko hindi naman niya sasabihin ito kung hindi siya nagtitiwala sa akin."

Sa part naman ni Alex, bukod sa direktor ng series na si Eduardo Roy J. at kay Barbie na matagal na nitong kakilala, si Kokoy ang una niyang nakakuwentuhan.

Aniya, "The first day, we had a fitting. Si Barbie lang kilala ko dun, e, at that point, hindi pa super close.

"So I was having a very big anxiety attack because ang liit nung room pero andun iyong buong set.

"Si Direk lang iyong kilala ko and si Barbie. So I approached Kokoy and then off the bat, I told him everything that I was nervous about."

Patuloy ni Alex, "Of course, he’s a straight actor and this is an honest role for me. Super accommodating siya to the point na I didn’t feel any awkwardness…

"I think we were really able to do our work, alam mo iyon, walang halong kaba or anything."

Continue reading below ↓

SECOND WIND

Samantala, laking pasasalamat ni Alex nang i-offer ng Dreamscape ang proyektong ito sa kanya.

Nang mga panahon na iyon, naisip na ni Alex na mag-give up na sa kanyang showbiz career sa Pilipinas at magsimulang muli sa Canada kasama ang kanyang pamilya.

Aniya, "At that point in my life, I was actually going back to Canada. I was there to take a rest and possibly to start over.

Continue reading below ↓

"I thought, you know, maybe I ran my course here, and I’ve just come to kind of accept the reality of my career.

Dagdag pa ni Alex, "And then, Direk Edong reached out to my manager about a role for me and I was kind of waiting for a sign and I thought, you know, may be this is God’s way of telling me, ‘You have to come back, you have to show everybody that you’re just as entitled to the dream as anybody else. No matter where you came from, no matter what you’ve gone through, no matter what you struggle with on the inside or at home, the dream is for everybody.’

"So ayon, we’re all entitled to it so that’s why I said yes to the project.

"And Direk Edong made it super easy as well."

Bukod dito, ikinatuwa din ni Kokoy ang background ng karakter na kanyang gagampanan.

Continue reading below ↓

Aniya, "LGBT siya, fluid siya and he’s out. Saan ka makakakita ng ganyan sa school mo or sa school ko nung high school ako.

"Parang it’s breaking the stereotype na, di ba, puwedeng-puwede ito, puwede itong ganitong character.

"LGBTQ, and not even LGBTQ, even straight people can look up to this character and say, 'Wow, this is really cool.'"

Para naman kay Kokoy, hindi rin ito nagdalawang isip na tanggapin ang nasabing proyekto. Ito ang ikalawang project ni Kokoy kasama si Direk Eduardo Roy. Una silang nagkatrabaho sa 2019 Cinemalaya entry na F#*@bois.

Pahayag nito, "Simple lang naman, napakaganda po nung script, nung material. At iyong director po natin is si Direk Eduardo Roy.

"Hindi sa pambobola, pero napakagaling na direktor talaga nito.

"Tingin ko, e, bago ito sa akin kaya…at madalas gusto ko lang din iyong challenge at Dreamscape, [ABS-CBN] ito."

Dagdag pa ni Kokoy, "May nagagawa na akong roles before na LGBTQ+-related din, e, ibang-iba rin po ito."

Continue reading below ↓

SECOND LOVE TEAM

Si Alex ang ikalawang BL love team ni Kokoy.

Una nang sumikat ang tandem nila ng aktor na si Elijah Canlas para sa BL series na Gameboys.

Dahil dito, hindi maiiwasan ang paghahambing ng ilang fans sa love teams nito.

Sabi ni Kokoy, "Tingin ko ano, e, para sa akin, hindi kailangang i-compare pero hindi mawawala iyon dahil nga nabanggit natin na pareho itong BL. At ako ito ‘tapos iba iyong kasama ko dito.

Continue reading below ↓

"Pero for me, ibang-iba naman, e. Ako, personally, iba iyong ginampanan ko dito and imbes na ma-compare, siguro i-appreciate na lang natin iyong mga ganitong klaseng [series], di ba? Pero ready naman, oo. Wala namang masama, e."

Maging si Alex ay naghahanda na rin sa mga fans nina Kokoy at Elijah.

Sabi nito kay Kokoy, "Ramdam na ramdam ko bro si Elijah sa ano natin, love team. Ramdam na ramdam ko siya dito sa background, laging may fans na naghahanap sa kanya."

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a digital press conference held last Wednesday, November 4, Kokoy de Santos (left) and Alex Diaz (right) said it was not hard to build chemistry in their BL series Oh, Mando!
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN / Dreamscape
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results