Marcelito Pomoy "nanghihinayang" over postponed international shows

by Melba R. Llanera
Nov 14, 2020
Marcelito Pomoy had a promising start this 2020. He was supposed to do a number of international shows, but all were postponed because of the pandemic.
PHOTO/S: Screen Grab from Tagisan ng Galing Part 2

Dapat sana ay sunud-sunod na ang mga international shows ni Marcelito Pomoy matapos nitong sumali sa America's Got Talent: The Champions.

Early 2019, siya ang naging fourth placer sa spin-off ng sikat na American talent show competition. Hindi man siya nanalo, nagbukas ito ng mga oportunidad sa kanya na makapag-perform sana sa ibang bansa.

Pero karamihan sa mga shows ay na-postpone dahil sa pandemya.

Ang sabi ng Pilipinas Got Talent grand champion sa Ang Daigdig Ko'y Ikaw media conference nanganap nung November 10, 2020, na ginanap sa INC Museum, "Nandun tayo sa nanghihinayang din, pero kailangan nating tanggapin kasi di naman natin sinasadya ang mga nangyayari ngayon. Di lang naman ako kung di lahat tayo naapektuhan nito.

"Lahat tayo ay walang trabaho.

"Kumbaga dasal na lang na sana by next year, sana matapos na ang pandemya."

Kung matutuloy ang mga shows na ito, puno na ang schedule ni Marcelito next year.

Continue reading below ↓

Sa pagpapatuloy ng 36-year-old singer, "Sobra lahat na-postpone. Wala namang cancel, lahat postpone.

"Sana by next year matapos na ito, talagang fully booked na.

"After America's Got Talent, ang dami nang international na kumuha. Naka-tour na dapat ako sa Canada, sa Australia, Dubai, U.S., ang dami kaso na-postpone lahat."

May balak pa ba siyang sumali sa ibang international talent show competition?

"Siguro kung may mag-alok sa akin," ang mabilis niyang sagot.

"Di naman ako sasali na ordinary lang, sasali ako like The World's Got Talent The Champion edition. Basta champion edition okay sa akin yun. Lahat ng mga nanalo maglalaban-laban, okay na sa akin yun."

NET 25 STINT

Ang mga singers ay kasama sa mga pinakanaapektuhan ng pandemya dahil ipinagbawal ang mga live performances.

Sa parte ni Marcelito, ipinagpapasalamat niya na nakapag-ipon na siya nung nanalo pa lang siya sa Pilipinas Got Talent noong 2011.

"Actually, nahirapan sa part ko bilang isang singer na walang trabaho, pero nung kasi nung pagkapanalo ko sa Pilipinas Got Talent, nung nakilala na ako, nakaipon na ako, nakapagtayo na ako ng business noon.

Continue reading below ↓

"Hardware 'tapos lumago na, dalawa na siya ngayon."

Blessing din para kay Marcelito ang pagkakapili sa kanya bilang hurado sa Tagisan Ng Galing 2, na mapapanood sa Net 25 ang singing category tuwing Sabado at ang dancing category tuwing Linggo, alas dose ng tanghali at alas nuwebe ng gabi.

Sambit ni Marcelito, "Siyempre sobrang saya ko dahil napabilang ako bilang isa sa hurado sa Tagisan Ng Galing.

"Siyempre sa opportunity na binigay sa akin, sobrang nagpapasalamat ako sa Net 25 na kahit lockdown, may trabaho."

Tungkol naman sa mga kasama niyang hurado sa singing category na sina Imelda Papin, Vina Morales, at Marco Sison, "sobrang happy" raw ang kilalang ABS-CBN performer

Aniya, "Sobrang happy di ko akalain na makakatrabaho ko sila. Sila mga veterans singers na sila, ako paangat pa lang ako. I'm so happy na makatrabaho ko sila."

RELATED STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marcelito Pomoy had a promising start this 2020. He was supposed to do a number of international shows, but all were postponed because of the pandemic.
PHOTO/S: Screen Grab from Tagisan ng Galing Part 2
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results