Chantal Umali hindi malimutan ang kaguwapuhan at bango ng aktor na ito
Nov 23, 2020

Kung batang '90s ka, siguradong natatandaan mo pa si Chantal Umali.

Siya yung cute and chubby girl sa isang hotdog commercial na mas piniling mag-goodbye na lang sa crush niya, kesa bitawan ang isang bagay na gustung-gusto niya.

Pagkatapos ng commercial niyang ito ay nakagawa siya ng guest appearances sa ilang TV programs, bago offer-an na maging Viva contract artist.

At sa unang proyektong regular cast member siya, isinama siya sa batch 2 teen-oriented afternoon show na T.G.I.S.

Sa photo na in-upload ni Anne Curtis sa kanyang Instagram nung 2018, makikitang kasama ni Chantal (pangatlo mula sa kanan) sa batch 2 cast sina (from left) Chubi del Rosario, Antoinette Taus, Polo Ravales, Anne, Dingdong Dantes, Kim delos Santos, at Chris Llanes.

Anne Curtis, Chubi del Rosario, Chantal Umali, Antoinette Taus, Polo Ravales, Dingdong Dantes, Kim delos Santos, Chris Llanes

Napag-usapan nina Chantal at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) senior staff writer Jimpy Anarcon ang tungkol sa kanyang T.G.I.S. days nung November 19 episode ng PEP Live.

Sa interview niyang ito, nabanggit ni Chantal kung gaano sila gandang-ganda noon sa pinakabatang member ng cast na si Anne.

Panoorin sa video na ito kung ano ang masasabi niya pa kay Anne.

Video: Rommel R. Llanes.

Bukod sa T.G.I.S., nakagawa rin ng iba pang proyekto si Chantal bago tinalikuran ang showbiz.

Tinanong ni Jimpy si Chantal kung sino ang tatlong memorable actors na nakasama niya.

Ang tatlong nabanggit niya ay sina Mel Martinez, Albert Martinez, at Janno Gibbs.

Panoorin ang video sa taas kung ano ang masasabi niyang unforgettable sa tatlong aktor na kanyang nabanggit.

Para sa buong interview ni Chantal kunsaan nabanggit niya kung bakit niya tinalikuran ang showbiz at kung ano ang kabutihang naidudulot ng yoga sa tao, i-click ang link na ito: https://bit.ly/ChantalOnPEPLive

HOT STORIES

#chantalumali #TGIS #peplive

Host: Jimpy Anarcon
Producer: Rommel Llanes

PEP Live is the online talk show of PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) live streaming every Tuesday and Thursday, at 8:00 p.m. on PEP.ph, Facebook, YouTube, and Kumu.

Check out our other live streaming shows as well:
PEP Live EXTRA! every Wednesday at 8:00 p.m.
PEP Hot Stories Roundup every Friday at 8:00 p.m.

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results