Dimples Romana is all praises for "Lobo" co-star Angel Locsin


"Kakaiba ang kabaitan ng tao na ito. Super-bait niya. I mean, kausap ko na siya as tao, ha, hindi ko na siya kausap as artista. Pero hands down, mabait," says Dimples Romana about Lobo co-star Angel Locsin.


Isa na rin sa maituturing na loyal Kapamilya stars si Dimples Romana. Teenager pa lang siya when she started with the Kapamilya network. Ngayon, kahit may asawa't anak na siya, ay nasa Star Magic pa rin siya at patuloy pa ring nabibigyan ng magagandang projects ng ABS-CBN at Star Cinema.

Sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Lobo, si Dimples ang gumaganap na best friend ni Angel Locsin. Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dimples, mukhang even in real life ay naging magkaibigan na nga ang dalawa. Nakuha ni Angel ang loob ni Dimples kaya todo-depensa nito sa lead actress ng Lobo nang kumustahin namin ang working relationship nilang dalawa.

"Masaya. Sobrang saya!" sambit ni Dimples. "Actually, nakakagulat na masaya. Alam mo, ako, siyempre hindi naman ako yung artista-artista... Iniisip ko kasi, if she also feels bad about GMA, pero wala. Wala siyang masamang sinasabi. Minsan ako, tsinitsika ko na siya na, ‘Mare, hindi ka galit?' Kasi ako, nababasa ko yung mga ano... Ako kasi, kung kaibigan mo ako, mang-aaway ako kung mang-aaway. Kung hindi ako, ha, pero kung ako, quiet lang.

"Pero siya, since she's a very good friend of mine dahil palagi nga kaming magkasama, parang feeling ko, defensive ako. Sa mga nakikita kong nilalabas nila, naaano akong talaga...

"Pero kakaiba ang kabaitan ng tao na ito. Super-bait niya. I mean, kausap ko na siya as tao, ha, hindi ko na siya kausap as artista. Pero hands down, mabait. Parang si Piolo [Pascual], kaya bagay silang talaga," papuri ni Dimples kay Angel.

PRIVATE LIFE. Samantala, nag-leave of absence daw si Dimples sa Enduron College kung saan ni-resume niya ang kanyang pag-aaral. Kuwento ni Dimples, hindi raw talaga kakayanin ng schedule niya sa Lobo at sa sinu-shoot na movie sa Star Cinema.

"Noong pumasok yung movie na Aga Muhlach at Anne Curtis, I had to take a leave of absence talaga. Okay naman, pumayag naman sila. Kaya hindi ako naka-enroll ngayon. Hindi ko kasi kakayaning talaga dahil sa Lobo pa lang, four days a week na ang taping days namin," sabi ni Dimples.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawa na lang si Dimples nang sabihin namin sa kanya na kung tutuusin naman ay hindi na niya kailangang magtrabaho since financially ay kayang-kaya siyang suportahan ng asawa niyang computer engineer sa Accenture.

"Hindi! Hindi totoo ‘yan!" tanggi niya. "Kailangan kong mag-work. At unang-una, hinahanap ng katawan ko ang pag-arte. Of course, my husband, he's super-bait. Talagang iniintindi ako nang matindihan. He's very supportive kasi kapag sinabi ko na gusto ko ng trabahong ganito...keber!

"In a way, puwede nga siguro na hindi na lang ako mag-work because he's really supportive talaga. Pero naman, ang bata ko naman yata para mag-retire, ‘no!" natatawang sabi ni Dimples.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN