Chynna Ortaleza cries due to script revisions; admits she was afraid of director Laurice Guillen

Chynna Ortaleza on her new teleserye Second Chances: "Yung first day ko, iniyakan ko yun dahil … they had to revise the script."


Unang beses na makatrabaho ni Chynna Ortaleza ang director ng Second Chances na si Laurice Guillen at dahil may aberya sa script niya bago ang taping day nila, sobra ang kabang naramdaman ng aktres.
“First time ko siyang makatrabaho. Yung first day ko, iniyakan ko yun dahil … they had to revise the script.
"Biglang yung original script ko na inaral ko na mula 7 p.m., kailangan kong i-aral yung bagong 27 na sequences.
“So hindi na pumapasok.
“E, si Direk Laurice, ang rule niya sa set, drop script.
"Bawal niyang makita ang script mo.
"Iyak ako ng iyak the whole time bago ako pumunta dun. Sa kaba, sa takot.”
Kumusta naman sila ni Direk Laurice?
“Ano naman siya, actually, honest nga ako sa kanya.
"Nilapitan ko siya noong umaga, inexplain ko agad, 'Ma’am, there are some things that I want to clarify, I was given a script last night.'
"Inexplain naman niya at sabi niya, 'Don’t worry, if I feel like you’re lacking something or I don’t like the attack, I will tell you.'
"And that’s what she does talaga.”
Sa isang banda, hindi maituturing ni Chynna na kontrabida siyang muli sa teleserye bilang si Colleen na may lihim na pagtingin sa asawa ng kapatid niya na namatay.

Bahagi si Chynna sa GMA-7 teleserye na Second Chances na mapapanood na simula Lunes, January 12.
Paliwanag ni Chynna, “Pareho kaming naggi-grieve ni Raymart [Santiago] dahil kapatid ko si Jackie [Rice].
"Kumbaga ako, I admire the guy ever since. 'Tapos, boto ako sa kanya para sa kapatid ko.
“Si Colleen kasi, susi siya. Yung character ko, key siya to the main character na mari-reveal pagdating ko.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN