Which Christmas station ID did you like better--that of GMA-7, TV5, or ABS-CBN?

Which Christmas station ID 2020 did you like better: GMA-7, TV5, or ABS-CBN?
PHOTO/S: GMA-7 / TV5 / ABS-CBN

Jimpy Anarcon:

So now there are three.

Complete na ang inaabangang Christmas station IDs ng TV networks. For the past five years or so, ABS-CBN at GMA-7 lang usually ang mayroong Christmas station ID. Pero sumali sa laban ngayon ang TV5!

Ang dami ng aspetong tinitignan ngayon to see which Christmas station ID is more effective: star power, theme, execution and, of course, music!

Unang naglabas ang GMA-7 noong November 16, 2020, sumunod ang TV5 noong November 30, at huli ang ABS-CBN noong December 1.

Rachelle Siazon:

Agree ako sa criteria kasi bilang viewer, hahanapin mo talaga yung: (1) billing at exposure ng prime stars ng network (2) Christmas feels na tipong nakakaantig ng damdamin (3) over-all impact at ganda ng production.

Ang hirap pumili ha! Sa totoo lang ang ganda ng message of love, unity, at genorosity na pasok sa tatlong Christmas station ID na “Isang Puso Ngayong Pasko”; "Tuloy Pa Rin Ang Pasko, Kapatid," at "Ikaw Ang Liwanag at Ligaya."

Continue reading below ↓

TV5

Continue reading below ↓

ABS-CBN

STAR POWER

Rachelle SIAZON:

Bongga na inilaban ang best and brightest stars ng bawat istasyon. Hitik sa prime stars ang ABS-CBN at GMA-7 bilang leading TV networks sa bansa.

Kahit na walang franchise ang ABS-CBN, all-out pa rin ang support ng prime stars kabilang sina Vice Ganda, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Kim Chiu, Angel Locsin, Judy Ann Santos, Sarah Geronimo, Sharon Cuneta, at Regine Velasquez.

Continue reading below ↓

Judy Ann Santos in ABS-CBN Christmas station ID 2020

Hindi rin pahuhuli ang GMA-7.

Nandiyan sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Alden Richards, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Heart Evangelista, Lovi Poe, at Barbie Forteza.

Nakakatuwa rin na maraming real-life couples ang pinagsama sa GMA. Yun nga lang, break na sina Andrea Torres at Derek Ramsay na magkasama pa nang kunan ang shot nila.

Continue reading below ↓

Derek Ramsay and Andrea Torres in GMA-7 Christmas station ID 2020

Nakaka-curious naman ang mga artistang sumali sa TV5 Christmas station I.D. Pinakita talaga ang stars na bida sa mga ongoing shows ng network, blocktimer man o gawa mismo ng network. Although yung ibang kuha sa mga artista ay clips from episodes (Chika Besh and Masked Singer Pilipinas), may mga nag-shoot din talaga for the station ID tulad ni Billy Crawford, na isa sa singers ng station I.D. theme.

Continue reading below ↓

Nag-shoot din sina Ryan Agoncillo (Bangon Talentadong Pinoy), Jake Cuenca at Kris Bernal (Ate Ng Ate Ko); Paolo Ballesteros at Wally Bayola (Bawal Na Game Show). Gayundin sina Pokwang at Jose Manalo (Fill In The Bank), at grupo nina Alex Gonzaga, Billy, KC Montero, Macoy Dubs, K Brosas, Ariel Rivera, at Wacky Kiray (Lunch Out Loud).

Jake Cuenca and Kris Bernal in TV5 Christmas station ID

Continue reading below ↓

Pero bakit kaya missing in action ang grupo ng Sunday Noontime Live hosts ano?

Jimpy Anarcon:

Expected talaga na every station ID ay lalabas ang big stars ng bawat network. Although, siyempre, kapansin-pansin din na maraming nawawala. To be honest, nakaka-miss sina Maja at Piolo sa ABS-CBN CSID, pero wala rin naman sila sa TV5.

Napansin ko ring hindi masyado na-highlight ang LizQuen dahil siguro pareho silang hindi nakalabas.

Sa GMA-7 naman, in fairness, wala masyadong nawawala, although mapapansing halos isa-isa lang sila sa bawat frame at talagang nag-physical distancing.

Pero kataka-taka ngang wala ang mga taga-SNL sa TV5 CSID, kasi kahit hindi nakapag-shoot, nagawan naman ng paraan ang iba. Halimbawa, si Beauty Gonzalez na eksena mula sa Paano Ang Pasko ang iniligay, at ang mga judge ng Masked Singer Pilipinas. Consciously kayang wala sila?

Beauty Gonzales in a scene from Paano Ang Pasko shown at TV5 Christmas station ID

Continue reading below ↓

MUSIC AND THEME SONG

Jimpy Anarcon:

Kabogera ang bawat CSID sa mga songs nila dahil—particularly sa ABS-CBN at GMA-7–mga big singers nila ang nagsama-sama talaga to sing. Sa ABS-CBN, andiyan sila Regine Velasquez, Sarah Geronimo, Lea Salonga, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Gary Valenciano, Martin Nievera, Jona, Morissette Amon, KZ Tandingan, Moira dela Torre, at pati ang mga bagets na sina Darren Espanto, Inigo Pascual, Janine Berdin, at Elha Nympha.

Singers of ABS-CBN Christmas station ID 2020

Continue reading below ↓

Sa GMA-7 naman, magkakasama sina Julie Anne San Jose, Gabbi Garcia, Golden Canedo, Aicelle Santos, Maricris Garcia, Christian Bautista, at Mark Bautista.

Julie Anne San Jose is one of the singers of GMA-7 Christmas station ID theme song.

Medyo upbeat naman ang ipinakita ng TV5 with Billy Crawford, Daryl Ong, Katrina Velarde, and Lyca Gairanod.

Continue reading below ↓

Very catchy ang theme song ng bawat station ID, lalo pa’t ang ating very own na si Sir Noel Ferrer ng PEP Troika ang lyricist ng sa TV5.

Billy Crawford sings theme song of TV5 Christmas station ID 2020.

Pinaka-nagustuhan ko ang melody ng ABS-CBN dahil nakaka-good vibes ito pati mga instruments na ginamit, lalo na doon sa part ni Sarah! Cute din iyong part sa ABS na iba-ibang dialogue at language.

Continue reading below ↓

Pero mas may LSS (Last Song Syndrome) factor ang sa GMA pagdating sa campaign title at chorus. Medyo nalumaan lang ako sa tempo at instruments na ginamit, parang usual sa GMA CSID for the past years.

Ang sa TV5 naman, friendly at very caroling ang dating.

Lahat ng theme songs nila, very uplifting. Pero mas uplifting for me ang sa TV5 as evident on the title “Tuloy Pa Rin Ang Pasko."

Sa dami ng pinagdaanan natin ngayon, grabe, parang may hope pa rin na yes, Christmas is really and is still coming.

Rachelle Siazon:

Uplifting ang napiling mga kanta ng tatlong TV networks.

Sa GMA-7, nakasentro sa pagkakaisa ng sambayanang Pilipino sa pagdiwang ng Kapasukhan, sa hirap man o ginhawa. Para sa akin, tama ang timpla ng kanta na madamdamin ang lyrics at danceable ang beat. Madaling tandaan ang chorus dahil simple pero nakaka-LSS ang kanta.

Maganda ang blending at walang sapawan sina Julie Anne, Christian Bautista, Maricris, Aicelle, Golden, Gabbi, at iba pang Kapuso singers.

Continue reading below ↓

Iyong lyrics ng sa ABS-CBN, madamdamin ang dasal sa Diyos na mahirap man ang hamon ng buhay, makakaasa na may dalang liwanag at ligaya ang tunay na Star ng Pasko. Nagsama-sama ang powerhouse singers na sina Regine Velasquez, Lea Salonga, Sarah Geronimo, at Bambo. Siyempre walang kuwestiyon sa talento nila sa musika.

Sa TV5, pinapaalala sa viewers na ang tunay na liwanag ng Pasko ay makikita sa pagtutulungan ng bawat isa. Ang galing din nina Katrina Velarde, Lyca Gairanod, Daryl Ong, at Billy Crawford sa pagkanta. Tama ka, Jimpy, refreshing ang kombinasyon nila.

EXECUTION

Rachelle Siazon:

Pinakagusto ko sa GMA-7 iyong paggamit ng face masks na may nakasulat na positive messages. Very timely at relevant dahil naging basic necessity na sa atin ang paggamit ng face mask bilang bahagi ng safety protocol ngayong pandemic. Iyong simpleng words na nakasulat, ang gandang reminder na huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng hirap na dala ng sunud-sunod na sakuna na naranasan ng bansa ngayong 2020.

Continue reading below ↓

Derrick Monasterio

Kaya sakto rin na may raw news clips ng mga dinaanang hirap ng ating mga kababayan. Magpa-flashback talaga sa iyo—mula sa pagsabog ng Taal Volcano noong January, nasundan ng COVID-19, hanggang sa mga humabol na bagyo bago magtapos ang taon. Kaya talagang na-teary-eyed at goosebumps ako nung una kong napanood yung GMA station ID. Siyempre, cute rin yung flying hearts na lumilipad. Mala-Sanggre ang peg at waring nagpapaala na love is the power.

Continue reading below ↓

Nag-goosebumps din ako nang mapanood ko iyong sa ABS-CBN station ID. Kudos sa effort na magpakita ng slice-of-life moments mula sa iba't ibang non-showbiz personalities. Tatak na talaga ng ABS-CBN iyong may narrative na makabagbag-damdamin. Gusto ko iyong parts na nagpunta iyong cast ng La Vida Lena sa Sitio Paglitaw, Antipolo, para mamigay ng solar lamps. Ang cast ng Walang Hanggang Paalam, namigay ng children's books sa Aeta Community sa Bataan at iyong It's Showtime hosts namigay din ng regalo sa Sagrado Public Market.

Carlo Aquino, JC de Vera, and Erich Gonzales

Continue reading below ↓

Maganda rin iyong paggamit ng parol kasi feel na feel mo iyong Pasko. 'Tapos may pagkanta pa ng lyrics in different dialects and languages para i-emphasize yung celebration ng mga Pilipino ng Pasko saan mang sulok ng mundo.

Nag-enjoy din ako sa TV5 station ID kasi upbeat at maganda rin ang lyrics ng "Tuloy Pa Rin Ang Pasko, Kapatid." Good vibes lang yung mga artista at media personalities na sumasabay sa pagkanta. Very music video ang dating niya for me na makikita mo yung idols na mapapanood sa TV network na nagsasaya. 'Tapos may news clips din at videos ng relief efforts para ma-emphasize na magandang tumulong sa nangangailangan ngayong Kapaskuhan.

The cast of Lunch Out Loud

Continue reading below ↓

Jimpy Anarcon:

Ang galing nga kasi nagkaisa sa mga temang ginamit ang bawat network na talaga namang nakakapagbigay ng hope sa mga tao. Sa kabila ng hirap ng taon, at least maging masaya tayo ngayong Kapaskuhan. Sumentro talaga ang ABS-CBN sa pagbibigay tulong sa kapwa. Parang iyon ang inikutan ng station ID nila. At ang galing kasi parang hindi sila nawalan ng franchise sa pagpapatuloy ng paglilingkod na ginagawa nila. Nakakatuwang isipin.

Pero pinakatumatak sa akin sa ABS yung pagdadasal ni Angel Aquino na maluha-luha. Parang naiyak din ako. Naramdaman ko iyong dasal niya kahit wala siyang sinabi kasi nga grabe itong taong ito, lalo na sa kanila sa ABS-CBN na may matinding pagsubok sa 2020, na parang kumapit talaga siya kay Lord to get through the challenges.

Angel Aquino

Continue reading below ↓

Isa rin pala iyon sa gusto ko sa ABS, bumalik sila sa core na ang tema ay dine-dedicate kag Lord, like the 2009 Christmas station ID. Ayun nga lang, kung sa viewer at viewer lang, ang haba ng CSID nila! Pero enjoy din naman.

Sa GMA-7 naman, nakaka-goosebumps nga rin balikan ang mga nangyari sa 2020 through the clips from their news reports. Noong una, parang ang devastating ng dating hanggang sa ipinakita na ng network ang pagkakaisa at katatagan natin to overcome all these.

24 Oras report shown in GMA-7's Christmas station ID 2020

Continue reading below ↓

At agree ako sa iyo, nakakatuwa ang masks at uplifting messages written sa placards. Kailangang-kailangan talaga kasi ng manunuod iyon.

Sa TV5, okay din ang effort nila na magkaroon ng kaunting clips ng ordinaryong tao. Korek, parang iyong kanila ay iyong fun lang pero may paghihikayat pa rin na tumulong sa ibang tao through their foundation.

Panalo rin ang ABS-CBN at GMA-7 sa production design ng studio shots nila. Gusto ko ang malaking Christmas tree sa studio ng ABS-CBN at pagkakabit ng parol ng mga artista, at cute naman ang glowing hearts as Christmas tree ornaments sa GMA.

VERDICT

Jimpy Anarcon:

Overall, pinaka-nagustuhan ko ang sa ABS-CBN. Good vibes lang sa akin yung theme song nila (lalo na sa part ni Sarah G. talaga!) habang ipinapakita iyong gift giving ng Kapamilya stars sa iba’t ibang groups of people na may mga pangarap like yung Bibingka vendors and iyong choir, at iyong prayers din nila Juday at Ma’am Charo.

Continue reading below ↓

Pangalawa ang GMA pero hindi naman nagkakalayo sa pagkagusto ko sa ABS. Gusto ko ang tipong pakikipag-usap ng ilang GMA personalities sa Kapuso viewers to uplift their spirits.

Third sa akin ang TV5, siguro dahil wala pang masyadong paandar, pero kanila for me iyong pinakasimple pero uplifting ang mensahe, na through it all, through the obstacles we are facing, tuloy pa rin ang Pasko at walang makakapigil!

Rachelle Siazon:

Winner for me ang sa GMA-7 kasi gusto ko yung raw ang dating ng news clips. May kirot sa puso habang napapanood mo iyon interspersed with Kapuso artists, na kundi man nagbigay ng inspiring message para sa viewers ay may suot na face mask o may hawak ng placards. Simple pero perfect reminder for us to find joy even in suffering.

Sabi nga ni Jessica Soho, "Hindi mapipigilan ng pandemya ang pag-aalala natin sa kapanganakan ng Panginoon, kaya tuloy na tuloy pa rin ang pagdiriwang natin ng Pasko."

Continue reading below ↓

Nai-deliver ng GMA ang mensahe na gusto nitong iparating in seven minutes and 30 seconds. At timing pa dahil nai-release na iyong inspirational station ID few days after Typhoon Ulysses devastated parts of Metro Manila, Cagayan, Isabela, and other provinces.

Malinis at creative naman talaga ang execution ng sa ABS-CBN station ID. Advantage rin na maraming artista ang Kapamilya network, na siguradong aabangan ng mga umiidolo sa kanila. Pero parang masyadong mahaba iyong 15 minutes at 51 seconds. At sa dami ng ipinakitang sub-stories, medyo makakaramdam ka ng kaunting inip. Kaya kailangan mo pang panoorin iyong lyric video version para mas marinig at maramdaman mo ng buo iyong kanta.

Sa TV5, makikitang nasa proseso pa ng pagsisimula uli ang network. Noon lang October sila nag-launch ng entertainment programs at karamihan ay blocktimer shows. Kaya marahil hindi pa talaga ganoon kadami ang kanilang stable of stars na puwede nilang isama sa station ID.

Continue reading below ↓

Pero refreshing din makita na iyong dating mapapanood mo sa iisang network ay makikita mong nagsama-sama rito sa TV5. Pasok ang Christmas message na "Tuloy Pa Rin Ang Pasko, Kapatid" sa loob lamang ng three minutes and 52 seconds.

Video: Rommel Llanes.

Ed's Note: The PEP REVIEW section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial team.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Which Christmas station ID 2020 did you like better: GMA-7, TV5, or ABS-CBN?
PHOTO/S: GMA-7 / TV5 / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results