Jane de Leon ecstatic after being entrusted with Darna series on ABS-CBN: "I feel blessed to be a Kapamilya."

by Rachelle Siazon
Dec 4, 2020
"Feeling ko baby pa rin ako nung nalaman ko yun... And grabe yung pasasalamat ko talaga sa mga boss. Until now, andun yung tiwala nila sa akin na ibigay nila sa akin yung bato," says Jane de Leon after her contract signing with Star Magic earlier today, December 4.
PHOTO/S: Star Magic Youtube

Aminado si Jane de Leon na tila "rollercoaster" ang emosyong naramdaman niya dahil sa atras-abanteng estado ng proyektong pagbibidahan niya bilang Darna.

Pero nangibabaw raw ang saya sa puso ni Jane na maramdaman ang tiwala at pagmamahal sa kanya bilang Kapamilya ng ABS-CBN managament.

Ngayong Biyernes, December 4, kinumpirma ni ABS-CBN chief operating officer Cory Vidanes na sa 2021 ipalalabas ang Darna na pagbibidahan ni Jane.

Ani Cory, "Tuloy na tuloy po po ang paglipad ng Darna, at ang gaganap bilang Darna ay walang iba kundi si Ms. Jane de Leon."

Kasabay ito ng pag-renew ni Jane ng kontrata bilang talent ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Kumpleto roon ang ABS-CBN bosses: Carlo Katigbak (president and CEO), Mark Lopez (chairman), Cory Vidanes (COO), Laurenti Dyogi (Star Magic head), at Ric Tan (group chief financial officer).

"I'm really, really happy na makita kayo lahat. I feel so blessed to be a Kapamilya," bahagi ng mensahe ni Jane sa top executives ng network.

Continue reading below ↓

Pagkatapos ay sumalang si Jane sa virtual presscon, na dinaluhan din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ngayong hapon ng Biyernes.

Sabi ni Jane, "Nagulat ako kanina... Anong nangyayari? Totoo po yung sinasabi ko na nag-flashback lahat sa akin...

"Feeling ko baby pa rin ako nung nalaman ko yun. Eto na naman. It's another dream na tuloy and official na talaga na matutuloy na.

"And grabe yung pasasalamat ko talaga sa mga boss. Until now, andun yung tiwala nila sa akin na ibigay nila sa akin yung bato."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw makapaniwala si Jane na hindi siya sinukuan ng ABS-CBN sa kabila ng mga aberya sa Darna.


Continue reading below ↓

THE TRIALS ENCOUNTERED BY THE DARNA PROJECT

July 2019 nang unang inanunsiyo ng ABS-CBN na si Jane ang napiling gumanap sa iconic superhero na obra ni Mars Ravelo, isang Filipino comic book cartoonist at graphic novelist.

Nakatakda sanang isapelikula ang Darna, at ang huhulma ay ang respetadong direktor na si Jerrold Tarrog.

Pero noong August 17, 2020, naiulat ng PEP.ph na hindi na matutuloy ang paglipad ng Darna.

Noong panahong iyon, napag-alaman mula sa isang reliable insider na "business decision" ang pagkansela sa naumpisahan nang shooting ng pelikula.

Sinasabing umabot na sa "PHP140 million" ang kabuuang gastos sa produksiyon ng Darna, mula pa noong panahong ang mga napiling bibida sana ay sina Angel Locsin at Liza Soberano.

Nakasaad din sa ulat na pinulsuhan noon ng ABS-CBN management na i-offer bilang "TV series" ang Darna.

Nagpadala umano ng "feelers" ang ABS-CBN sa GMA-7 at TV5 sakaling interesado ang alinman sa dalawa na bilhin ang rights para gawing serye ang Darna.

Continue reading below ↓

Noong August 21, 2020, kinumpirma ng ABS-CBN na "postponed indefinitely" ang pelikula.

Sa official statement ng ABS-CBN, nakasaad na mahihirapan ang produksiyon sa limitasyong dulot ng pandemya dahil sa requirements ng pelikula na “complex logistics, crowd shots, and fight scenes that involve physical contact."

Hanggang sa noong November 26, 2020, inulat ng PEP.ph na kinumpirma ng isang ABS-CBN insider na tuloy pa rin ang paglipad ni Jane bilang Darna, pero sa halip na pelikula ay para sa isang serye.

JANE THANKS ABS-CBN FOR ENTRUSTING THE ROLE TO HER

Sa parte ni Jane, sumagi raw sa isip niya noong una pa lang ibinigay ang proyekto sa kanya na hindi niya ipipilit kung hindi niya tadhana ang maging Darna.

"Akala ko postponed, hindi na matutuloy. Ayoko talaga mag-expect.

"Yun ang pinaka-prinomise ko kay Lord na ayoko mag-expect ng kahit ano because alam ko naman na may darating na blessings.

"And then, yun ang sinabi ko dati habang nag-audition ako sa mga boss.

Continue reading below ↓

"Sinabi ko sa kanila na, 'If hindi po talaga para sa akin ito, naiintindihan ko na baka para talaga sa ibang tao or para sa ibang nararapat na artista. Pero kung ibibigay niyo po sa akin ito at pagkakatiwalaan niyo po ako, nagpapasalamat po talaga ako.'"

message to HER CRITICS

Hindi rin daw kaila kay Jane na may ibang tao na hindi boto sa kanya bilang Darna.

Ano ang kanyang pakiramdam sa mga batikos na natatanggap niya?

Sagot ni Jane, "I think it's very normal to feel down if it's a negative comment. Kailangan lang talaga matututo ako kung paano mag-manage nun because it's really normal sa showbiz.

"And I do understand also, kasi nga, di ba, totoo naman? Sino ba ako?

"'Baguhan ito. Saan nanggaling ito? Bakit siya?' Yun ang mga tanong ng netizens.

"Even me, wag kayo mag-alala, kahit ako tanong ko yun sa sarili ko, bakit ba ako napili."

Continue reading below ↓

Nagpasalamat naman si Jane sa mga nagtitiwala sa kanyang kakayahan na magagawa niya nang tama ang proyekto.

"Kahit di pa natin naipapakita, pero yung suporta niyo po sa akin, hindi pa po kayo naggi-give up, you're still pushing me to do it. Salamat sa pagbibigay sa akin ng positivity."

May apela rin siya sa ga solid Kapamilya viewers.

Sabi ni Jane, "Sana subaybayan niyo po lahat ng mga proyekto na lalabas sa ABS-CBN. Hindi po kami maggi-give up especially yung mga bosses."

Sa ngayon ay magbabalik daw ulit si Jane sa training para sa kanyang action scenes sa Darna, dahil pansamantala raw siyang tumigil noon.

Pero bago ang Darna, mauuna raw ang isa pang proyekto ni Jane na sa December 8 ang simula ng taping.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Feeling ko baby pa rin ako nung nalaman ko yun... And grabe yung pasasalamat ko talaga sa mga boss. Until now, andun yung tiwala nila sa akin na ibigay nila sa akin yung bato," says Jane de Leon after her contract signing with Star Magic earlier today, December 4.
PHOTO/S: Star Magic Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results