Arjo Atayde dedicates Asian Academy Creative Awards best actor win to all Filipinos

by Arniel C. Serato
Dec 5, 2020
Arjo Atayde Best Actor
Arjo Atayde: "To the Asian Academy Creative Awards, thank you for the recognition and for recognizing Filipino talent. It is truly such an honor!"
PHOTO/S: Courtesy: @arjoatayde / @luisruizzzz on Instagram

Inialay ni Arjo Atayde sa lahat ng mga Pilipino ang kanyang natanggap na karangalan bilang Best Actor sa Asian Academy Creative Awards (AAAs) 2020 na iginawad kagabi, December 4.

Nanalo si Arjo para sa kanyang pagganap sa iWant TFC series na Bagman.

Ayon sa 30-year-old Kapamilya actor, ang kanyang award ay para sa mga taong dini-discourage ng ibang huwag nang ituloy ang kanilang pangarap.

Alay niya rin daw ito sa mga taong may agam-agam sa sarili.

Ang kanyang pagkapanalo ay para rin sa kanyang pamilya at sa mga kapwa artista sa bansa.

Mensahe ni Arjo sa kanyang Instagram post ngayong hapon ng Sabado, December 5:

“This is for everyone who has been discouraged by others to pursue their dreams, for everyone who has been told that they don’t belong, for everyone with self-doubt, for everyone behind the scenes that made this possible @abscbn @dreamscapeph @reinentertainment, for my loved ones who continuously support my every move — my family, friends and Bubs, and for all my fellow actors in the Philippines — my win is yours.

Continue reading below ↓

“Here’s to fighting the good fight and doing what you’re passionate about!

“Thank you to everyone who messaged and sent their congratulations. Appreciate each and every one of you.

Nagpasalamat din siya sa AAA sa pagkilala sa talento ng mga Pilipino.

“To the Asian Academy Creative Awards, thank you for the recognition and for recognizing Filipino talent. It is truly such an honor!"

Arjo Atayde Instagram post Best Actor

Continue reading below ↓

Binati naman si Arjo ng maraming celebrities dahil sa kanyang napagwagiang karangalan.

Arjo Atayde congratulatory messages


RIA SUPER HAPPY FOR ARJO’S FEAT

Kaninang umaga naman, isang mahabang post ang ibinahagi ng nakababatang kapatid ni Arjo na si Ria Atayde, 28.

Biro pa nito, parang siya ang nanalo sa pagiging excited niya sa tinanggap na parangal ng kanyang Kuya Arjo.

Continue reading below ↓

Post ni Ria sa Instagram: “Finally composed myself to write a better congratulatory message. Hahaha wow?! Ako nanalo?! Hahaha legit though, @ataydegela and I kept crying hahahahaha.”

Kasunod na ibinahagi ni Ria ang mga pinagdaanang “frustrations” ni Arjo noong kabataan nito.

Hindi raw kasi napagbigyan si Arjo sa kagustuhang sumali sa dance group sa kanilang paaralan dahil prayoridad ng pamilya ang kanyang pag-aaral.

Pati na ang nais nitong umarte noon.

Saad ni Ria, “So here I go: When we were in high school, I remember how heartbroken you were when you found out that you could no longer be part of the dance team that would represent the country to compete internationally. (cc: @vimirivera I’m sure you remember this)

“I also remember how growing up, you would insist that you wanted to act but they wouldn’t let you because of course, school was our priority.

“Fast forward years later, they finally let you act and you proved to all of us why you should have been acting all along.”

Continue reading below ↓

Hindi raw masukat kung gaano ka-proud si Ria sa kanyang kapatid.

Pahayag ng Chika! Besh host, “You’re amazing at what you do — passionate, humble and constantly looking to grow.

“What a full circle moment... you got to represent the country. It may not have been through dance but oh my goodness, Carlos, you brought the country pride through acting.

“I’m sure little Arjo is beaming with pride because I sure am so proud of you and so happy for you.

“You have proven yet again, that THIS is where you belong and this is what you were meant to do. So please erase all the doubt that you’ve had the past few months whether or not you should continue doing this, because hello noh... it’s meant to be.

“Congratulations, Best Actor for the 2020 Asian Academy Creative Awards @arjoatayde! I can’t wait to see you achieve more and I can’t wait to be there to witness all of it.”

Continue reading below ↓

Ria Atayde Arjo Atayde

ARJO BESTED 9 OTHER NOMINEES

Siyam ang tinalo ni Arjo para sa Best Lead Actor award niya sa AAA.

Nominado rin para sa nasabing parangal ang ibang Asian actors: mula sa China na si Luo Jin para sa Royal Nirvana, mula sa Hong Kong na si Anthony Wong para sa The Republic, mula India na si Manoj Bajpayee para sa The Family Man.

Continue reading below ↓

Gayundin ang mga nominado mula sa Indonesia na si Miller Khan para sa Assalamualaikum Calon Imam, mula Malaysia na si Bront Palarae para sa The Bridge Season 2, mula sa Myanmar na si Kha Ra para sa Spirit of Fight (Season 2).

Pati na ang mula sa Singapore na si Zhang Yao Dong para sa Daybreak, mula sa Taiwan na si Ching-Ting Hsia para sa The Story of Three Springs, at mula sa Thailand na si Prin Suparat para sa My Husband in Law.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arjo Atayde: "To the Asian Academy Creative Awards, thank you for the recognition and for recognizing Filipino talent. It is truly such an honor!"
PHOTO/S: Courtesy: @arjoatayde / @luisruizzzz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results