John Lapus admits getting depressed over zero income; considers TV5 his "savior"

by Ruel J. Mendoza
Dec 9, 2020
John Lapus admits struggling with anxiety because of the pandemic. He says, "Lecheng COVID na ito ay hindi ko inasahan. Ang ganda na ng momentum ng career."
PHOTO/S: @korekkajohn on Instagram

Nag-open up si John “Sweet” Lapus sa naging epekto ng quarantine lockdown at pagpapasara ng ABS-CBN sa kanyang mental health.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sweet via Facebook Messenger nitong December 6, 2020, habang nasa lock-in taping siya sa Laguna para sa TV5 teleserye na Paano Ang Pasko?

Dito ay ikinuwento niya ang naranasang anxiety disorder dahil sa sunud-sunod na pangyayaring hindi niya inaasahan.

Ayon sa mga medical websites, ang anxiety ay ang “natural response"ng katawan sa stress. Ito rin daw ay "feeling of fear or apprehension about what's to come.”

Kuwento ni Sweet, “First 3 weeks ng lockdown, hindi ako nakatulog, wala akong ganang kumain at nag-falling hair ako!

“I can usually predict or plan my future, pero itong lecheng COVID na ito ay hindi ko inasahan.

“Ang ganda na ng momentum ng career ko as writer/director for the past two years, 'tapos biglang nahinto. Isip ako nang isip kung ano gagawin ko sa buhay?"

Continue reading below ↓

Ang most recent project ni Sweet bilang direktor ay ang Kadenang Ginto.

Sa pagpapatuloy ng host-comedian, "May savings naman ako pero alam ko madaling mauubos kung walang papasok na trabaho.

“May mga bayarin at utang pa ako. Hindi ako mahilig humingi at mangutang sa ibang tao.

“Nakadagdag pa sa anxiety ko that time ang hindi ko nakikita ang mga kaibigan ko na source of my energy and creativity.”

Mabuti na lang at dumating ang offer ng TV5, kung saan cast member siya ngayon ng teleseryeng Paano Ang Pasko?

JOHN LAPUS ON WORKING WITH TV5

Matatawag daw ni Sweet na “savior” niya ang TV5 dahil tuwing kinakapos siya sa trabaho, nabibigyan siya nito ng biyaya.

“Salamat sa Diyos at nandiyan na naman ang TV5/Idea First na laging dumadating sa panahon na kailangan ko sila.

“Maliban sa fact na I feel that they believe in my talent, sila ang nagbigay ng first solo show ko as game show host via Blind Item noong 2005. ABC5 pa sila noon.

Continue reading below ↓

“Ginawa din nila akong regular co-host ng Sing-Galing with Ai-Ai delas Alas (we won Star Awards Best Game Show Hosts) then later with Pops Fernandez.

“At suki din akong Talent Scout ng lahat ng edition ng Talentadong Pinoy. From Ryan Agoncillo to Robin Padilla then Ryan [as host] ulit now.

“Naging regular din ako ng Tropa Mo Ko when direk Phillip Lazaro took over.

“Iyong mga huling shows ko with TV5 were Tasya Fantasya at Mac & Chiz.

Paano Ang Pasko? ay ang first soap ko with TV5 and Idea First."

Ang pagiging aktibo muli ng TV5 sa paggawa ng entertainment programs ay isang oportunidad para sa mga Kapamilya stars and crew members na nawalan ng trabaho matapos hindi payagan ng congress ang ABS-CBN na mag-renew ng franchise nito noong July 10.

May 5 nang ipatigil ng National Telecommunications Commission ang broadcast operations ng ABS-CBN sa bisa ng isang ceast and desist order.

Continue reading below ↓

March 16 naman nang isailalim ang buong Luzon sa Enhance Community Quarantine (ECQ), kung saan pinatigil ang pagte-tape o pagsu-shoot ng projects sa TV at movies.

Ani Sweet, “Malaking factor ang muling pa sigla ng TV5. Maraming artista ang nawalan ng trabaho dahil sa hindi pag-grant ng franchise sa ABS-CBN. Kasama na ako doon.

“Malaking asset sa TV5 ang pag-o-produce/blocktime ng Idea First, Brightlight, Quantum at iba pang independent producers.”

JOHN LAPUS ON HIS ACTING COMEBACK

Matagal na rin daw hindi umarte si Sweet sa isang teleserye dahil two years itong nag-concentrate sa pagdidirek sa ABS-CBN.

“Honestly, noong tinawagan ako ng Star Magic for this show, akala ko kinukuha akong director. Nakalimutan ko na artista din nga pala ako.

“Two years na din kasi nakalipas from my last soap na Since I Found You with Piolo Pascual and Arci Muñoz.

“Noong una, kinabahan ako. So kailangan maghanda, ang script at characterization. Salamat sa aking theater background, madali ko naman gisingin ang acting prowess ko.

Continue reading below ↓

“Thank God mga actor/director din ang mga director namin na sina Direk Eric Quizon at Direk Ricky Davao. Si Direk Perci Intalan naman ay matagal ko nang kilala kasi boss ko siya sa mga shows ko dati sa TV5.

“At napakaganda at klaro ng story at mga character ni Direk Jun Lana at ng kanyang writing team.

"At dahil 12 to 14 hours na lang ang taping (because ot the new normal protocol), dapat mahusay ka mag-memorize, makinig ng instruction at umarte. Nakakahiya sa mga tao pag hindi ka handa.”

Pahinga raw muna si Sweet sa pagdidirek habang may teleserye siyang ginagawa.

”Mukhang extended ang Paano Ang Pasko? until next year, so pause muna ang pagdidirek.

“Puwede pa naman ako tumanggap ng writing job or creative consulting, like what i did sa Wansapanataym at The Mall The Marrier."

SWEET THE VLOGGER

Abala rin si Sweet sa kanyang YouTube vlog na Korek Ka John TV.

Continue reading below ↓

Aniya, "Please subscribe, like and share. Maganda ang mga segments ko doon. May 'Gusto Mo Ba Mag-artista?' and tips on how to join showbiz.

“Bilang insider naman ako for than 25 years, e, may K naman ako mag-advise.

“Merong 'One Sweet Day,' eto iyong daily experince ko taping in the new normal. At next week, meron na kaming 'Star Starts,' history kung paano nagsimula at sumikat ang isang young star or social-media star. Pilot interview ko si Elijah Canlas. Napakahusay na bata!”

Sa lahat ng mga maganda at di kagandahang nangyari sa buhay at career ni Sweet, may wish pa rin daw siyang gustong matupad ngayong Pasko, at may mga plano rin siya for 2021.

“Sana maging masaya ang Pasko ng lahat. Lumalaban pero masaya. Wag po tayo sumuko!

“For 2021, tayo ay mabuhay, maging healthy at masaya. Iyan ang dapat. Malaking bagay ang dasal. Ibibigay ni Lord ang nararapat.

Continue reading below ↓

“Bago ako dumating ang show na ito, tinanong ko sa mga friends ko kung ‘paano ang Pasko natin?’ My God, literal na sinagot ni Lord ang tanong ko by giving me an acting job with the title Paano ang Pasko?

“Parang sinabi sa akin ni Lord na, 'Ayan, Sweet, o.' Kaya huwag tayo mawalan ng pag-asa at patuloy lang ang mananampalataya sa Diyos. Hangga't may buhay, may pag-asa.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lapus admits struggling with anxiety because of the pandemic. He says, "Lecheng COVID na ito ay hindi ko inasahan. Ang ganda na ng momentum ng career."
PHOTO/S: @korekkajohn on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results