Miss Manila Alexandra Abdon and Hipon Girl to have a showdown on Wowowin on December 14

by Arniel C. Serato
Dec 11, 2020
Miss Manila Hipon Girl
Miss Manila Alexandra Abdon (left) on Herlene "Hipon Girl" Budol: "If I were her, mag-prepare siya, magpaganda siya, ibigay na niya yung todo niya.”
PHOTO/S: Courtesy: @alexandra.abdon / @herlene_budol on Instagram

Nakatakdang magkaroon ng "showdown" sa pagitan nina Herlene "Hipon Girl" Budol at Miss Manila 2020 Alexandra Abdon sa Wowowin: Tutok To Win sa Lunes, December 14.

Nagsimula ito sa episode ng variety-game show ni Willie Revillame sa GMA-7 ngayong Biyernes, December 11.

Naglabas kasi si Hipon ng kanyang "sama ng loob" laban kay Alexandra.

Nagkasama ang dalawa sa billboard shoot para sa isang major sponsor ng show ni Willie.

Sa isang bahagi raw ng shoot, magtataas sila ng kamay at sasabihin ang pangalan ng kanilang iniendorsong produkto.

Kaso, sinabi raw ni Alexandra na dapat ang kanilang sigaw at pagtaas ng kamay ay pang-Revel.

Ang tinutukoy ni Alexandra ay ang pasosyal na pagtaas ng kamay sa high-end bar na Revel at the Palace sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Dun daw medyo nasaktan si Herlene dahil aminado naman siyang “squammy-squammy” siya o laki sa iskwater.

Present din sa studio ang isa pa nilang co-host na si Miss Universe 2020 second runner-up Michelle Gumabao, pati na ang may-ari ng produkto na sina RS Francisco at Sam Versoza.

Continue reading below ↓

Pagkatapos ng commercial break, tinawagan ni Willie si Alexandra sa telepono.

Tinanong ni Willie ang beauty queen kung nilait nga ba niya si Hipon.

Sabi ni Alexandra, “Oh my God, sakto lang.”

Dagdag pa niya, “Hala grabe, nilait ko ba siya?

"Oh my God, sorry Hipon. Alam mo hindi kita nilait, ha, nagsasabi lang ako... nag-state lang ako ng facts, charot.”

GUEST CO-HOST ON WOWOWIN

Hindi naman makapaniwala si Alexandra na si Willie ang tumawag sa kanya.

Sabi niya sa kanyang pagbati, “Binabati ko yung mga nanonood sa atin worldwide, saang sulok ng mundo man 'yan. Hello, mga Kapuso.

“Ako po si Alexandra Abdon, ang inyong Miss Universe Philippines Manila etneb-etneb. Kamusta po? Merry Christmas po sa lahat.”

Hiningan ni Wilie ng reaksiyon si Hipon sa pagbati ni Alexandra.

Para nag-baby talk si Hipon sa sinabi nito. Hindi raw niya naintindihan si Alexandra kaya pinagtawanan na lang.

Inanyayahan naman ni Willie ang kinatawan ng Manila sa Miss Universe Philippines 2020 na maging co-host sa Wowowin sa darating na Lunes, December 14.

Continue reading below ↓

Sabi ni Alexander kay Hipon, “Pwede ako ng 14, Hipon, maghanda ka na.”

Tanong ni Willie, “So, gusto mo bang ma-meet si Hipon sa Monday?”

Sagot ni Miss Manila, “Sige, pero if I were her, mag-prepare siya, magpaganda siya, ibigay na niya yung todo niya.”

Sambit ni Hipon, “Ako, sa totoo lang, wala nang ibubuga 'to, todo na 'to.”

Napuno ng tawanan ang buong studio sa segment na ito ng show.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Manila Alexandra Abdon (left) on Herlene "Hipon Girl" Budol: "If I were her, mag-prepare siya, magpaganda siya, ibigay na niya yung todo niya.”
PHOTO/S: Courtesy: @alexandra.abdon / @herlene_budol on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results