Edgar Allan Guzman cast as JM de Guzman's boyfriend in upcoming indie film

Edgar Allan Guzman (left) is cast as one of the boyfriends of JM de Guzman's character in the gay-themed indie film Papa's Boy.



Edgar Allan Guzman is hopeful that 2015 will be a good, if not better, year for him and his showbiz career.

"2014... it's not a good year for me," admitted Edgar Allan.

"Medyo may struggle nang konti, nawala yung mga shows.

"Kasi yung sa TV5, natapos na yung contract ko, tapos, nagkaroon pa kami ng desisyon kung lilipat sa ibang networks."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edgar Allan sa set ng bago niyang indie film titled Papa's Boy.

"I'm looking forward to 2015 na, start pa lang ng year may trabaho na.

"Hopefully, 2015 will be a better year for me."

Kung tutuusin, hindi naman nabakante si Edgar Allan.

August 2014 nang mag-expire ang kontrata niya sa TV5 at ang naging option nila ng kanyang manager na si Noel Ferrer ay for Edgar Allan to transfer to other networks.

Nagkaroon naman ng regular guest appearance si Edgar Allan sa ABS-CBN show na Hawak Kamay at yun ay magandang simula.

"Sabi namin sa ABS-CBN, I'm done na sa TV5.

"Tinanggap naman nila ako agad; binigyan ng TV guestings.

"Per show basis pa lang," lahad pa ni Edgar.



GAY-THEMED INDIE. Nagbahagi si Edgar Allan ng impormasyon tungkol sa sinu-shoot niyang pelikula.

He informed PEP: "Papa's Boy po, under Star Cinema's Cine Bro. Bagong [indie] outfit po nila, 'Movies for Men'. First project po itong sa amin."

Sa pelikulang ito, bida si JM de Guzman bilang isang gay na binata.

Ang karakter ni JM ay anak ng former athlete-turned-comedian, Benjie Paras.

As a gay character, lahad pa ni Edgar tungkol kay JM, "Actually, marami siyang naging boyfriend dito: si Vin Abrenica, Neil Coleta [na may kissing scene with JM], tapos, ako yung panghuli.

"Sa akin nangyari yung maraming twists. 'Pa-mhin' [bisexual guy] ako dito, na basketball player.

"Si Benjie Paras, na tatay niya, coach ko naman.

"May twist nang konti, kasi may sabwatan kami ni Benjie Paras, dahil parang paiibigin sa akin yung anak niya, gano'n," natutuwang paglalahad pa ni Edgar.

Naging viral sa social media ang litrato kunsaan makikita na hinalikan ni JM ang co-star na si Neil Coleta para sa isang eksena sa Papa's Boy.

(Read: JM de Guzman kisses Neil Coleta on the lips for upcoming movie)




EXCITED WITH OMG! Regular na ring mapapanood si Edgar Allan Guzman, sa bagong ABS-CBN titled Oh My G! Ito ay pagbibidahan ni Janella Salvador, Marlo Mortel at Manolo Pedrosa.

Kuwento ni Edgar Allan tungkol sa kanyang karakter:

"Ang sabi sa akin is baka panganay na anak ako ni Janice de Belen.

"So, magkapatid kami Janella [who will play Janice's daughter]."

Naniniwala si Edgar na malayo ang mararating ni Janella.

"Si Janella naman, nakilala ko naman, may future naman siya sa pag-arte.

"Nakita ko naman sa Be Careful With My Heart.

"Also, may love team si Janella, si Marlo Mortell [kasama rin sa Oh My G!].

"Sabi sa akin, part na ako ng soap at [gaganap bilang] panganay na anak ni Janice de Belen."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN