Luis Hontiveros calls transfer to GMA-7 "perfect timing"

by Jerry Olea
Dec 23, 2020
Luis Hontiveros transferred to GMA-7 on July 6, 2020, four days before the ABS-CBN shutdow. He says, "...the timing was somewhat perfect sa very unfortunate event po."
PHOTO/S: courtesy of GMA Artist Center

Si Luis Hontiveros ang unang Kapamilya na lumipat sa Kapuso netowrk noong kasagsagsan ng franchise-renewal issue ng ABS-CBN.

Isa siyang ASAP Coverboys noong mina-manage pa ng ABS-CBN Star Magic ang kanyang career.

Lumipat siya sa ALV Management ni Arnold Vegafria, at noong Hulyo 6, 2020, four days bago tuluyang ipinasara ng congress ang ABS-CBN, ay winelcome na siya ng GMA Artist Center.

Noong Agosto 8 siya unang napanood bilang Kapuso sa episode ng Wish Ko Lang na nagtampok din kina Katrina Halili, Kim Rodriguez, at Elijah Alejo.

"Sobrang saya!" nakangiting bulalas ni Luis matapos ang press preview ng pelikulang Coming Home nitong Disyembre 18, 2020, Biyernes sa Cinema ‘76, Luna Mencias St., San Juan, Metro Manila.

“I guess talagang bilang mga artista, talagang hinahanap-hanap natin iyong kung saan tayo makakapag-explore para mag-grow at ma-hone pa yung craft natin.

“So, I think, yun lang din po ang ginagawa namin saka ng iba po,” malumanay na paliwanag ni Luis.

Continue reading below ↓

Noong ma-shut down ang ABS-CBN, tamang-tama na kinupkop siya ng GMA-7.

Umayon si Luis, “Ahh... yes po, the timing was somewhat perfect sa very unfortunate event po.

“Nakakalungkot yung balita na iyon, pero, ahh, suwerte na lang din po, and I’m very grateful na sa kabila ng pandemya, nakakuha pa ako ng kontrata sa GMA po.

“So I’m very, very grateful.”

So far ay masaya si Luis bilang Kapuso. Nag-taping na siya sa romance-fantasy series ng GMA News TV na The Lost Recipe, kung saan bida sina Kelvin Miranda at Mikee Quintos, sa direksyon ni Monti Parungao.

Mas masaya ba siya ngayon bilang Kapuso kesa noong Kapamilya siya?

“Ahhm, I wouldn’t compare po. Pero iba rin po yung joy na nae-experience ko ngayon na nasa GMA ako.

“Kasi panibagong journey na naman po siya sa akin. It’s another adventure and challenge for me as an actor.

“So, right now, I’m just very, very grateful sa opportunity, saka mina-maximize ko lang din po kasi suwerte nga po tayo na nakakakuha pa rin at na-bless pa rin po tayo ng career at trabaho sa kabila ng pandemya.”

Continue reading below ↓

Dahil sa pandemya, ang hirap gumawa ng career plan. Meron bang long-term goal ang manager niya para sa kanyang career?

“Meron naman po, I’m sure, ‘cause I don’t think anyone is... ahh, believing na hanggang dito na lang po yung buhay natin,” sagot ni Luis.

“I mean, na-paralyze po tayo ng pandemya, pero, I think, we will all get back on. And I think, mas magiging maganda yung buhay natin after malagpasan ang pandemya.”

Taong 2016 nang pasukin ni Luis ang showbiz sa pamamagitan ng reality TV series na Pinoy Big Brother; Lucky 7. Una muna siyang naging modelo sa edad na 16 years old. Siya ay 28 years old na ngayon.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Hontiveros transferred to GMA-7 on July 6, 2020, four days before the ABS-CBN shutdow. He says, "...the timing was somewhat perfect sa very unfortunate event po."
PHOTO/S: courtesy of GMA Artist Center
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results