Is Janella Salvador ready to shoot kissing scene with Marlo Mortel or Manolo Pedrosa?

When Janella Salvador was asked about shooting kissing scenes with either Marlo Mortel (left) or Manolo Pedrosa (right): “I’m just sixteen, ayoko pa po. Kahit siguro eighteen na ako, ayoko pa rin po."


Maganda ang bungad ng taong 2015 para kay Janella Salvador. Bida siya sa bagong morning series ng ABS-CBN titled Oh My G. Ang leading men niya rito sina Marlo Mortel at Manolo Pedrosa.

Dahil may launching na siyang teleserye, mapapahanay na siya sa mga itinuturing na Kapamilya princesses. How does she feel about it?


“I’m actually very, very honored,” masiglang pahayag ni Janella nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presson ng nasabing morning show sa 14th floor ng ELJ Building ng ABS-CBN noong January 13.


“Kasi first of all, binigyan ako ng sarili kong show. And second, it’s not just any other show.

“It’s a show about God. And kumbaga… it’s really a big role.

“This show is about St. Theresa of Avila. It’s her fifth centenary po this year… magpa-500 years na siya sa March.

“So we’re celebrating it. And I’m very happy na ako ang pinili nilang maging lead role.”

Ginagampanan ni Janella ang character ni Sophie Cepeda, isang mabait at matalinong teenager na mula sa mayamang pamilya. Sa istorya ay mamamatay ang kanyang mga magulang, dahilan para lumayo ang loob niya sa Diyos na kalaunan ay magpapakita at makikipag-communicate sa kanya sa iba’t ibang pamamaraan.

Ano ang magiging koneksiyon ni St. Theresa of Avila sa kanyang character at sa story ng Oh My G?

“Kasi she has three teachings po. It’s about humility, detachment, and love of neighbors.

“Kumbaga, ‘yong nangyari sa buhay noon ni St. Theresa, gano’n din ang nangyari sa buhay ng character ko as Sophie.

“So iyon po ang ituturo na lessons sa story nito. Although may pagka-religious ang tema, ‘yong teaching po ng lesson nito will gonna be in a fun way.

“God will appear to me in different forms. Minsan teenage God siya, minsan sa internet, so interesting kung paano Siya mag-a-appear.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal silang nagkasama ni Marlo Mortel bilang magka-loveteam sa Be Careful With My Heart. How close are they now especially since may sariling show na sila together?

“Okay naman po. Masaya kami pareho while working together.”


Pero sa Oh My G, hindi lang silang dalawa ang magkapareha. Kasama sa love triangle si Manolo Pedrosa, ang karibal para sa puso ni Sophie.

“We’re all happy naman po on the set. The three of us.

“Nagba-bonding po kami. Nagja-jaming kami minsan.

“And si Manolo naman po, he’s very friendly. So medyo naging close na rin kami.”

IS JANELLA READY FOR KISSING SCENES? Kung sakali, ready na ba si Janella na magkaroon ng kissing scene with Marlo or with Manolo sa Oh My G?

“No. Not yet.

“I’m just sixteen, ayoko pa po. Kahit siguro eighteen na ako, ayoko pa rin po.

“Huwag pa muna. Ayoko pa po.”

Dahil may supporters na ang Marnella tandem nila ni Marlo, nagsisimula nang mag-away ang mga ito at ang fans naman ng nabubuong tambalan naman nila ni Manolo na Mano-ella.

“Nakikita ko rin nga po minsan na nag-aaway sila. Actually sa mga fans kop o dahil lagi ko silang nakakasama, sinasabi ko po sa kanila na huwag po silang mang-away.

“Hayaan na lang kung sila ang awayin. Behave na lang.

“Ayoko po sana as much as possible na nag-aaway ang mga fans. Sana support na lang, huwag na lang mag-hate ng iba.”

Sa tingin niya, sino ang mas cute kina Marlo at Manolo?

“A… they’re different!” sabay tawang sagot ng young actress. “They’re different po.”

Ano ba ang mas type niya: iyong tsinito na gaya ni Manolo o iyong Moreno na tipo ni Marlo?

Napangiti lang muna si Janella. Sandali siyang nag-isip ng sunod na sasabihin.

“Wala pong type na gano’n. Uhm… okay naman po sila pareho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kadalasan sa mga nagiging magka-loveteam, kalaunan ay nadi-develop sa isa’t isa at nagkakaroon ng totohanang relationship. Sa kaso kaya niya, possible ito with Marlo or with Manolo?

“Kay Marlo, matagal na po kaming magkakilala, e. Since I was twelve.

“But as of now, I haven’t thought about that. Gano’n din with Manolo na unti-unti ko na ring nagiging ka-close bilang kaibigan.”

NOT ENTERTAINING SUITORS. May mga nanliligaw ba sa kanya ngayon?

“Meron po. Pero hindi ko masyadong ini-entertain.”

Mga young actors ba ang mga ito?

“Opo. Pero hindi naman talaga ‘yong ligaw na ligaw talaga. Parang nagpaparamdam.”

May non-showbiz guys din na umaaligid sa kanya?

“Before. Pero ngayon, wala na.”

Alin ba ang mas gusto niya… artista o non-showbiz na boyfriend?

“Hindi ko pa po naiisip ‘yon.”

Pero mas tahimik daw ang lovelife kapag non-showbiz ang boyfriend, sabi ng iba. Walang gaanong nagiging intriga.

“Siguro it’s up to you din. If you keep it private, kahit showbiz kayong dalawa you can handle it well din naman siguro.”

Ano ba ang ideal guy para sa kanya?

“Gentleman siyempre. Na everyday he treats you like a queen.

“If ever na magkaroon ako ng boyfriend, gusto ko gano’n. Gentleman.

“Pero I’m only sixteen. At ayoko pa pong magka-boyfriend kaya hindi ko muna po iniisip ang tungkol diyan.

“’Yong sinabi kong ayoko munang mag-boyfriend, it’s a personal choice. Hindi naman po ako pinipigilan o binabawalan ni Mommy.

“She just warns me na… work na muna. And it’s a personal choice din nga dahil I’m happy with my job now.

“Happy ako sa paggawa ko ng Oh My G at saka sa pag-sing din.”

Si Janine Desiderio ang ina ni Janella. May pressure ba na maging anak ng isang magaling na singer at stage actress?

“Wala naman pong masyadong pressure. Feeling ko, iba naman po kami ng mom ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya po sa theater. Ako naman more on television.

“So I’m not feeling the pressure naman. And she’s helping me.

“She’s guiding me always. So I’m confident because of her.

“Napaka-supportive niya. Wala naman siyang inaayawan sa mga gusto ko.”

Marami silang mga bagong bini-build up na Kapamilya youngstars sa ngayon. Ano sa palagay niya ang kanyang edge?

“Kapag tinatanong po ako noon, palagi ko pong sinasabi… siguro ako po ‘yong may passion talaga for music. I really love to sing and perform.

“’Yon po. I’ll just do my best.”

Magkakaroon ba siya ng album matapos siyang magkaroon ng single na “Mahal Kita Pero”?

“Hopefully po this year. Hopefully.

“Sana lang po,” sabay ngiting huling nasabi ni Janella.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN