Denise Laurel's character competes with Vina Morales in Nasaan Ka Nang Kailangan Kita

Denise Laurel (in photo), Vina Morales and Christian Vasquez figure in a love triangle for Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.



Bukod sa pagiging blessed sa pamilya at lovelife, feeling blessed din si Denise Laurel sa pagkakaroon ng bagong panghapong teleserye sa ABS-CBN, ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, na magsisimulang umere sa January 19.

Isa si Denise sa mga bida sa naturang teleserye kasama sina Vina Morales, Jane Oineza at Loisa Andalio. Kabilang din sa cast sina Christian Vasquez, Jerome Ponce, at Joshua Garcia.

Very challenging ang role ni Denise bilang si Toni, na makakahati ni Cecilia (Vina) sa pag-ibig ni Leandro (Christian).

Saad ni Denise, “Nae-excite ako kasi para sa akin I love challenges.

“Lagi kong kinu-consider in every show that I do na bibigyan ko ng something new, something completely different brand yung character.

“So, para sa akin, challenge accepted din.

“Kasi I’ve been through different directors and each director has something in particular that they want.

“And sabi nga ni Vina, this is something completely different from what we’ve done before, so lahat po kami natsa-challenge.

“Nagawa na namin yung intense heavy drama, nagawa na natin yung comedy, yung musical, lahat na.

“This is something fresh and I feel like yung ginagawa namin dito is very true to life, very real, very raw.”

May mga pagkakataon bang naiinis siya sa ginagampanan niyang character na lumalabas na mang-aagaw siya ng pag-ibig?

“Actually, ‘pag napanood niyo po yung soap, mae-explain po yung tanong niyo.

“Hindi ko po puwedeng sagutin yun, but I’m excited for you to watch it.

“Kasi sa totoong buhay, wala naman talaga yung completely kontrabida, walang completely bad person.

“Everybody has a reason for everything.

“Dito sa soap na ito, everybody is driven by love.

“Everybody is being moved by love, so that’s gonna make the flavor of this soap very, very interesting.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN