Sunshine Dizon on lesson in Magkaagaw: “Wag magpapatalo sa mga kabit.”

by Bernie V. Franco
Jan 16, 2021
Sunshine Dizon says the ongoing GMA-7 teleserye is about standing up for family.
PHOTO/S: GMA-7

Ipaglaban ang pamilya at huwag magpapatalo sa mga kabit.

Ito raw ang ilan sa moral lessons na nais ituro ng GMA afternoon drama series na Magkaagaw, ayon sa isa sa mga bida ng teleserye na si Sunshine Dizon.

Sa virtual presscon ng teleserye noong January 14, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang cast kung ano ang lessons na nais ituro ng kanilang serye.

Tampok din sa Magkaagaw sina Sheryl Cruz, Jeric Gonzales, Polo Ravales, Dion Ignacio, at Klea Pineda.

Si Sunshine ang unang sumagot.

Tugon ng aktres sa PEP.ph, “That family is very important, na hangga’t pwede mo pang ilaban para mabuo yung pamilya mo, kailangan mong ilaban iyon.

"At ‘wag magpapatalo sa mga kabit.”

“Ayun!” sambit ng natawang si Dion Ignacio sa sagot ni Sunshine.

Pinuna ni Sunshine ang pagtawa ni Dion.

“Ba’t ka natatawa, Dion?” tanong ng aktres at bigla rin itong napahalakhak.

Sundot pa ni Sunshine, “Bakit ka tumatawa? Totoo naman, di ba? Hindi ka pwedeng magpatalo sa kanila kasi matutuwa sila.”

Continue reading below ↓

Sunshine Dizon in Magkaagaw

Hindi naman kataka-taka kung naging makahulugan ang pahayag ni Sunshine dahil ganito mismo ang naranasan niya sa tunay na buhay.

Taong 2016 nang isiwalat ni Sunshine ang diumano’y pangangaliwa ng kanyang mister na si Timothy Tan.

Natuklasan daw ni Sunshine na may kalaguyo ang kanyang asawa.

Nauwi ito sa pagsasampa ng dalawang kaso laban kay Timothy: ang paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) o R.A. 9262 at concubinage.

Pero iniurong din ni Sunshine ang mga kasong laban sa estranged husband, pero itinuloy ang kaso laban sa itinuturong naging “mistress” nito.

Sa isang Instagram post noong April 2018 ay sinabi ni Sunshine na sinisikap nilang mag-asawa na ayusin ang kanilang relasyon.

August 2019, ibinunyag ni Sunshine na “complicated” ang relasyon nila ni Timothy, pero civil sila para sa kapakanan ng kanilang dalawang anak.

SHERYL, JERIC, DION, AND POLO

Related naman ang mga sagot nina Polo at Dion sa pahayag ni Sunshine.

Sabi ni Polo, “Para naman sa side ng lalaki, siguro wag ka na lang mambabae kapag may asawa ka na, kasi magiging magulo ang buhay mo, di ba?

“Yung family, given naman talaga ‘yan. Sa marriage world, parang talagang magugulo ang pamilya mo pag nambabae ka, e. So, iwasan mo na lang.”

Ang sabi naman ni Dion, “Nasa diyamante ka na, 'wag ka nang pumunta sa bato.

“Kumbaga, nasa magandang pamilya ka na, ‘tapos nambabae ka… Ako, sa ngayon may pamilya na ako.

Continue reading below ↓

“Tingin ko, pag nambabae ka, sakit sa ulo. Mai-stress ako, agad akong tatanda.

“Ang aral dito, kagaya ng sabi ni Polo, 'wag ka nang matukso.”

sheryl cruz, jeric gonzales, klea pineda, sunshine dizon in Magkaagaw

Sabi naman ni Jeric, “Ang daming temptation talaga sa mundo.

“You have to be faithful sa partner mo and kasi mga lalaki, maraming magaganda, maraming babae.

Continue reading below ↓

“Pero hindi pwede, e. Kailangan isa lang. Kung sinong mahal mo, dapat isa lang.

“Temptation talaga siya, kailangang iwasan.”

Para naman kay Sheryl, hindi raw dapat magpakain sa galit.

Ginagampanan ni Sheryl sa serye ang role ni Veron Santos, na naagawan dati ng asawa ni Laura Ramirez-Santos (Sunshine).

Sa matinding muhi ni Veron, inagaw niya si Jio (Jeric) kay Clarisse (Klea), na anak ni Laura.

Pahayag ni Sheryl, “Although galit ka as a person, and as in the character of Veron Santos, na siyang naghiganti dahil naagawan siya ng asawa from the very beginning.

“So, yung poot niya naging malaki. Hindi lang asawa niya ang naagaw sa kanya. Namatayan din siya ng anak.

“Hindi ko alam kung paano ang paghihiganti sa bawat tao sa kapwa niya, pero siguro yung lesson na tinuturo ng show na ito, kung ikaw ay maghihiganti at nakapaghiganti ka na, stop na.

“You don’t want to be the person na kinamumuhian mo.”

Continue reading below ↓

Magbabalik ang Magkaagaw sa GMA afternoon block simula sa January 18, Lunes, pagkatapos ng Eat Bulaga.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Dizon says the ongoing GMA-7 teleserye is about standing up for family.
PHOTO/S: GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results