Teejay Marquez "missing in action" in Ben x Jim second season; no Jerome Ponce-Yves Flores reunion

by Jerry Olea
Jan 18, 2021
Teejay Marquez (left) and Jerome Ponce return for the second season of the BL series Ben x Jim.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Nagpa-good vibes ang unang season ng Pinoy BL series na Ben x Jim nang magpugay ito sa iba pang Pinoy BL series na Gameboys, Hello Stranger, My Day, at In Between: Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam.

Good karma ang inani nito.

Sa hanay ng mga Pinoy BL series, ang isang episode ng Ben x Jim ang pinakamabilis na naka-1M views sa YouTube.

Ang Episode 3 (“Getting Closer”) ng Ben x Jim ay naka-1M views sa loob ng apat na araw sa YouTube channel ng Regal Entertainment.

Streaming din ito sa Facebook page ng Regal.

Lampas 1M views lahat sa YouTube ang pitong episode ng Ben x Jim—1.7M views (Ep 1), 1.4M views (Ep 2), 1.8M views (Ep 3), 1.3M views (Ep 4), 1.4M views (Ep 5), 1.2M views (Ep 6), at 1M views (Ep 7).

Kaya natural, may Season 2 ito... ang Ben x Jim Forever na may walong episodes, at handog ng Regal sa Valentine’s.

Continue reading below ↓

BEN X JIM FOREVER TRAILER

In-upload ang trailer ng Ben x Jim Forever nitong Enero 16, Sabado ng gabi.

This 2021, choose to be BRAVE and find LOVE,” tagline ng trailer.

As of January 17, Sunday, 10:00 p.m., naka-140K views na ito sa YouTube channel ng Regal.

Sa Facebook page ni Teejay Marquez, naka-224K views na ito.

Ayon sa direktor na si Easy Ferrer, hindi pa tiyak kung anong petsa ang pilot episode ng Season 2.

Sa trailer ng Season 1 ng Ben x Jim, sa dulo na lang lumabas si Jerome Ponce (gumanap na Jimson “Jim” Alcantara), na nag-“Wish granted.”

Sa trailer ng Season 2, “nawawala” si Benjamin “Ben” Mendoza, ang karakter ni Teejay.

Maski sa episode 1 ng Ben x Jim: Forever, “missing in action” si Ben.

teejay marquez as benjamin mendoza in Ben x Jim Forever

Continue reading below ↓

Sina Teejay, Jerome, Kat Galang, Ron Angeles, at Sarah Edwards pa rin ang mga bida sa Season 2.

Kasama sa cast sina Vance Larena (Why Love Why), Royce Cabrera (Quaranthings), Miko Gallardo (My Day), Darwin Yu (My Extraordinary), at Jomari Angeles (AL+ER), pati na sina Ejay Jallorina at Annika de la Cruz.

NO JEROME-YVES REUNION

Kasama sana sa Ben x Jim: Forever si Yves Flores para balik-tambalan sila ni Jerome Ponce.

Inspiring ang PhilJie tandem nina Yves at Jerome sa Kapamilya teleseryeng A Soldier’s Heart. Kaso, abala raw si Yves sa teleseryeng Bagong Umaga.

Nasa Bagong Umaga rin si Tony Labrusca, pero nag-excuse ito sa taping niyon para magawa ang sequel ng Hello Stranger.

Sa Pebrero 12, Biyernes, Chinese New Year na ipalalabas sa iWant TFC ang Hello Stranger The Movie.

Ayon sa Black Sheep, as of January 17, Sunday, 9:00 .p.,m ay lampas 1M views na ang trailer ng pelikulang Hello Stranger sa pinagsama-samang views sa YouTube, Facebook, Twitter, at Instagram.

Continue reading below ↓

Noong Enero 15, Biyernes, nag-premiere ang trailer ng Hello Stranger The Movie sa iba’t ibang socmed account ng Black Sheep.

SMORGASBORD BL

Dahil hindi pwede si Yves, si Vance Larena na ang ipinareha kay Jerome.

Vance Larena and Jerome Ponce in Ben x Jim Forever

Vance Larena and Jerome Ponce

Smorgasbord ang Ben x Jim: Forever. Lima ang story arcs.

Continue reading below ↓

Feeling-cougar si Flo (Kat Galang), na sinusuyo ng bagets na si Dante (Darwin Yu).

Kat Galang and Darwin Yu in Ben x Jim Forever

Kat Galang and Darwin Yu

Post ni Direk Easy sa Twitter at Facebook, si Dante lamang ang straight guy sa series.

Magiging mabuting magkaibigan sina Yana (Sarah Edwards) at Olan (Ron Angeles). 'Tsura nina Jules (Julia Roberts) at George (Rupert Everett) sa Hollywood film na My Best Friend’s Wedding (1997).

Continue reading below ↓

Sarah Edwards and Ron Angeles in Ben x Jim Forever

Sarah Edwards and Ron Angeles

Mag-e-explore kaya sila ng bisexuality?

“Charot lang!” bulalas ni Olan sa trailer.

Kasama sa story arc nila sina Annika dela Cruz at Jomari Angeles.

Annika dela Cruz and Jomari Angeles in Ben x Jim Forever

Continue reading below ↓

Annika dela Cruz and Jomari Angeles

May sariling istorya sina Bogs Matias (Miko Gallardo) at Francia (Ejay Jallorina).

Ejay Jallorina and Miko Gallardo in Ben x Jim Forever

Ejay Jallorina and Miko Gallardo

Sa Season 1 ng Ben x Jim ay isa si Bogs sa mga sumubaybay sa online selling ni Ben.

Ibinunyag ni Direk Easy na si Miko Gallardo sana ang gaganap na Olan sa Season 1, “but the schedules didn’t permit, and he became Sky in another successful series. The role ultimately went to Ron.

Continue reading below ↓

Ben X Jim Family is happy to welcome him again.”

Ang naiwan bilang partner ni Ben... ang Kapuso actor na si Royce Cabrera.

Royce Cabrera in Ben x Jim Forever

Journey ito ng love story nina Ben at Jim, kaya siguradong may Season 3 ang Pinoy BL series na ito!

MORE GUIDE STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Teejay Marquez (left) and Jerome Ponce return for the second season of the BL series Ben x Jim.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results