Director Johnny Manahan surprised by sudden cancellation of TV5's SNL

by James Patrick Anarcon
Jan 20, 2021
Sunday Noontime Live director Johnny Manahan (right frame) reveals that the show was supposed to air until March 2021. In an exclusive interview with PEP.ph, the man they call Mr. M says, "We were preparing na for the next cycle of taping. ’Tapos bigla na lang sasabihin we have to pack up the show."
PHOTO/S: Instagram of Jake Ejercito / YouTube of Star Magic

Ikinagulat ng direktor ng Sunday Noontime Live (SNL) na si Johnny Manahan ang biglaang pagsibak ng programa nila sa TV5.

Si Manahan, o mas kilala sa showbiz bilang Mr. M, ang dating chairman emeritus ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN.

Siya rin ang dating direktor ng ABS-CBN Sunday musical-variety show na ASAP Natin ‘To.

Simula nang i-launch ang SNL noong October 18, 2020, naging katapat nito ang ASAP Natin ‘To.

Ang SNL ay isang blocktimer show na iprinodyus ng Brightlight Productions, na pag-aari ni dating Negros Occidental Representative Albee T. Benitez.

Dalawa sa main stars ng SNL ay dating kasali sa ASAP at prime artists ng ABS-CBN: sina Piolo Pascual at Maja Salvador.

Noong Sabado, January 16, naglabas ng statement ang Brightlight Productions tungkol sa “season enders” ng SNL at ng isa pa nitong programa, ang gag show na Sunday Kada.

Nitong January 19, 2021, Martes, nagkaroon ng pagkakataon ang Summit Media editors na makapanayam si Mr. M sa isang eksklusibong Zoom conference. Iniskedyul ito noon pang January 7, o labing-isang araw bago lumabas ang anunsiyo ng pamamaalam ng SNL sa ere.

Continue reading below ↓

Kaya naman isa sa naging tanong sa Zoom conference ay ang dahilan kung bakit nawala sa ere ang SNL.

Sa kanyang sagot, pahapyaw na sinabi ni Mr. M na ang dahilan ay ang pagkalugi ng prodyuser.

Sabi ni Mr. M, “Usually, when they pull the plug, that means you’re not making enough money.

“They probably weren’t generating enough sales, that’s the main reason for shows to get cut. That’s probably what happened.”

Pero kung susumahin daw ang nangyari, isang “surprise” para sa kaniya ang biglaang cancellation ng SNL.

“I wish it had happened in another way.

“But it was kind of a surprise for us when all of a sudden, we were told that the show is being discontinued, and we just have to roll with the punches... on to the next project.”

Pagkatapos ng kanyang Zoom conference sa Summit Media websites, eksklusibong nakapanayam ng staff ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mr. M.

Continue reading below ↓

Dito ay idinetalye niya ang biglaang pagtatapos ng SNL.

MORE THAN THREE MILLION PESOS FOR AN SNL EPISODE

Ang Brightlight Productions ang naging daan ng pagpasok ni Albee sa pagpoprodyus ng maraming shows para sa TV5.

Bukod sa SNL, nasa ilalim din ng Brightlight ang Sunday Kada, ang romantic-comedy series na I Got You, ang sitcom na Oh My Dad, ang magazine show na Rated Korina, at ang daily noontime na Lunch Out Loud.

Lahat ng mga programang ito ay napanood o napapanood sa TV5.

Bago nito ay nagkaroon na ng ilang attempts si Albee sa pagpoprodyus ng pelikula, kabilang ang isang action film na ang bida ay ang anak niyang si Javi Benitez.

Si Javi, isang talent ng Star Magic, ay napapanood ngayon sa ABS-CBN teleseryeng Walang Hanggang Paalam.

Kabilang pa sa mga pelikulang iprinodyus ni Albee ang Buy Bust at Magikland, na hindi tinipid ang gastos.

Pagkatapos daw ng mga proyektong ito ay umakyat si Albee sa opisina ni Mr. M at inalok sa kanya ang pagdidirek ng SNL.

Continue reading below ↓

Pagkakaalala ni Mr. M, “He came to the office and said, ‘You know, I wanted to get into television,’ and I said, ‘You know, you have to learn the ropes first.’"

Sagot daw sa kanya ni Albee: “Yeah, I have some people who are studying this.”

Noong nagsisimula pa lamang silang buuin ang SNL, nagkausap na sina Mr. M at si Albee tungkol sa inaasahang magiging gastusin ng programa.

Ayon kay Mr. M, humigit-kumulang tatlong milyong piso ang maaaring magastos kada episode ng SNL.

Patuloy ni Mr. M, “So, when we started, he asked us, 'O, magkano ba iyong kapag ganyan ang show, parang ASAP?’

“It’s cheaper than ASAP because kakaunti lang ang artista, but when you look at it, it’s also a hefty sum. It’s like three point something million.

“Alam niya iyon, e, so he should have done the math. Hindi ba? Alam niya kung magkano ang spots.

Continue reading below ↓

“E, ayun. Somehow, he didn’t do the math, so tira lang siya nang tira, fund the show.”

Sa kaayusan nila, si Mr. M ang namahala sa creative side ng produksiyon, habang si Albee ang namahala sa business side.

ALBEE BENITEZ DECIDES TO CANCEL SNL

Pagkatapos ng tatlong buwan, o katumbas ng isang cycle lamang ng SNL, kinausap ni Albee si Mr. M at sinabing hindi sapat ang kinikita ng SNL para mabawi ang expenses nito.

Binanggit din daw ni Albee ang mahinang signal ng TV5 kaya hindi malakas ang ratings ng musical-variety show nito kumpara sa mga kalabang All-Out Sundays ng GMA-7 at ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN na umeere rin sa cable at mga stream channels ng Kapamilya network.

Kuwento ni Mr. M, “Until, after one cycle or three months, he comes to us and says, ‘You know, I’m really losing money and the reality is we don’t generate a lot of money per spot because mahina ang signal ng Channel 5.

Continue reading below ↓

“’Tapos hirap pa tayo mag-rate. Somehow, we’re not rating as well as the first two shows.

“Hindi ba dapat he should’ve done the math? ‘I would’ve told you, talagang malulugi ka doon sa three point something.’

“E, kasi ako, hindi naman ako kasali diyan sa business side, I just do the show. Ayun pala, I should’ve gotten… nakialam sana ako doon sa business side.

“I would have told him, ‘Huwag na nating ituloy ito, matatalo ka talaga.' I thought, you know, as a newcomer, 'I don’t mind if I lose money, I just want to get into the business.’

“So, sabi ko, ‘Akala ko ganyan ka, e. Iyon pala, you mind also losing money.'”

Si Albee ay isang billionaire businessman na involved sa pag-operate ng bingo parlors nationwide.

Nang panahong iyon, ang SNL production ay naghahanda na nga raw sana para sa susunod na cycle ng kanilang taping.

Kaya nagulat silang lahat nang biglang magsabi si Albee na malaki na ang nawalang pera sa kanya kaya nagdesisyon itong ikansela ang SNL.

Continue reading below ↓

Sabi ni Mr. M, “He told us late na. We were preparing na for the next cycle of taping.

“’Tapos bigla na lang sasabihin we have to pack up the show. ’It’s a big loss. I’m bleeding money, blah blah.’”

Naisip daw ni Mr. M noon, “’My God, you should have done the math, I could’ve saved you trouble.’

“He spent a lot of money, ‘tapos di rin pala alam what the rates were and whether it would generate enough to cover iyong expenses.”

Ang malungkot pa raw, in-assure daw sila ni Benitez na tatakbo ang programa ng dalawang season o anim na buwan, na ibig sabihin ay hanggang March 2021.

"Sabi, six months o nine months pa nga, may promise na ganoon.

“Biglaan na lang he’ll say, 'Next week, magri-replay na lang,'” pag-alala ni Mr. M.

Nang magkausap naman sila ng chairman ng TV5 na si Manny V. Pangilinan, humingi si Mr. M ng isa pa sanang linggo “para makapag-goodbye lang.”

Continue reading below ↓

Kaya lang, ang naging sagot sa kanya ng TV5, “Sorry, ha. Naibigay na namin sa iba.’

“And iyong iba happens to be ASAP!

Noong January 17, lumabas ang balita sa PEP.ph na mapapanood na ang ASAP Natin ‘To sa TV5 simula January 24, o ang sumunod na linggo pagkatapos ng huling episode ng SNL.

Ang hiling lamang ni Mr. M ngayon, sana ay mabigyan muli ng trabaho ang mga production people ng SNL. Ang mga ito ay galing sa ASAP na sumama kay Mr. M.

HOT STORIES

Video: FM Ganal.

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunday Noontime Live director Johnny Manahan (right frame) reveals that the show was supposed to air until March 2021. In an exclusive interview with PEP.ph, the man they call Mr. M says, "We were preparing na for the next cycle of taping. ’Tapos bigla na lang sasabihin we have to pack up the show."
PHOTO/S: Instagram of Jake Ejercito / YouTube of Star Magic
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results