Johnny Manahan on ASAP replacing SNL on TV5: "Ganda ng move. Congratulations!"

by Rachelle Siazon
Jan 23, 2021
Johnny Manahan (left), aka Mr. M, says Sunday Noontime Live, whose main hosts were Maja Salvador and Piolo Pascual, would have stood a chance at beating rival shows if only it had "backing" and given enough time on air.
PHOTO/S: PEP.ph / Screengrab from SNL

"My reaction was—Ganda ng move nila, ng ABS-CBN. Ganda ng move. 'Tsaka ang bilis nila. Congratulations!"

Ito ang binitiwang mga salita
ni Johnny Manahan sa kasunduan ng ABS-CBN at TV5 na ipalit ang ASAP Natin 'To sa timeslot na iniwan ng kinanselang Sunday Noontime Live (SNL) sa Kapatid channel.

Ang ASAP ang longest-running musical variety show ng ABS-CBN na idinirek ni Johnny—na mas kilala sa showbiz bilang Mr. M—sa loob ng 25 taon, mula 1995 hanggang lisanin niya ang Kapamilya network noong September 2020.

Ang SNL naman ay ang idinirek niyang musical-variety show ng Brightlight Productions, na umere sa TV5 sa loob lamang ng tatlong buwan, mula October 18, 2020 hanggang January 17, 2021.

Hindi malinaw kung ang komento ng direktor ay simpleng gulat at paghanga sa ikinilos ng ABS-CBN o may halong panunuya.

Ang mas malinaw ay hindi siya natutuwa sa Brightlight Productions, ang prodyuser ng SNL at blocktimer sa TV5. "It left a bad taste in my mouth," aniya, "dahil dun sa producer namin."

Continue reading below ↓

Diretsahang inamin ni Mr. M na pakiramdam niya'y ipinagkanulo siya ni Albee Benitez, may-ari ng Brightlight Productions, sa biglaang pagkansela nito ng SNL.

"Parang kami lahat, we felt that way," sagot ni Mr. M sa tanong kung mayroon ba siyang naramdamang betrayal sa pagbitiw ng prodyuser sa kabubuo lamang na Sunday variety show.

Noong una raw kasing inalok sa kanya ang proyekto, siniguro sa kanya ni Albee Benitez na tatakbo ang show nang anim na buwan o dalawang season. (Ang isang season ay may tatlong buwan.)

Hanggang sa tinalikuran na lamang daw ni Albee ang kanilang usapan, at noong Enero 17 ay replay episode na lang ng SNL ang inere sa TV5.

Dagdag ni Mr. M, hindi man lang binigyan ng pagkakataong pormal na makapagpaalam ang cast at staff ng SNL sa publiko.

Umapela siya sa TV5 na bigyan ang SNL ng final episode "para makapag-goodbye lang."

Pero sabi raw ng Kapatid management kay Mr. M, “Sorry, ha. Naibigay na namin sa iba.”

Continue reading below ↓

Nalaman na lang daw ni Mr. M na ang tinutukoy na "iba" ay walang iba kundi ang ASAP Natin 'To.

May halong dismaya si Mr. M sa narinig, dahil noong una'y nagsabi pa raw si Manny V. Pangilinan (MVP), ang business tycoon na nagpapalakad ng TV5, na talagang gusto nila si Piolo para sa Kapatid network.

“That’s what they told Piolo also," ani Mr. M. "Kasi si Piolo, siyempre nagi-inquire rin siya and kausap din niya si MVP.

“Sabi ni MVP, ‘You know, kapag ayaw na ni Albee, sasaluhin namin yung show, because we like you here in Channel 5.”

Pero noong Enero 21, pormal nang inanunsiyo ng Kapamilya channel na blocktimer na ang ASAP Natin 'To sa TV5 simula Enero 24.

Matapos ng anunsiyong ito, nagpahayag naman si Robert Galang, presidente at CEO ng TV5 at Cignal: “This collaboration between Cignal, TV5, Brightlight Productions, and ABS-CBN marks the start of greater cooperation among our various industry players and begins a new era of partnership.”

Continue reading below ↓

Ang naging production staff ng SNL ay dating staff ng ASAP Natin 'To. Kasama sila sa mga na-retrench nang ibasura ng Kongreso ang franchise renewal application ng ABS-CBN noong July 2020.

Kung tutuusin, ayon kay Mr. M, wala pa siyang balak magtrabaho agad-agad matapos umalis ng ABS-CBN. Pero sa huli ay tinanggap daw niya ang SNL.

Aniya, "The opportunity came along to help a lot of the people who got cut from ABS, from ASAP. The opportunity to help them came along in that form—-Albee wanted a show like ASAP. I wasn’t really keen on doing it, except for the fact that I will be helping some people keep a job. So, I said yes."

Isinama rin ni Mr. M sa SNL bilang main hosts sina Maja Salvador at Piolo Pascual, dalawang ABS-CBN stars na malapit sa kanya at malaya nang makapagpamili ng projects dahil wala na silang kontrata sa network.

Continue reading below ↓

"I brought with me Piolo Pascual and Maja. That’s part of the show. Thats how involved I was in that show. Till of course we packed up three days ago. End of show."

Ngayong nangyari na ang lahat, nilinaw ni Mr. M sa PEP na good sport naman siya, tanggap niya ang mga pangyayari.

"But, we're big boys. We've been here many years. It's happened to us before," sabi ng 50-year industry veteran.

Pero gusto pa rin daw niyang ilatag ang naging saloobin sa pagkansela ng SNL.

"Still, we felt a little betrayed. Pero ang attitude namin, attitude ni Maja, 'Okay. Next show na.' Ganun yun e. We go on. The show must go on.

"Naawa lang ako dun sa staff. Nawalan uli ng trabaho. I hope we can do something."

Eksklusibong nakapanayam si Mr. M ng buong editorial team ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pangunguna ni PEP editor-in-chief Jo-Ann Maglipon, noong January 19, matapos hindi natuloy ang hininging unang interview ni Jo-Ann sa star builder noong Nobyembre 2019.

Continue reading below ↓

Sa araw din ng January 19, 2021 ay sumalang ang starmaker-TV director sa Summit Media "Sandwich Session," isang virtual conference na dinaluhan ng 13 Summit Media websites, kasama ang PEP.

HOT STORIES

ALBEE BENITEZ AND SNL

Inilahad ni Mr. M kung paano nangyaring nakatrabaho niya si Albee Benitez, isang bilyonaryong businessman at dating kongresista.

"Kasi that guy si Albee, maraming pera yan," panimula ni Mr. M. "Sa bingo yan. Bingo money. Anyway, so much money, he wanted to get into showbiz. He did two action shows for his son, hindi naman siya kilala. His son just joined us, Star Magic. Tapos gumagawa na siya ng action—blasting, the works. Sabi ko, 'Hindi kaya tell your dad that's a little premature.'

"Gusto raw ng father. Tapos his father bankrolled Buy Bust. Hindi siya yata kumita dun? And then he bankrolled Magikland. Na, according to people, ang pangit. I dont know if they spent 200 M.

"And then, papasok siya dito sa TV naman. He came to the office and said 'I want to get into television.' Sabi ko, 'You know, you have to learn the ropes here.' Sabi niya, 'Yeah I have some people who are studying this.'

"So when we started, he asked us, 'Magkano ba yan pag ganyan, [yung] parang ASAP.' 'It's [SNL] cheaper than ASAP dahil kakaunti lang naman ang artista. But when you look at it, it's also a hefty sum. Three point something million. Alam niya yun.

"So, he should have done the math. Alam niya kung magkano yung stars. Yun pala, somehow, he didn't do the math. So, tira lang siya nang tira, fund the show for one cycle, three months.

"And then he comes to us, 'You know, I'm really losing money. The reality is we don't generate money per spot because mahina ang signal ng Channel 5, mahirap pa tayo mag-rate. Somehow we're not rating as well. Just the first three shows [rated].'

"Sabi ko, 'Hindi ba dapat you should have done the math before? And I would have told you talagang malulugi ka diyan sa three point [million] something.' Kasi, ako naman, di naman ako kasali diyan sa business side. I just do the show...Nakialam dapat pala ako sa business side.

"Sasabihin ko, 'Huwag na natin ituloy ito. Kasi matatalo ka talaga.'

"I thought, [siya yung nag-iisip na] 'I'm a newcomer. I dont mind if I lose money. I just want to get in the business.' Sabi ko, 'Akala ko ganyan ka, e. Yun pala you mind also losing money."

Continue reading below ↓

Sa naunang ulat ng PEP.ph noong January 20, nakasaad ang simpleng paliwanag ni Mr. M na kaya kinakansela ang isang show ay dahil hindi ito kumikita.

Ganunpaman, nanghihinayang si Mr. M dahil maganda raw sana ang naumpisahan ng SNL sa TV5. Isinama nga raw niya rito sina Piolo at Maja para makatulong sa pag-establish sa SNL bilang "serious contender" ng dalawang katapat na Sunday noontime shows.

"It had a chance kung may backing 'yan. Pero wala, e," saad ni Mr. M. "Pero maganda yung ginawa namin. Maganda naman yung mga ginawa nila Piolo and Maja."

WHAT ABS-CBN AND GMA HAVE THAT TV5 DOESN'T HAVE YET

Halos magkakapareho ang formula ng ASAP Natin 'To, All-Out Sundays, at SNL.

Pero tingin ni Mr. M, talagang mas mataas ang success rate ng ABS-CBN at GMA dahil kasado na ang resources ng dalawang networks pagdating sa pagpapasikat ng shows at stars.

Paliwanag ng direktor na nagtrabaho sa Kapamilya channel ng "35 to 40 years": "The shows in ABS-CBN are successful because it's the whole thing. They have everything in place—the people behind the scenes, the writers, directors, the producers, the people who create the show.

Continue reading below ↓

"Then they have the actors and actresses who have gained more importance, especially in the past nine months when the station realized that they have all the big stars. They have all the people who create the show.

"Everything in place."

Sa tingin ni Mr. M, hindi pa maayos ang set-up ng TV5 pagdating sa entertainment shows. Noon lamang October 2020 nag-revamp ang network at naglunsad ng lineup ng entertainment programs na panlaban sa ibang networks.

Karamihan sa mga programang ito ay hindi gawa ng TV5 mismo kundi mga blocktimer shows ng independent producers.

Pagpapatuloy ni Mr. M: "While, maybe in Channel 5, very few of these elements have been put in place, so less chance of success there.

"I think that’s it. The organization is there [in ABS-CBN], while in the other channels it's not that properly put together.

"Channel 7 has the same thing. They've got their thing set."

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Mr. M, minsan hindi malaman kung sino ba talaga ang nangungunang istasyon, kahit na noong may license to broadcast pa ang ABS-CBN.

Magkaiba raw kasi ang pinagkukunan ng TV ratings data—Kantar Media sa ABS-CBN at AGB Nielsen sa GMA-7.

Sa huli, sinabi ni Mr. M na bilib pa rin siya sa talento ng mga tao ng ABS-CBN. Aniya, "With ABS-CBN, it's more likely to come up with better shows than other organizations."

ON MR. M LEAVING ABS-CBN

Naiulat din ng PEP.ph na umalis si Mr. M sa ABS-CBN, bagamat malaki ang pasalamat niya rito, dahil sa malalim na pagkadismaya nito sa kawalan ng aksyon ng kasalukuyang mga big boss sa problemang kinakaharap ng Star Magic.

Sa bakuran ng ABS-CBN, ang Star Magic ang dating nag-iisang official talent-management arm, na binuo ni Mr. M katuwang ang dating ABS-CBN top man na si Freddie M. Garcia, noong 1995.

Ito ang naghubog at nagpasikat sa halos lahat ng pinakamalalaking artista ng bansa—Piolo, Maja, Claudine Barretto, John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Rico Yan, Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, Heart Evangelista, Bea Alonzo, Kim Chiu, Gerald Anderson, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Liza Soberano, Enrique Gil, at marami pang iba.

Continue reading below ↓

Umabot daw sa puntong nawawalan na ng premium ang Star Magic dahil sa overlapping functions ng ilang business units (BUs) ng Kapamilya network.

Sa partikular, dalawang BUs daw ang nagproprodyus ng entertainment shows at namamahala rin ng sariling pool of talents—o tinatawag ni Mr. M na "shadow talent center."

Apektado raw ang staff at talents ng Star Magic na, dahil sa "shadow talent center," minsa'y naisasantabi, kaya inakyat daw ni Mr. M ang isyu sa ABS-CBN management.

Paliwanag ni Mr. M tungkol sa BUs: "Because they have their own stars, the suspicion [is] that they favored certain people.

"You know, our stars began to take it that way. ‘Bakit sila pinapabor? What will happen to us?’"

Dalawa o tatlong taon ang lumipas, pero hindi raw pinakinggan ng management ang kanyang hinaing.

Sa huli, ito raw ang malaking nag-udyok kay Mr. M upang bumitiw na sa puwesto bilang chairman emeritus ng Star Magic at TV director ng ASAP Natin 'To.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Johnny Manahan (left), aka Mr. M, says Sunday Noontime Live, whose main hosts were Maja Salvador and Piolo Pascual, would have stood a chance at beating rival shows if only it had "backing" and given enough time on air.
PHOTO/S: PEP.ph / Screengrab from SNL
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results