Would Raffy Tulfo consider acting in one of Wanted: Ang Serye's episodes?

by Rose Garcia
Jan 24, 2021
Real-life complaints and cases tackled by veteran broadcaster Raffy Tulfo in his public service programs will be the stories featured in the new TV5 show, Wanted: Ang Serye.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

May pino-project na matapang na imahe si Raffy Tulfo pero pag-amin ng 60-year-old broadcaster, may kinatatakutan din siya.

“Yes, katulad din po nating lahat, meron din po akong kinatatakutan.

“Takot akong mamamatay. Takot akong mabaril. Takot akong masasaksak.

"Kapag sinabi kong wala akong kinatatakutan, nagsisinungaling po ako,” pag-amin niya.

“Weaknesses, meron din po akong weaknesses. Tao lang po ako. Kung ano man ang weaknesses niyo, halos kapareho lang din po sa inyo.”

MULTIMEDIA PERSONALITY

Maituturing na multimedia personality si Raffy. Dahil bukod sa paglabas niya sa TV at radyo, marami rin ang sumusubaybay sa kanya sa internet.

Meron siyang mahigit 18 million subscribers sa YouTube at 14 million followers naman sa Facebook.

Higit pa sa bilang ng followers at subscribers ng ilang artistang meron ding YouTube channel at Facebook page.

Ano ang pakiramdam niya rito?

“Hindi ko po iniisip yun," sagot muna ni Raffy sa Zoom conference ng TV5 para sa Wanted: Ang Serye noong January 19. "I’m still the same Raffy Tulfo.

Continue reading below ↓

"When I started as reporter sa PTV4, broadcaster sa Channel 5, hindi po.

“Kasi, once na inisip ko na I have 18 million followers in YouTube and 14 million sa Facebook, baka lumaki ang ulo ko.

"Yan po ang iniiwasan ko kaya ayoko pong isipin na I’m somebody big, bigger than anybody. It never crosses my mind, honestly, never.

"I’ll always be the same Raffy Tulfo kung paano ang pagkakakilala niyo sa akin noon na wala pa akong mga ganitong klaseng following, ganun pa rin po ako, walang pagbabago sa akin.”

GIVING BACK

Maraming Pinoy ngayon na sa halip na sa pulisya o korte dumulog para magreklamo tungkol sa mga gulo o kaso ay sa programa ni Raffy nagsusumbong.

Ano kaya sa tingin ni Raffy ang dahilan at sa kanya na nagsusumbong ang ilang mamamayan?

“Siguro po dahil nagagampanan ko po yung role na gusto nilang gampanan ko which is, mabigyan ng solusyon ang mga hinaing na inilalapit nila sa akin," tugon ni Raffy.

Continue reading below ↓

"In short, naging effective po yung aking programa that’s why they kept coming back again and again.

“Yung pagtulong, maybe because, going way back, when I was a child, marami kaming magkakapatid. I belong to a middle class family.

"Since sampu kami, ako po yung pinakamahirap, ako po yung hindi masyadong naasikaso, pang-walo po ako.

“Mga kapatid ko, mga auntie ko, lola ko, nagpapaaral sa akin.

"Parang basketball po ako, kung saan-saan ako napupunta at kung sino-sino ang mga kamag-anak na nagbibigay sa akin ng baon, pera, damit.

"Na-feel ko na ang sarap ng pakiramdam na binibigyan at ang sarap din ng pakiramdam na nakikita kong yung nagbibigay sa akin, natutuwa.

“So, why not do it now na may kakayahan akong magbigay, ako naman ang magbigay. I-share ko naman kung ano ang meron ako.”

At sa tagal na rin niyang humaharap sa iba’t ibang problema at kaso ng Pinoy, may mga pagbabago raw siyang nakita.

Continue reading below ↓

“With social media, ang mga mamamayan po natin, educated na po sila. Marami na po silang alam. Meron na po silang freedom to express themselves.

“Kapag meron po silang nakitang hindi maganda sa social media, nagsasalita na sila. Hindi na po sila takot unlike noon.

"Ngayon po, matatapang na ang mga Filipino, which is a good sign of our democracy."

STORIES TO FEATURE

Ang Wanted: Ang Serye ay magsasadula ng mga kuwento na base sa mga totoong pangyayari na naisumbong o natalakay na sa kanyang mga programa. Mapapanood ito tuwing Sabado sa TV5.

Natawa si Raffy nang tanungin kung siya na ang makakatapat ni Charo Santos-Concio ng Maalaala Mo Kaya.

“Ay, hindi naman, ang layo po. Langit at lupa," tanggi ni Raffy.

"Nandoon po si Ma’am Charo, ako po ay nandito. Ako po ay nagsisimula pa lamang sa teleserye. Siya po ay beterano.

“Sumasaludo po ako sa kanya.”

Tumanggi rin ang beteranong broadcaster nang i-suggest na posibleng umarte rin siya sa isa sa mga episode ng kanyang series.

Continue reading below ↓

“Hindi bagay sa akin,” mabilis niyang sagot na natatawa.

“Hindi ko kaya. Sinubukan ko yan minsan, sa Idol in Action, nagpapanggap ako. Hindi ko napanindigan, hindi ko kaya.”

Kahit na may team nang namimili ng mga kuwentong ilalabas sa serye, kasama pa rin si Raffy sa pagdedesisyon kung ano ang ilalabas.

Aniya, mas naging saksi siya sa mga awayan at pagkakaayos ng mga isyu ng mga dumudulog sa programa niya.

“Kasama ako sa pagsa-suggest sa kung ano ang isasamang istorya.

"However, pagdating sa pagpili kung ano ang gagawing pilot episode, hindi na 'ko yun, sila na yun.

“May mga kino-consider sila ro’n.

Number one, meron bang kakapulutan ng aral? Number two, kung meron, papayag ba yung gagawan namin ng istorya? Number three, is this something na kaaya-aya ba do’n sa mga involved, yung nagreklamo o nireklamo.

“Kasi, there are times na gusto man namin, very uncomfortable na po yung mga involved sa kaso, then, we back-out.

Continue reading below ↓

"Binibigyan namin sila ng respeto naman kahit paano.”

Ilang artista na rin ang naisumbong o nagsumbong sa programa niya. Meron bang kuwento rin ng mga artista na mapapanood sa Wanted: Ang Serye?

“Kung papayag po ang mga involved sa kaso. Kung hindi sila papayag, hindi po namin maipapalabas, we need to get their permission," sagot ni Raffy.

Natawa naman ang broadcaster nang tanungin kung sino sa mga naireklamong artista ang nakikita niyang interesting ang kuwento para sa telebisyon.

“Ayoko munang magsalita... merong kinakausap po. Pero, kailangang makuha po muna natin ang kanilang permission.

“Yun po ang pinakaimportante, ang kanilang permission. Gustuhin man namin pero kung ayaw nila, especially the complainant, wala kaming magagawa.”

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Real-life complaints and cases tackled by veteran broadcaster Raffy Tulfo in his public service programs will be the stories featured in the new TV5 show, Wanted: Ang Serye.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results