Willie Revillame invites Johnny Manahan to join him in Wowowin

by Arniel C. Serato
Jan 24, 2021
Willie Revillame Mr. Johnny Manahan
Willie Revillame appeals to former Wowowee director Mr. Johnny Manahan to join him in Wowowin: "Kailangan ko ng isang director na katulad mo para maturuan kami rito. Direk, halika na rito, samahan mo na kami rito, Mr. Johnny Manahan."
PHOTO/S: Courtesy: Wowowin on YouTube / ABS-CBN Entertainment

“The door is open.”

Ito ang pagsusumamong paanyaya ni Willie Revillame sa kanyang dating direktor na si Mr. Johnny “Mr. M” Manahan.

Marahil, nakarating na rin kay Willie ang usap-usapan sa showbiz nitong nakaraang linggo kung saan naglabas ng kanyang saloobin si Manahan sa pag-alis niya sa ABS-CBN, sa mga dating kasamahan sa network, at ang biglaang pagkatigbak ng Sunday Noontime Live (SNL) ng Brightlight Productions sa TV5.

Ikinagulat din ni Mr. M na ang pumalit sa timeslot ng SNL ay ang palabas ng ABS-CBN na ASAP Natin 'To na siya rin ang direktor noon.

Sa live episode ng Wowowin: Tutok To Win nitong nakaraang Biyernes, January 22, nagbigay ng ilang minuto si Willie sa programa upang batiin ang aniya ay “one of the pillars” sa Philippine television.

Banggit ng 59-year-old TV host, “Bago ang lahat, gusto ko lang batiin ang isa sa mga taong nirerespeto ko.

“One of the pillars, of course, dito sa Philippine television.

Continue reading below ↓

“Naging director ko po sa Wowowee, star-builder, respetado, he’s a dignified man.”

Dagdag pa niya, sana raw ay muli niyang makatrabaho ang batikan at nirerespetong direktor sa industriya.

Sabi niya, “Ito ho, sana makasama kita muli, Direk.

“Napakalaki ng respeto ko sa ’yo.”

“KAILANGAN KO NG ISANG DIREKTOR NA KATULAD MO”

Kasunod nito ay nagbalik-tanaw naman si Willie sa samahan nila ni Mr. M noon sa Wowowee, ang defunct noontime show niya sa Kapamilya network.

Tumagal ito sa ere ng limang taon, mula 2005 hanggang 2010.

Sabi niya, “Naalala ko nga nung nagkasama tayo sa Wowowee, lagi kang supportive sa lahat ng desisyon na ginagawa ko.

“Saka, there was a time na gumagawa ako ng sulat na nagpaalam na ako diyan, sinamahan mo ako, tinulungan mo ako sa mga tamang English, tamang grammar ko.”

Nagkaroon ng alitan sa pagitan nina Willie at ABS-CBN management na humantong pa sa demandahan noon.

Continue reading below ↓

Kaya nilayasan ni Willie ang ABS-CBN at lumipat sa TV5.

Dagdag pa ni Willie, “So anyway, Direk, sobrang mahal ka namin. The door is open.

“Direk I need you, we need you here. Kailangan ko ng isang director na katulad mo para maturuan kami rito.”

Apela pa niya, “Direk, halika na rito, samahan mo na kami rito, Mr. Johnny Manahan. Mr. M.”

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame appeals to former Wowowee director Mr. Johnny Manahan to join him in Wowowin: "Kailangan ko ng isang director na katulad mo para maturuan kami rito. Direk, halika na rito, samahan mo na kami rito, Mr. Johnny Manahan."
PHOTO/S: Courtesy: Wowowin on YouTube / ABS-CBN Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results