Elijah Canlas and Kyle Velino reveal what they discovered about each other

by Jerry Olea
Jan 29, 2021
Elijah Canlas (left) on Kyle Velino: "Si Kyle po kasi, mas nakilala ko ngayon bilang tao, iyong mga pangarap niya, kung gaano siya ka-hard working."
PHOTO/S: Instagram

Dumalaw si Kyle Velino sa shooting ng Episode 10 (“Pass or Play 2”) ng Gameboys noong Hulyo 12, 2020, Linggo, sa Ortigas Center.

Doon sila nagkatagpo-tagpo nina Elijah Canlas, Kokoy de Santos, at Adrianna So.

Sa pagtatapos ng Season 1 ng Gameboys ay nagkasama sa isang eksena sina Elijah, Kokoy, at Adrianna.

Noong Disyembre 7, 2020 nagsimulang mag-lock in shooting si Kyle ng teleseryeng Paano Ang Pangako? sa San Pablo City, Laguna.

Nakapag-bonding sila ni Elijah. Sabay nilang pinanood ang teaser ng Gameboys 2 na nag-premiere noong Enero 22, Biyernes ng gabi, sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

Sa virtual mediacon ng Paano Ang Pangako? noong Enero 24, Linggo, inusisa ni Glen Sibonga sina Elijah at Kyle kung anu-ano ang nadiskubre nila sa isa’t isa.

Natawang tugon ni Elijah, “Madami po. Ha! Ha! Ha! I mean, mas nakilala ko lang po si Kyle talaga. Kasi, dahil nga Zoom lang kami noon, 'tapos nagkikita kami sa Zoom pag... either magsu-shoot na o manonood kami ng episode nang sabay.

Continue reading below ↓

“Hindi ko pa po kilala si Kyle who he is as a person. So, ngayon, nakikita ko po kung gaano talaga siya kabait.

“And ano din, e, masaya po talagang kasama. Hindi ka mabo-bore pag kasama si Kyle Velino.”

Mas close na ba sila ni Kyle, kesa kay Kokoy?

“Ayoko pong sagutin, baka magalit si Kokoy, e! Kahapon lang po, nag-story ako, binati ko si Miggy [Jimenez], si Wesley sa Gameboys. Nag-reply agad, e,” himutok ni Elijah.

“Bilis! Bantay-sarado rin kami! Ambilis mag-reply!”

Ika-22 kaarawan ni Miggy noong Enero 23, Sabado. Gumaganap si Miggy bilang ssob/kababata ni Cairo (karakter ni Elijah) na si Wesley sa Gameboys.

WHAT KYLE DISCOVERED ABOUT ELIJAH

Sabi ni Kyle, marami rin siyang na-discover kay Elijah.

Nakangiting lahad ni Kyle, “Ngayon, sobrang solid namin. Dati, puro Zoom lang kami. Ngayon, as in... lalo’t roommates kami.”

Mabilis na pagkontra ni Elijah, “Hindi tayo roommates. Magkatabi lang yung room natin.”

Continue reading below ↓

“Sorry, sorry, hindi roommates. Magkatabi ang rooms namin pero ganoon na rin iyon, isang pader lang,” sabi ni Kyle.

Pagpapatuloy ni Kyle, “Sobrang solid. Talagang... lahat, pag may pagkain siya, bigyan niya ako. Pag meron ako, bibigyan ko siya.

“Iyong bonding namin, kakaiba talaga. Sobrang tropa. And feeling ko, sobrang laking bagay niyon sa trabaho ni Elijah, na talagang we get along.”

Pag-ayon ni Elijah, “Si Kyle po kasi, mas nakilala ko ngayon bilang tao, iyong mga pangarap niya, kung gaano siya ka-hard working.

“Kung gaano po talaga siya kadesidido, and sobrang inspiring din po siyang kaibigan.

"'Tapos, nae-excite din kaming mag-shoot sa Gameboys.

“Parati nga naming napag-uusapan. Kasi, iyong mga na-shoot namin noong nakaraan, ang saya din po noon, e.

“Mas maliit na cast, 'tapos, iyon po iyong cast namin noong ano, e. Noong pandemic days pa. “So, nagka-miss-miss din kami. May sepanx din po, e.”

Elijah Canlas and Kyle Velino hug scene in gameboys

Continue reading below ↓

PAANO ANG PANGAKO?

Sa Pinoy BL series na Gameboys ay pinag-agawan nina Elijah at Kyle si Kokoy.

Sa Paano Ang Pangako? (Book 2 ng Christmaseryeng Paano Ang Pasko? ng TV5), magkaagaw naman sina Elijah at Kyle kay Miles Ocampo.

Ayon kay Direk Perci Intalan, magtatapos ang ikatlong cycle ng lock-in shooting ng Paano Ang Pangako? sa unang linggo ng Pebrero 2021.

paano ang pangako stills

Continue reading below ↓

“Then, magku-quarantine muna ang cast ng Gameboys, saka itutuloy ang shooting ng Gameboys 2,” pahayag ni Direk Perci nitong Enero 29, Biyernes ng hapon, via Messenger.

“Nakadalawang shooting days ang Gameboys 2 before Christmas. Hirap tumuluy-tuloy ang shooting noon dahil mapuputol ang momentum ng Christmas break.

“Pagkatapos mag-shoot ng Gameboys 2, magku-quarantine muli, and then another cycle ng Paano Ang Pangako?

Hindi pa masabi ni Direk Perci kung kailan magpi-premiere ang Season 2 ng Gameboys.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elijah Canlas (left) on Kyle Velino: "Si Kyle po kasi, mas nakilala ko ngayon bilang tao, iyong mga pangarap niya, kung gaano siya ka-hard working."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results