Marlo Mortel goes out with Janella Salvador but with a chaperone

When asked what physical trait Marlo Mortel likes most about Janella Salvador, the actor said: “I like her eyes. Very expressive.”



Kinagat ng fans ang tambalan nina Marlo Mortel at Janella Salvador sa ABS-CBN daytime series na Be Careful With My Heart.

Dalawang taon ding kinagiliwang subaybayan ang loveteam nila.

Ngayong 2014, muli na naman silang magkapareha sa bagong pang-umagang teleserye ng ABS-CBN na Oh My G.

This time, sina Janella at Marlo na ang bida pero ka-love triangle nila si Manolo Pedrosa.

“Okay lang naman po ‘yon,” ani Marlo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Oh My G.

“Siguro ‘yong iba iisipin na baka mamaya, ma-insecure, ganyan. Pero hindi naman po.

“Ako naman kasi, siyempre okay lang sa akin. Kasi everybody deserves a break.

“Si Manolo tulad ko, this is his chance to prove himself, di ba?

“So nasasa-kanya na po ‘yon kung papano niya gagawin ‘yong trabaho niya as an artist at kung mamahalin siya ng tao. Nasasa-kanya na ‘yon.

“But I’m very fine with it. Wala pong problema.

“Wala pong professional jealousy. Wala pong insecurity o anuman.”

Ang supporters ng Marnella tandem nila ni Janella, nagsisimula nang makaaway ang fans naman ng nabubuong Mano-Ella team up nina Manolo at Janella.

“Mag-aaway talaga sila. Kasi before pa lang mag-start at nalaman nila na may Manolo, medyo nagka-clash na, e.

“Parang nagkakaroon na rin ng ibang fan base, ganyan. But okay lang.

“It just means na may buzz. And it’s okay.”


ON GOING OUT WITH JANELLA. Gaano na ba sila ka-close ngayon ni Janella?

“Very close kami. Close friends, sobrang close!

“And that friendship… talagang inaalagaan namin ngayon habang kami ay parehong gumagawa ng name for ourselves sa showbiz.”

Nagkaroon na ba sila ng chance to go out together kapag wala silang schedule ng work?

“Lumabas na kami together. But kasama ‘yong mom niya [referring to Jenine Desiderio].

“Kumain kami outside. And then nag-Time Zone, gano’n.”

Maraming beses na ba silang nagkasamang lumabas?

“Marami na rin. Kasi kapag nag-show kami halimbawa outside na kasama rin ang mom niya, lumalabas kaming tatlo, e.

“Kagaya no’ng nagpunta kami sa Bacolod, kumakain kami together. Ganyan.

“Mga gano’n. Simple things.”

Hindi ba pumapasok sa isip niya na manligaw kay Janella? O baka naman sumisimple na siya na magparamdam?

“A… sa ngayon, hindi ko muna priority ‘yan. Alhough minsan naiisip ko rin.

“Pero siyempre si Janella, malaki pa ang future niya ahead of her. So I’m gonna give her the time that she needs talaga.”

Happy na muna siya sa pagiging friends nila sa ngayon?

“Opo.”

Paano kung biglang sumingit na lang bigla si Manolo at manligaw kay Janella?

“A… siyempre makiki-singit na rin ako!” natawang biro ni Manolo.

“Hindi. Hahaha!

“Okay lang naman. Opo. Na ka’y Janella naman ‘yon, e.

“Sa ngayon naman sa tingin ko, she’s very focused on her career.”

Paano ba niya inaalagaan si Janella bilang leading lady? Ano ang ginagawa niya kapag nasa set sila?

“Normal kung paano ‘yong ginagawa ng isang leading man. Ako, sobrang gentle lang ako with Janella.

“Very careful ako towards her. Kung papano ang actions ko, talagang nagpapaalam ako.

“Minsan dati, naalala ko no’ng nag-start ‘yong Be Careful… pati pag-aakbay, nagpapaalam ako kay Janella. Kasi gano’n ko siya inaalagaan.

“And I respect her that much.”

Ngayong bida na sila sa isang serye, handa na ba siya kung sakaling magkaroon na sila ng kissing scene?

“Nagkaroon na ng eksenang nag-kiss kami sa Home Sweetie Home. Pero daya lang siya.

“Dito sa Oh My G, hindi ko pa alam kung magkakaroon kami ng kissing scene. Sa ngayon, wala pa akong naririnig na may gano’n.”

Ano ang pinakagusto niyang qualities ni Janella?

“Si Janella, she’s very driven talaga sa career. Gusto niyang ma-reach ‘yong dream niya talaga at maabot kung ano ‘yong lahat ng mga pangarap niya sa buhay.”

What about sa physical qualities nito?

“I like her eyes. Very expressive.”

Ano ang mga traits ni Janella na gusto niya?

“She’s nice and tahimik lang siya. But may sense naman,” panghuling naging pahayag ni Marlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN