Sarah Geronimo trends on Twitter for being absent on ASAP Natin 'To's 26th anniversary

by Bernie V. Franco
Feb 7, 2021
Sarah Gerinomo (left) is noticeably absent at the 26th anniversary of ASAP Natin 'To. Meantime, Regine Velasquez and other hosts mentioned that they miss the Popstar Royalty on the show.
PHOTO/S: Instagram / Kapamilya Online Live

Hindi kabilang si Sarah Geronimo sa mga nag-perform sa ASAP Natin 'To ngayong Linggo, February 7.

Ipinagdiriwang ng longest-running Kapamilya Sunday musical-variety show ang 26th anniversary nito ngayong araw.

Isa sa regular hosts-performers sa ASAP ang Popstar Royalty, pero ilang linggo na siyang hindi napapanood sa programa.

Bagamat hindi siya nakasama anniversary celebration, ipinaramdam ni Regine Velasquez at ibang hosts ang pagka-miss nila kay Sarah.

Sa opening spiel ng hosts, isiningit ng Asia’s Songbird ang pagbati kay Sarah.

“At siyempre, Sarah G., we miss you na,” malakas na sabi ni Regine.

Maririnig namang sabay-sabay na sumang-ayon ang iba pang hosts sa tinuran ni Regine.

“Sarah G., we miss you,” sambit ni Ogie Alcasid.

“Oo, balik ka na sana,” sabi pa ni Gary Valenciano.

Hindi rito nagtapos ang pagbanggit na wala si Sarah sa selebrasyon ng ASAP.

Sa interview nina Regine at Martin Nievera kay Janine Gutierrez, kinumusta ang bagong Kapamilya sa unang beses nitong pagsalang sa ASAP stage nang solo.

Continue reading below ↓

Sa kanyang sagot, binanggit ni Janine na isa siyang Popster, tawag sa fans ni Sarah.

“What an honor [to perform] on the stage that you perform in,” simula ni Janine, na bahagi na rin ng ASAP.

“Mga iniidolo ko… I’m such a Popster, Miss Sarah G… so, parang inisip ko na lang kung anong gagawin nila.”

Sumingit si Regine at pabirong nagpaliwanag tungkol sa kinaroroonan ni Sarah.

“Alam mo, parating na si Popster… si ano, si Sarah. Parating na… mga… basta… abangan natin,” sabi niya kay Janine.

Nagbigay uli ng dahilan si Regine kung bakit wala si Sarah.

“Hindi. Nagpapahinga lang ngayon ang ate mo, kasi alam mo na, kakakasal lang.

“Ganun talaga ‘yon. Honeymoon.

“Ako rin noon, hindi ako noon nagtatrabaho, e, ganun talaga ‘yon.

“Eventually, magsasawa na kayo, magtatrabhao ka na ulit.”

Sa February 20, mag-iisang taon nang kasal si Sarah at asawa nitong si Matteo Guidicelli.

Wala rin ang larawan ni Sarah sa promotional material ng ASAP.

Continue reading below ↓

sarah geronimo not included in ASAP promotional material

POPSTERS MISS SARAH

Samantala, ramdam ang pagka-miss ng Popsters kay Sarah dahil hindi na naman siya nag-perform ngayong Linggo.

Marami sa kanila ang nalulungkot pero umaasang sa mga susunod na linggo ay mapapanood na nila ang kanilang idolo.

Dahil sa dami ng mga tweet, naging top trending topic ngayong hapon ang “WELOVEYOU SARAH G”.

Continue reading below ↓

#weloveyou sarah g trends on twitter

Sa kabila nito, nagparamdam si Sarah sa pamamagitan ng pagbati sa anibersaryo ng kinabibilangang musical-variety show sa Twitter.

Simpleng tweet ng Popstar Royalty: “Happy 26 anniversary ASAP! #ASAP26”

sarah geronimo greets ASAP happy anniversary via Twitter

Continue reading below ↓

REGINE ON SARAH'S ABSENCE

Sa virtual press conference niya noong January 28, nasambit ni Regine na nami-miss na niya si Sarah dahil wala ito sa ASAP nitong mga nakalipas na linggo.

“I miss her because she hasn’t been doing ASAP.

"I’m sure may maganda naman siyang reason for not doing ASAP.

“But a lot of people are missing her yung kanyang mga Popsters misses her very much.

“But sigurado din naman akong miss din niya kami. I’m sure nami-miss din niyang mag-perform.

“Let’s all pray she’ll be able to do it again, she’ll be able to do ASAP again,” sabi ng Asia’s Songbird.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Gerinomo (left) is noticeably absent at the 26th anniversary of ASAP Natin 'To. Meantime, Regine Velasquez and other hosts mentioned that they miss the Popstar Royalty on the show.
PHOTO/S: Instagram / Kapamilya Online Live
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results