Sunshine Cruz impressed by daughter Angelina's acting skills

by Nikko Tuazon
Feb 14, 2021
Sunshine Cruz, Angelina Cruz
Sunshine Cruz on daughter Angelina's acting skills: "Nung pinaiyak siya ni direk, wow talagang ambilis umiyak nung bata. Talagang nasa puso iyong iyak. So nakaka-proud talaga, nakikita ko na maybe it’s because na artista iyong mga magulang niya."
PHOTO/S: @sunshinecruz718 on Instagram

Nagsisimula na ang showbiz career ni Angelina Cruz, at nagpapasalamat siya na buo ang suportang ibinibigay ng kanyang ina na si Sunshine Cruz.

Kasama si Angelina sa cast ng TV5 sitcom na John en Ellen na umere noong January 24, 2021. Lead stars dito sina John Estrada at Ellen Adarna.

Ano ang reaksiyon ni Sunshine noong malaman niyang kinuha si Angelina na maging bahagi ng nasabing sitcom?

Kuwento ni Angelina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Huwebes, February 4, 2021, "When my mom heard about the offer for the sitcom, she told me to go with it and, you know, since I had nothing else to do during the pandemic, I might as well be productive."

Dagdag nito, "My whole experience with the cast is very fun po. They treat me like family. Sina Tito John po and Ate Ellen, they treat me like family.

"The whole cast, the whole show is very light kasi it’s a sitcom po so we all treat each other just like family kasi it’s a family sitcom."

Continue reading below ↓

Kasama rin sa John en Ellen sina Ronaldo Valdez, Laboching, at Long Mejia.

MOM'S TIP

Napanood ni Sunshine ang mga naunang episodes, at isa sa mga maipapayo nito sa anak pagdating sa acting ay ang pabutihin nito ang pagsasalita ng Tagalog.

Sabi ni Sunshine, "Since gustung-gusto rin niya na mag-artista, sabi ko, ‘Anak, unang-una sa lahat, you have to practice your Tagalog.’ Kasi talagang naging komportable sila lahat na English ang pagsasalita nila.

"So sabi ko, ‘Anak gusto mo bang makaipon? Gusto mo bang yumaman? E, nandito ka sa Pilipinas so kailangan matuto ka talagang mag-Tagalog.’ Nakakatuwa naman that I know she’s exerting effort sa kanyang pagta-Tagalog."

Ngunit aminado si Sunshine na napabilib din siya ni Angelina lalo nang makatrabaho nito ang anak sa isang commercial. Si Sunshine at Angelina ang bagong celebrity endorsers na ni-launch ng Silka.

Kuwento ni Sunshine, "Iyong talent niya with acting, actually, revelation siya for me dito sa TVC ng Silka.

Continue reading below ↓

"Kasi nung pinaiyak siya ni direk, wow talagang ambilis umiyak nung bata. Talagang nasa puso iyong iyak.

"So nakaka-proud talaga, nakikita ko na maybe it’s because na artista iyong mga magulang niya.

"Iyong tatay niya is a very good actor, and ako naman umaarte rin, and I guess nasa dugo din talaga not just iyong love nila for singing but for acting as well."

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz on daughter Angelina's acting skills: "Nung pinaiyak siya ni direk, wow talagang ambilis umiyak nung bata. Talagang nasa puso iyong iyak. So nakaka-proud talaga, nakikita ko na maybe it’s because na artista iyong mga magulang niya."
PHOTO/S: @sunshinecruz718 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results