Geoff Eigenmann on his leading ladies: "There’s always an attraction sa co-stars."

Geoff Eigenmann is ready for more mature and daring roles after shooting love scene in Kailan Ba Tama Ang Mali?



Ang Kailan Ba Tama Ang Mali? ang unang teleserye o proyekto ni Geoff Eigenmann na nagkaroon siya ng mga intimate scenes sa kapareha niya.


Ang leading ladies niya sa GMA-7 show na ito ay sina Max Collins at Empress Schuck.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ani Geoff, “Ano naman, kumportable kami sa isa’t-isa.
"Napag-uusapan namin kung ano yung mga kailangan naming gawin sa eksena.
"We just do it professionally. Walang ilangan, we’re comfortable.”
Tuloy-tuloy na ba siya sa mga mature, daring roles?
“I guess, we’re not getting any younger. We’re getting older, more mature.
"So, I guess, sa role, it just comes with it.
"Hindi naman puwedeng puro pa-tweetums, teeny-bopper na lang lagi.”



DRAWING THE LINE. Unang beses nilang magkasama at magkatambal ni Max Collins, pero ilang taon na rin silang palaging nagkakasama dahil pareho silang nasa ilalim ng pangangalaga ng PPL Entertainment Inc.
Nakikita rin ba niya si Max bilang posible siyang magkaroon ng atraksiyon?
“Well, sa lahat naman ng nakaka-trabaho ko, hindi mo naman maiiwasan dito sa show business.
"Lahat, there’s always an attraction sa co-stars.
"Pero, siyempre, doon pumapasok yung professionalism.
“Of course, kung hindi pa puwede, you draw some line and you try to do your work professionally.
"At the same time, may respeto pa rin sa co-star mo at kung anuman meron siya with someone else.”
Pero, may atraksiyon?
“Yeah, maganda si Max, maganda si Empress,” saad naman niya.


WAITING FOR LOVELIFE. May panghihinayang ba sa parte niya dahil may nali-link o sinasabing malapit na ibang actor kay Max ngayon?
“Hindi naman, kung anuman ang meron sa buhay niya, it came to her at the right time.
"Istorya ng buhay niya yun.
"I guess for me, when the right time comes, she’ll be there.
“Kung sinuman yun, I’ll just be waiting.”
Masaya raw si Geoff ngayon sa buhay niya.
Sabi nga niya, “Mabigat nga ang concept ng ginagawa naming trabaho … it’s something I can focus on for now.
"Outside of work, I can focus on sports, do other things I love most.
“May balance naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN