Here are Janine Gutierrez's "pangarap makatrabaho" stars in ABS-CBN

by Rommel Gonzales
Feb 19, 2021
Janine Gutierrez on ABS-CBn stars : "So ang dami ko talagang iniidolo dito."
PHOTO/S: @janinegutierrez on Instagram

Maraming gustong makatrabaho si Janine Gutierrez ngayong nasa poder na siya ng ABS-CBN.

Kuwento ni Janine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa isang media conference noong February 2, 2021, "Oh my gosh! Siguro sa... simulan ko na sa mga women, kasi madami talaga akong iniidolo dito sa ABS-CBN.

"There's of course Anne Curtis, Angelica Panganiban, Angel Locsin, iyan talaga, iyong mga idol ko talaga iyan. There's also Jodi [Sta.Maria] and Iza [Calzado], so many women I look up to.

"With so many good projects, na it's a mixture of, 'Ang ganda ng teleserye niya pero nakakagawa siya ng magandang pelikula!'

"And ang ganda lang nung takbo ng mga career nila, and ngayon, di ba, even Ms. Jodi is producing, which is something I also wanna learn eventually.

"So ang dami ko talagang iniidolo dito."

Isa rin sa mga iniidolo ni Janine ay si Regine Velasquez-Alcasid, na gusto rin sana niyang makatrabaho bilang bagong Kapamilya.

Continue reading below ↓

"Siyempre hindi ko kayang kumanta with Ms. Reg," at natawa si Janine, "pero idol ko din siya sa mga aktingan."

Bakit hindi niya nabanggit si Liza Soberano, to think nagpa-fangirl sila sa isa't isa?

"Oh my God! Of course, Liza! Alam mo, I didn't mention her because never ko na-imagine that I would actually be, maybe close to the possibility na makatrabaho siya.

"But I am a LizQuen fan and I love Liza, I love Liza. Sobrang fan ako, so yeah, oh my god! If ever, that would be amazing."

Sino naman sa mga lalaking Kapamilya ang gustong makatrabaho ni Janine?

Sagot niya, "Siguro sa lalaki naman I'm looking forward to working with Paulo kasi we did a movie together, so happy ako na parang meron na akong kaibigan dito," pagtukoy naman ni Janine kay Paulo Avelino.

Dati na ring magkaibigan sina Janine at Enchong Dee.

"So excited din ako na makasama siya dito, and I'm sure sa ASAP Natin 'To magkikita kami."

Continue reading below ↓

Nasa listahan rin ni Janine sina Jericho Rosales, Carlo Aquino, Gerald Anderson, at JC Santos, na leading man niya sa bago niyang pelikulang Dito At Doon ng TBA Studios.

"Madami talaga, so excited ako kung saan ako maipupuwesto. Actually hindi ka talaga mauubusan ng mga pangarap mong makatrabaho."

JANINE Gutierrez ON HER IMPRESSION OF ABS-CBN

Natanong naman si Janine: Bago siya lumipat, ano ang impression niya sa Kapamilya network?

“The impression is always parang... impressive! Impressive. Kahit naman anong station ka, meron iyang respeto bilang artista, na alam mo kung maganda iyong kuwento, kung magaling ang pagkaarte.

“And as I’ve said, marami akong iniidolo dito so I also really watch the shows."

Ito pa rin naman ang impression ni Janine ngayong Kapamilya na din siya.

"And ano lang, it’s very exciting because napi-feel ko iyong talagang sobrang passionate iyong mga tao dito sa ABS-CBN about the stories and about bringing forward new stories and talagang reaching out to what people really want to see.

Continue reading below ↓

“Kung ano iyong pulso ng tao ngayon, kung mas gusto ba nila ng heartfelt na kuwento o iyong ang lalim ng pagkakakilala sa Kapamilya.

"Kung ano ba ang hinahanap ng isang Kapamilya sa telebisyon, and I think it’s so amazing na ibibigay natin iyong gusto ng Kapamilya.”

JANINE ON WORKING WITH BROTHER DIEGO ON ASAP NATIN 'TO

May upcoming teleserye si Janine sa ABS-CBN, pero abala siya sa pagiging host sa ASAP Natin 'To sa ngayon.

Kasama niya sa noontime variety show ang kanyang only brother na si Diego Gutierrez. Ano ang payo ni Janine sa kanyang kapatid ngayong artista na rin ito?

"Actually nakakatawa kasi before my ASAP Natin 'To debut, si Diego iyong nagpapayo sa akin bilang nauna siya sa ASAP, before me."

Regular performer na tuwing Linggo si Diego bago pa binigyan ng grand welcome si Janine sa ASAP Natin 'To noong January 24. Isa ring recording artist si Diego, at kaka-release ng song niya na "On A Dream."

Continue reading below ↓

Pagpatuloy ni Janine, "So siya iyong nagsasabi, 'Ate huwag kang kabahan, sobrang bait nilang lahat doon!'

"But I guess as an older sister, pinu-push ko lang siya na, how do you say this, kapalan iyong mukha niya," at tumawa si Janine.

"Kasi Diego is so sweet, he is so soft-spoken, super bait pero sobrang talented niya.

"So bilang medyo mas matagal na ako dito at sanay na ako talking to new people, gusto ko na talagang maipakita niya iyong buong kakayahan niya nang hindi siya nahihiya or not holding back.

"Kasi di ba, we're all very lucky to be given the opportunity na nandito sa ABS-CBN, di ba, so kailangan talaga make the most of every opportunity.

"Siguro as in any job naman, pero lalung-lalo na dito sa industriya."

Ipapalabas na rin sa mga sinehan sa March 17 ang Dito At Doon ng TBA Studios, mula sa direksyon ni JP Habac.

Continue reading below ↓

Kapareha niya rito si JC Santos, at gaganap si Janine bilang isang babaeng "no boyfriend since birth."

Nasa movie rin sina Victor Anastacio, Yesh Burce, at ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon.

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez on ABS-CBn stars : "So ang dami ko talagang iniidolo dito."
PHOTO/S: @janinegutierrez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results