Kyline Alcantara admits having second thoughts on accepting role of rape victim in Magpakailanman

by Jerry Olea
Feb 19, 2021
kyline alcantara facebook
Kyline Alcantara on rape victims: "Hindi madali yung laban pero maraming taong gustong tumulong. Siguro po, ang takeaway ko rin sa episode na ito is that despite all the bad things that happened to you, may mga tao pa rin na hindi ka huhusgahan at ipipilit na iangat ka at yun ang pamilya mo."
PHOTO/S: Magpakailanman Facebook

Mapangahas ang papel ni Kyline Alcantara bilang Krizzia, isang OFW na rape victim at nakulong, sa bagong episode ng Magpakailanman.

Mapapanood ito ngayong Pebrero 20, Sabado ng 8:00 p.m., pagkatapos ng Catch Me Out Philippines sa GMA-7.

“Actually, the first time na I was inquired for the role, napaisip na po ako if kaya ko bang gawin yung role,” pahayag ni Kyline sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Messenger nitong Pebrero 19, Biyernes.

“Bago and mature po kasi yung role from the other roles na nagawa ko.

“But I’ve been drawn sa life story ni Krizia for how strong of a woman she is, kung paano niya napatatag yung sarili at bumangon despite of what happened to her.

“I truly admire her for that and it’s such an honor to portray her.”

Kumusta ang pakikipagtrabaho kina Luis Hontiveros at Sharmaine Arnaiz sa episode na ito?

“It’s a pleasure to work with Luis and Ms. Sharmaine. Both po sila magaang makatrabaho.

Continue reading below ↓

“Ever since nangyari itong lockdown, I always see to it na makakatrabaho ko ang iba’t ibang artista at matuto rin mula sa kanila. I’m happy that I got to work with both of them.”

KYLINE'S ADVICE TO YOUNG PEOPLE

Kaugnay sa papel niya bilang Krizzia, ano ang maipapayo ni Kyline sa mga kabataan upang huwag mapariwara o maligaw ng landas?

“Have an open communication with your parents, friends and siblings,” tugon ng young actress.

“It’s very important na alam ng mga taong ‘yan yung tunay na ikaw, yung mga gusto mong gawin, yung mga saloobin at hinaing mo sa buhay.

“Sabi nga po, you should open yourself. Kasi, wala namang lubos na makakaintindi at gagabay sa ‘yo kung hindi yung mga taong lubos na nakakilala at nagmamahal sa ‘yo.

“But, if all else fails, look for God because He will never forsake you, gaya ng ginawa ni Krizia.”

Anong mensahe ang nais niyang iparating kaugnay sa karanasan ng mga babaeng nabiktima ng rape?

Continue reading below ↓

“Maselan na topic po ito and ayaw ko naman pong i-romanticize yung idea ng resilience sa mga kapwa kong babae na dumanas ng rape,” paliwanag ni Kyline.

“Iba-iba po tayo ng paraan ng pag-handle ng pinagdadaanan at sitwasyon sa buhay, pero kumapit lang tayo sa mga taong laging nandiyan at nag-aabot ng kamay para maging gabay natin.

“Hindi madali yung laban pero maraming taong gustong tumulong. Siguro po, ang takeaway ko rin sa episode na ito is that despite all the bad things that happened to you, may mga tao pa rin na hindi ka huhusgahan at ipipilit na iangat ka at yun ang pamilya mo.

“Pero kung dumating man yung pagsubok at nagkataon na wala kang pamilyang masasandalan, tumawag ka lang sa Panginoon natin at siya yung magbibigay ng liwanag.

“Gusto ko lang din po sabihin na there are organizations who are helping and giving counsels for rape victims. Maaari rin po sila makipag-ugnayan doon.

Continue reading below ↓

“It’s going be a dark and tough road, but at the end of it all, there’s light. Kapit lang and laban.”

KAPUSO FRONTLINERS

Sina Kyline, Bianca Umali, Pauline Mendoza, at Miguel Tanfelix ang mga bida sa Kambal, Karibal (Nobyembre 2017-Agosto 2028).

Ngayong 2021 ay kabilang sila sa frontliners, kumbaga, ng Kapuso Network.

Si Bianca, isa sa tatlong katambal ni Dennis Trillo sa cultural drama series na Legal Wives.

Si Miguel, bida sa maaksyong Voltes V: Legacy.

Si Pauline, ilulunsad na sa Babawiin Ko Ang Lahat.

Ano ang message niya para sa tatlo?

“Masayang-masaya po ako para sa kanilang tatlo at sobrang deserve po nila kung ano ang meron po sila,” saad ni Kyline.

“Magagaling silang artista at I can really attest to that dahil matagal po kaming nagsama sa Kambal, Karibal.

“I am wishing for the greatest success sa mga projects po nila. We are very blessed na pagkatiwalaan po ng network ng ganito kalalaking mga proyekto.”

Continue reading below ↓

BILANGIN ANG BITUIN SA LANGIT

Paigting nang paigting ang mga eksena sa teledramang Bilangin Ang Bituin Sa Langit, lalo pa’t magwawakas na ito sa Marso. Anu-anong highlights ang aabangan namin?

“Maraming-marami pa po. Umpisa pa lang po yung mga mabibigat na eksena,” sagot ni Kyline.

“Sa upcoming weeks, makikita pa po natin ang patindi nang patinding bangayan ng pamilya Dela Cruz at Santos.

“At kung malaman man ni Ansel na anak niya si Maggie, matatanggap niya ba ito? Si Martina, tatanggapin din ba si Maggie? Maipagpapatuloy pa ba ni Maggie at Jun ang kanilang pagmamahalan? ‘Yan pa po ang mga dapat abangan.”

Ano pa ang dapat abangan ng sunflowers kay Kyline?

“Aside from Bilangin ang Bituin sa Langit, they can also see me sa All-Out Sundays. Abangan po nila ang pasabog na performances namin every Sunday.

“Also, I’m planning na mas mag-produce pa po ng vlogs for my fans. I’m planning to dedicate my channel as their avenue to reach me and get to know me more.

Continue reading below ↓

“We are fixing my schedule lang po and the logistics but hopefully, we can launch it already this summer. May isa rin po akong short drama na ilalabas po but we are about to shoot it pa lang po.”

MORE GUIDE ARTICLES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyline Alcantara on rape victims: "Hindi madali yung laban pero maraming taong gustong tumulong. Siguro po, ang takeaway ko rin sa episode na ito is that despite all the bad things that happened to you, may mga tao pa rin na hindi ka huhusgahan at ipipilit na iangat ka at yun ang pamilya mo."
PHOTO/S: Magpakailanman Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results