The story behind Regine Velasquez upstaging 98 Degrees' Nick Lachey on S.O.P.

by James Patrick Anarcon
Feb 19, 2021
Regine Velasquez on 98 Degrees singer Nick Lachey before their 1999 S.O.P. performance: “Biruin mo umpisa pa lang, nagmamagaling! Baklang ito. Humanda ka sa akin, hindi ka na maririnig!"
PHOTO/S: S.O.P (GMA-7)

Binalikan ni Regine Velasquez ang encounter niya sa vocalist ng 98 Degrees na si Nick Lachey, kung saan inilarawan niyang “salbahe” at “nuknukan ng yabang” ang international singer.

Sa interbyu ni Regine sa online show na BrightWin Ninangs Live! yesterday, February 19, ikinuwento niya ang hindi kanais-nais na pagsasama nila ni Nick nang dumalaw ang 98 Degrees dito sa Pilipinas.

Parte ng kanilang pagdalaw ang guesting sa defunct GMA-7 variety program na S.O.P. noong 1999, kung saan nagkaroon sila ng number kasama si Regine, na isa sa mga regular hosts ng programa.

Kinanta ng American pop and R&B group ang hit song nilang “The Hardest Thing" kasama si Regine.

Kuwento ng Asia's Songbird, “Iyang si Nick Lachey, nuknukan ng yabang. Nuknukan ng yabang! But the other guys are really cool."

Ang iba pang miyembro ng 98 Degrees ay sina Jeff Timmons, Drew Lachey, at Justin Jeffre.

Regine Velasquez with 98 Degrees in SOP

Continue reading below ↓

“Siyempre, medyo oriental ang hitsura ng lola mo so nagagandahan sila sa akin, di ba? Lumalandi-landi ng ganoon nang very light.

“Iyong Nick Lachey, ang salbahe!”

Hindi binanggit ni Regine sa interbyu kung bakit naging salbahe sa kanya si Nick, pero sa loob-loob raw niya, “Sige ka, mamaya, humanda ka sa akin!”

Hanggang sa ikinuwento ni Regine ang naging performance niya kasama ang 98 Degrees sa S.O.P.

“Kinain ko talaga siya! Kasi minsan hindi naman ako nangangain, di ba, relax-relax lang.

“E, iyong kanta nila, ang taas, e.”

Regine Velasquez with Nick Lachey in SOP

Continue reading below ↓

Hindi eksaktong nakuwento ni Regine kung ano ang nangyari, pero sinabi niyang “nagmamagaling” daw ito rehearsals pa lang nila.

Dahil sa inis ni Regine, binawian niya si Nick sa kanilang performance at itinodo ang kanyang high notes.

Pagbabalik-tanaw ng Asia’s Songbird, “Biruin mo umpisa pa lang, nagmamagaling! Baklang ito. Humanda ka sa akin, hindi ka na maririnig!

“So nagulat siya. Kasi noong nagrerehearsal kami… nagulat siya, kinain ko talaga siya.

“Nainis ako kasi parang, ‘Bakla, nasa country ka namin, ha. Huwag kang umarte-arte diyan.”

Continue reading below ↓

S.O.P. PERFORMANCE RESURFACES ONLINE

Dahil sa kuwentong ito ni Regine, muling naglabasan sa social media ang pagbirit niya ng “The Hardest Thing” kasama ang 98 Degrees.

Matagal na itong naka-upload sa YouTube subalit pagkatapos ng kuwento ni Regine ay ni-repost ito sa Twitter.

Sa nasabing video mapapanood ang mataas at todong pagbirit ni Regine nang live habang kumakanta ang 98 Degrees.

Mapapansin rin ang ad libs ni Regine habang patuloy lang sa pagkanta ang mga miyembro ng international boyband.

Maayos naman nilang natapos ang production number, kung saan sinabi ni Nick bilang pagtatapos, “Give it up, give it up!”

Sabi naman ni Regine, “Great number!”

Pagkatapos ng performance ay pumasok sa stage sina Cacai Velasquez at G Tongi para sa isang short interview.

Nang tanungin ni Cacai ang mga miyembro ng boyband kung ano ang tingin nila sa Filipino audience, si Jeff Timmons ang sumagot.

Sabi niya, “We find the Philippine audience to be amazing and supported us from day one.”

Continue reading below ↓

Bigla naman niyang pinuri si Regine at sinabing, “I just have to say, we have to give her one more round of applause because that was awesome!”

Ito ang kabuuan ng performance ni Regine kasama ang 98 Degrees.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez on 98 Degrees singer Nick Lachey before their 1999 S.O.P. performance: “Biruin mo umpisa pa lang, nagmamagaling! Baklang ito. Humanda ka sa akin, hindi ka na maririnig!"
PHOTO/S: S.O.P (GMA-7)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results