Michael V defends Voltes V: Legacy from bashers: “May iba kasi naggagaling-galingan”

by Jet Hitosis
Feb 23, 2021
Michael V Voltes V fan
Actor-comedian and longtime Voltes V fan Michael V reacts to some netizens who he says are "naggagaling-galingan" in commenting against GMA's live action remake of the iconic Japanese anime series.
PHOTO/S: Screengrab from Michael V #BitoyStory on YouTube

Sinagot ni Michael V ang mga namba-bash sa live action remake ng Voltes V: Legacy na ipalalabas sa GMA-7.

Ginawa ito ng 51-year-old actor-director at longtime Voltes V fan sa kanyang latest vlog nitong February 19.

Sa Q&A part sa simula ng vlog ni Michael V, inusisa siya ng isang fan kung ano ang “masasabi” niya sa ipalalabas na remake ng classic Japanese TV animation series.

Para kay Michael V, isa ring avid toy collector, hindi siya naniniwalang hindi “na-impress” at “na-excite” ang mga namba-bash sa remake.

Sabi ni Michael V: “Doon sa mga nakapanood ng teaser ng Voltes V: Legacy, huwag na kayo magpanggap na hindi kayo na-impress at hindi kayo na-excite.

“May iba kasi naggagaling-galingan, kung anu-ano sinasabi. 'Dapat ganito, dapat ganun.'

“Naka! ‘Wag ako!” natatawang bulalas niya.

“MARAMING MGA BASHERS PERO…”

Inamin ni Michael na “mataas” ang expectations niya sa remake—na kauna-unahan sa Pilipinas para sa iconic anime series na ipinalabas sa Japan noong 1970s.

Continue reading below ↓

Pero kumpiyansa raw siya sa direktor ng serye na si Mark Reyes dahil isa raw itong “geek.”

“Well, hindi naman ako magpapanggap na hindi mataas ang expectations ko,” sabi ni Michael V. “Pero kampante naman ako.

“Kasi siyempre, kilala ko naman si Direk Mark Reyes. Geek talaga 'yan, e. ‘Tsaka matagal niya nang pangarap 'yan.

“I'm sure grabe yung pressure sa buong production, kaya advice ko lang for all the people involved is to really enjoy this opportunity,” dagdag ni Michael V.

Aminado si Michael V na hindi pa man ipinalalabas ay marami nang bashers ang serye.

Sabi ni Michael V: “Maraming mga bashers, pero feeling ko mas marami ang nagdarasal na sana maging successful itong project na ito.”

THE AVID FAN

Bida sa Voltes V: Legacy sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Radson Flores bilang Mark Gordon, Matt Lozano bilang Robert "Big Bert" Armstrong, at Raphael Landicho bilang si “Little John.”

Continue reading below ↓

Ayon kay Michael V, kahit sino pa raw ang maging cast members ng serye ay panonoorin pa rin niya iyon bilang “fan talaga ako ng Voltes V.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-comedian and longtime Voltes V fan Michael V reacts to some netizens who he says are "naggagaling-galingan" in commenting against GMA's live action remake of the iconic Japanese anime series.
PHOTO/S: Screengrab from Michael V #BitoyStory on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results