Kim Chiu gets emotional while interviewing "Tawag ng Tanghalan" contestant who posted #YesToABSCBNShutdown

by Arniel C. Serato
5 days ago
kim chiu vice ganda it's showtime
Kim Chiu (left) and Vice Ganda (right) explain to "Tawag ng Tanghalan" contestant Kaloy Villaver (center), who posted against ABS-CBN franchise renewal online, that the network and management will not hinder talented individuals to showcase their talents regardless of their political beliefs.
PHOTO/S: It's Showtime on YouTube

Naging madamdamin ang tagpo sa "Tawag ng Tanghalan" stage ng It’s Showtime ngayong Martes, February 23, nang makaharap nina Vice Ganda at Kim Chiu ang isang contestant na pabor noon sa pagsasara ng ABS-CBN.

Bago pa man sumalang sa stage si Kaloy Villaver ng Talisay City, Cebu ay bina-bash na raw siya online dahil sa post niya noon ukol sa kinaharap na problema ng Kapamilya network noong 2020.

Ito ay ang tungkol sa franchise application ng ABS-CBN sa Kongreso.

Panimulang sabi ni Vice, “Kasi sa mga hindi nakakaalam, dahil si Kaloy ay isa sa mga nag-post online ng ‘Yes to ABS-CBN shutdown.’”

Pag-amin naman ni Kaloy, “Yes, noong nasa abroad po ako.”

Dagdag pa ni Vice, “'Tapos nag-post kasi siya sa Facebook na sasali siya.

"So, maraming nakabasa, e, nabasa din yung post niya, 'tapos ngayon sasali ka, e, dati gusto mong mag-shutdown [ang ABS-CBN]."

Tanong pa niya sa contestant, "So, paano mo hina-handle yun, na bina-bash ka nila?”

Continue reading below ↓

Tugon ni Kaloy, “Actually, Miss Vice, medyo na-ready na rin po ako for that thing kasi I was very vocal about my political stand before noong nasa abroad ako.”

Tinanong ni Vice kung ano ang eksaktong nai-post niya noon sa social media. Pero ayon kay Kaloy, nakalimutan na niya ito at binura na rin niya ang post niyang iyon.

Sabi ni Vice sa kanya, “Na-forgot. Kasi ni-repost nila [ng mga tao] yung pinost mo dati na ‘Yes to ABS-CBN shutdown.'

“You were in favor of shutting down the Philippines' largest TV network, which is ABS-CBN.”

Pag-amin naman ni Kaloy, “Yes po, hindi ko pwede i-deny yun.

"I’m actually very thankful na binigyan po ako ng chance ng network to have my talent, to share my talent, and have my story heard.”

Tanong pa ni Vice: “Anong feeling mo na nandito ka ngayon, sa studio ng network na minsan mong ipinalangin na magsara?"

Continue reading below ↓

Sabi ni Kaloy, “Nahihiya po ako, actually. I get to be honest, sobrang hiya po ako sa ginawa ko because I was barking at the wrong tree that time.

“And that was before I kept quiet. But before I came home to the Philippines, marami din akong... I have a lot of doubts kaya ayoko na magsalita sa mga bagay-bagay kasi ayoko lalo mapahiya yung sarili ko.

“Napahiya po ako, sobra.”

kim chiu, vice ganda interviews TNT contestant who is anti-ABS CBN

Continue reading below ↓

“MAY NAMATAY KAMING KAPAMILYA”

Sabi pa ni Vice kay Kaloy, “Maraming nagagalit, pero ako, personally, I want to understand.

"Bakit mo nasabi yun? Anong tumatakbo sa isip mo? Bakit mo winish na sana magsara yung ABS-CBN?”

Sagot ni Kaloy, “Nagiging influence na rin po ako ng mga blogs, pages, that I was not able to validate if fact ba yung binabasa ko. Kaya nga po I kept quiet.”

Ano naman ang na-realize niya sa kanyang nagawa?

“May balik din talaga lahat ng sinasabi mo, even if it’s a long time ago. Nahihiya ako na mali ang sinasabi ko,” sagot muli ng contestant.

Ayon kay Vice, nagkatotoo ang winish ng mga anti-ABS-CBN na magsara ang network sa free TV.

Humingi naman ng tawad si Kaloy sa lahat ng nasaktan sa kanyang nasabi.

Saad niya, “If I would be given a chance to apologize, you [Vice], siyempre ito kababayan ko po [Kim], and everybody here who gave me a chance na marinig yung story ko, my story of change, my story of hope, I would like to thank and apologize to everybody, on behalf of all the people who did the same thing.”

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Kim na mangiyak-ngiyak, “Alam mo, Ma [Vice], hindi lang naman si Kaloy yung isa sa mga nabigyan ng pagkakataon na pinapasok ulit natin dito sa Kapamilya na nag-yes to ABS-CBN… o naiyak ako.

“Ganito pala yung feeling.”

Pag-amin naman ni Vice, nang nalaman niyang may ganung post si Kaloy, napaisip siya kung paano niya ito iinterbyuhin matapos sumalang sa "Tawag ng Tanghalan."

Aniya, “Alam mo ba, bukod sa inyong lahat na nag-wish... kasama ka na dun at sa lahat ng nag-yes to ABS-CBN shutdown.

“Alam niyo ba na bukod sa maraming nawalan ng trabaho, meron ding nawalan ng buhay dahil sa isyung to.

“May namatay kaming kapamilya, katrabaho, dahil hindi kinaya yung balita na magsasara yung ABS at mawawalan siya ng trabaho na bumubuhay sa pamilya niya sa pangyayaring yun.”

Ang tinutukoy ni Vice ay ang pagpanaw ng isang lady production manager ng istasyon ilang araw matapos patayin ang franchise application ng network sa Kongreso noong July 10, 2020.

Continue reading below ↓

Pakli naman ni Kaloy, “I feel, I should be… I’m one of those who should take the blame. I admit.”

“BUG-AT SA AKONG DUGHAN”

Kasunod nito, naiiyak na sinabi ni Kim na ang mga namumuno ng ABS-CBN ay hindi nagtatanim ng sama ng loob laban sa mga taong nag-wish na ito ay magsara.

Pahayag ng PBB alumna, “Nadadala lang sila sa mga sinasabi ng iba 'tapos dumadami na sila, and hindi nila alam yung naging epekto, hindi lang sa kumpanya mismo.

“Hindi ninyo siguro naisip yung mararamdaman namin as kaming mga Kapamilya.

“And iba lang yung pakiramdam na tayong mga Kapamilya, yung mga nagsasabing 'Yes to ABS-CBN shutdown,' pinapatuloy pa rin natin sila dito para ipakita yung talent and tuparin yung pangarap nila.”

Binanggit din ni Kim ang Pinoy Big Brother: Connect housemate na si Russu Laurente, na nag-post din noon laban sa network pero tinanggap pa rin sa kanyang aplikasyon sa reality show.

Continue reading below ↓

Na-evict si Russu last January.

Saad ni Kim, “Pero naano lang ako, ganito pala yung feeling.

"Kasi meron rin sa PBB, hindi naman siguro lihim sa lahat na si Russu, vocal din siya sa 'Yes to ABS-CBN shutdown,' although hindi ko siya nakaharap.

“Ngayon kaharap ko [Kaloy], kababayan ko pa.”

Sabi pa ng aktres sa salitang Bisaya, “So, murag bug-at lang sa akong dughan pero nalipay ko nga nangayo kag sorry ug isog ka nga niatubang ka sa mga tawo, diri sa amo tanan. Nangayo kag pasaylo ug gidawat ka namo diri.”

[So, parang ang bigat lang sa didbid ko, pero masaya ako dahil humingi ka ng sorry at matapang ka na humarap sa mga tao, dito sa aming lahat. Humingi ka ng sorry at tinanggap ka namin dito.]

Hindi pinalad si Kaloy na makaabante sa "Tawag Ng Tanghalan" dahil tinalo siya ng kanyang nakatunggali.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu (left) and Vice Ganda (right) explain to "Tawag ng Tanghalan" contestant Kaloy Villaver (center), who posted against ABS-CBN franchise renewal online, that the network and management will not hinder talented individuals to showcase their talents regardless of their political beliefs.
PHOTO/S: It's Showtime on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results