Angelica Panganiban on playing Daniel Padilla's mother in Pangako Sa 'Yo: "Sabihin na lang natin na maagang lumandi si Claudia!"

Angelica Panganiban initially felt "weird" about being cast as Claudia in the remake of Pangako 'Sa Yo.



Namahinga man ng matagal-tagal sa paggawa ng teleserye, kasama si Angelica Panganiban sa remake ng Pangako sa 'Yo kung siya ang gaganap bilang Claudia Buenavista na unang ginampanan noon ni Jean Garcia.

Aminado naman si Angelica na nung una ay na-weirduhan siya sa sa idea na gaganap siyang ina ni Daniel Padilla sa teleserye pero sa kabila ng pag-aalinlangan ay naniniwala at nagtitiwala siya sa naging desisyon ng management na siya ang gumanap sa nasabing role.

Si Daniel ang bida samantalang si Kathryn Bernardo ang leading lady sa remake ng ABS-CBN.

“Sobra akong excited, sobra talaga. Nae-excite ako na makita ng mga tao kung sino si Claudia Buenavista. Nung unang Pangako sa 'Yo nakita natin na ang istorya ni Amor Powers pero never nating nakita kung ano ba yung kuwento ni Claudia. Na-excite ako para sa mga tao na makita nila yun.”

Ano ang initial reaction niya nang malaman na siya ang napili bilang Claudia sa remake?

“Actually natawa talaga ako, actually nung sinasabi siya, may mga naririnig-rinig lang ako na parang tinatanong sa akin, 'Tinanggap mo na ba? Ang alin? Pangako sa 'Yo.' Sabi ko, 'Di ba kay Kathryn yun?' Oo nga sa kanya yung kay Kristine Hermosa. Sabi ko, 'Ano ako? Yung nanay?' Ganun ang reaksyon ko.

"Oo nga ang weird nga eh, hanggang sa pinatawag na ako, ‘yun ang meeting namin, 'Seryoso ba kayo? Parang ang weird. Kaya ko ba? Mapapaniwala ko ba kayo?'

“Sinabi nila sa akin na 'Well, kami naniniwala kami na kaya mo.' Nagtiwala na lang ako sa nakikita ng management.

“Actually kahapon nakita ko yung magpo-portray kay Lia, yung anak ko, dito pa lang naaano na ako, paano pa kaya kami ni Daniel, di ba? Malaking challenge talaga siya, sabihin na lang natin na maagang lumandi si Claudia! Hahahaha!

Agad na naging viral sa social media ang teaser ng Pangako sa 'Yo kunsaan pinakita ang sagutan at tarayan nina Angelica at Jodi Sta. Maria, na siyang gaganap bilang Amor Powers.

“Pagkakita nga namin ni Jodi, 'Ah, sampalan kaagad ang mga eksena.' Ako di pa ako nagi-start ng taping.. Lahat sila first time ko pa lang makakatrabaho.”

Kontrabida ang role ni Angelica bilang si Claudia Buenavista at maraming mga eksena ang tiyak na magpapakita kung paano niya aapihin si Yna na ginagampanan naman ni Kathryn Bernardo.

Tanggap naman ni Angelica kung makakatanggap din siya ng pamba-bash sa mga fans ng Kathniel pag nagsimula nang ipalabas ang Pangako Sa 'Yo.

Sa kabila nito ay malaking karangalan para kay Angelica na sa kanya napunta ang nasabing role.

“Oo, talagang nae-excite ako na makatrabaho si Kathryn saka si Daniel. Pinapanood ko yung mga projects nila, yung mga pelikula nila. Excited na ako, di ko alam kung paano tatanggapin ng mga tao kapag sinaktan ko na si Kathryn.”

“Siyempre 'pag more bashers ang ibig sabihin nun effective talaga ang ginagawa mo. Pag binash nila ako ibig sabihin fan na fan ko sila.

“Ako natutuwa ako dahil maraming excited, yung mga tao pag nakikita ako, sinasabi nila kung gaano sila ka-excited sa Pangako sa 'Yo.

"Happy ako na ako ang pinili para gampanan yung role ni Claudia. Sabi ko nga nun, 'Grabe yung Claudia, para siyang si Dyesebel, pinag-aagawan siya na gampanan ng mga babae, si Claudia saka si Amor.

"Napakasuwerte ko na mapasa akin talaga yung role.”

Aminado si Angelica na fan siya ng original series na pinalabas noong taong 2000.

“Pinapanood ko talaga ang Pangako sa 'Yo. Actually yung mga aso ko pinangalan ko kay Claudia Buenavista saka Amor Powers. Fan na fan din ako ng Echo-Tin loveteam, sobra talaga. Nung nag-break nga sila, nasaktan talaga ako.”

Tinaggihan ni Jericho Rosales ang role bilang Eduardo dahil hindi niya raw makita ang sarili niya na gumaganap bilang tatay ni Daniel. Ayon kay Angelica ay may napili ng aktor na gaganap para sa nasabing karakter.

“Mayroon na.”

Agad na tinanong si Angelica kung ano ang reaksyon ng boyfriend niya na si John Lloyd nang sabihin niya dito na siya ang gaganap as Claudia Buenavista.

“Nung kinuwento ko sa kanya di naman siya nag-ano, parehas naman kami ng opinyon na kung naniniwala ng management na kaya kong gawin,na kung nakikita nila na kaya kong gumanap ng ganung role, wala namang issue. Actually di naman kami nakikialam sa mga projects ng bawat isa."

(Read: 10 Things To Know about Pangako Sa 'Yo: Then and Now)



ON THAT THING CALLED TADHANA. Si Angelica ang lead actress ng That Thing Called Tadhana, isa sa mga entries sa 2014 Cinema One Originals film fest na ginanap last November 2014.

Pinalabas ang romantic dramedy na ito sa ilang piling sinehan nung nakaraang taon. Ngayong ni-release na ito ng Star Cinema ay mapapanood na ito sa mas maraming sinehan simula February 4.

Masayang-masaya naman ang aktres na may pagkakataon na ang mas maraming tao na mapanood ang pinagbidahang pelikula kunsaan leading man niya si JM de Guzman.

“Nagpapasalamat talaga ako sa Star Cinema dahil binigyan nila ng chance ang mga tao na mapanood sa mas maraming sinehan so nakakatuwa. Actually nung pinapalabas siya nung November talagang nakakalaki na ng ulo yung suporta na pinakita ng mga tao tapos may additional screenings pa para sa Tadhana.

"Actually dun pa lang pag nakikita ko na may mga nagta-tag sa akin, may mga nagtu-tweet sa akin at sinasabi nilang sold out na naman ‘yung tickets, dun pa lang haping-happy na ako so ngayon nai-release pa siya ng Star Cinema talagang sobrang thankful kami.”


(To read moview review of That Thing Called Tadhana, CLICK HERE)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN