Migo Adecer, Kate Valdez talk about dealing with stalkers

by Rommel Gonzales
Feb 27, 2021
Migo Adecer and Kate Valdez are top-billing the Magpakailanman episode titled "My Stalker Girlfriend," which is airing at 8 p.m. tonight, February 27, 2021.
PHOTO/S: PR

Nananatiling loyal Kapuso si Migo Adecer mula noong naging Ultimate Male Survivor siya ng Starstruck season 6 noong 2015.

"Honestly there's nowhere else I’d rather be than here at GMA," umpisang sinabi ni Migo sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng e-mail kahapon, February 26, 2021.

Mag-iisang taon nang meron coronavirus, kumusta naman siya?

"I just have a fear of being overweight and unmotivated. I just can’t live with myself if I let myself get obese so I work out to ensure good health and physique."

Sa kabutihang-palad ay hindi naman nakaranas ng depression at anxiety si Migo ngayong may pandemic.

"Not at all, I spent quality time with my loved ones."

Sa pamamagitan rin ng email, nakapanayam ng PEP.ph si Kate Valdez, na kapareha ni Migo sa episode ng Magpakailanman ngayong Sabado, February 27, alas-otso ng gabi sa GMA-7.

Tinanong rin siya ng writer na ito tungkol sa mental health.

Continue reading below ↓

Ang sabi ng 20-year-old actress, "Ngayong may pandemic, hindi maiiwasan na magkaroon ng anxiety. It’s really important to watch out for your thoughts and feelings.

"I am grateful for my family and friends for being there for me.

"Siyempre, importante rin ang pagdarasal."

Binanggit rin ng dalaga ang pagkakaroon ng strong support system at healthy lifestyle.

Aniya, "Ang payo ko po sa kanila ay don’t be afraid to seek or ask for help, talk to their family or someone close to them.

"Important yung may nakakausap ka. Puwede ka ring gumawa ng mga bagay na hindi mo pa nagagawa dati, at kumain ng mga masusustansyang pagkain, at mag-exercise."

May ilang artista na ayaw mag-taping o mag-shooting hangga't walang bakuna. Nagkaroon ba si Migo ng agam-agam na bumalik sa trabaho?

"Since everyone gets swabbed, it’s less nerve-racking to work in the pandemic we’re in. Other than lock-in tapings, things haven’t really changed at all," katuwiran ni Migo.

Continue reading below ↓

Gaano ba ka-istrikto ang safety and health protocols sa lock-in tapings?

Bukod sa guesting sa Magpakailanman ay may teleserye rin sina Migo at Kate, ang Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday, kung saan kasama nila si Barbie Forteza.

Sagot ni Kate, "Dahil nga new normal na ngayon, may safety protocols po kaming sinusunod during taping like wearing mask and face shield, laging mag-alcohol or disinfect, and siyempre mag-social distancing."

DEALING WITH A STALKER

Ang pamagat ng episode nina Migo at Kate ay "My Stalker Girlfriend."

Ang sabi ng 21-year-old actor tungkol sa kanyang role, "My role is a guy named Enzo who happens to fall in love with a girl who has a stronger personality than him."

May anggulo tungkol sa stalking ang naturang kuwento ng Magpakailanman kaya tinanong namin si Migo kung naranasan na ba niya ang magkaroon stalker?

"I’m sure every actor/actress has had one in this lifetime and usually they’re harmless. But there have been some where I had to rough them up a bit to get the message across."

Continue reading below ↓

How about Kate? Nagkaroon na rin ba siya ng stalker?

"Yes po! Naaalala ko na may messages itong stalker, na parang alam niya yung situation ko bilang artista at sa personal life ko. Nakakatakot dahil hindi ko alam kung paano at saan niya nakukuha yung mga information na alam niya.

"For me, be aware lang at huwag matakot na ipaalam ito sa authority for your safety," payo ni Kate sa mga magiging biktima ng stalking.

Ang "My Stalker Girlfriend" ay sa ilalim ng direksyon ni Don Michael Perez, mula sa panulat ni Loi Nova at pananaliksik ni Cynthia Delos Santos.

Makakasama din nina Migo at Kate sa nabanggit na Magpakailanman episode sina Karenina Haniel at Jerrick Dolormente.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Migo Adecer and Kate Valdez are top-billing the Magpakailanman episode titled "My Stalker Girlfriend," which is airing at 8 p.m. tonight, February 27, 2021.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results