Dennis Padilla's reaction if he has a gay son: "Okey lang... Kung saan siya masaya."

by Rommel Gonzales
Mar 6, 2021
"Susuportahan ko siya bilang ama," declares Dennis Padilla when asked if he's okay having a gay son.
PHOTO/S: Kapuso PR Girl Instagram

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng e-mail nung Biyernes, March 5, sina Snooky Serna at Dennis Padilla.

Kunektado ang interview sa guest stint nila sa Magpakailanman mamayang gabi, Sabado, March 6, sa episode na "When I Fall In Laugh: The Vincent Aychocho Story."

Vincent Aychocho ang tunay na pangalan ng gay comedy bar comedian na si Petite Brockovich.

Samantala, gagampanan ni Dennis ang role na Tatay Arvin na ama ni Petite sa nabanggit na Magpakailanman episode ngayong Sabado ng gabi.

WHAT IF DENNIS HAS A GAY SON?

Tinanong ng PEP si Dennis, kung magkakaroon siya ng anak na bading sa tunay na buhay, ano ang magiging reaksyon niya?

"Okey lang kung bading ang anak ko. Kung saan siya masaya, susuportahan ko siya bilang ama," sagot ng beteranong aktor.

May tatlong anak na lalaki si Dennis. Si Luis, 29, mula sa dating asawang si Monina Gatus; si Leon, 17, mula sa pangalawang asawang si Marjorie Barretto; at si Gavin, 8, mula sa kasalukuyang kinakasamang si Linda Gorton.

Continue reading below ↓

Matatandaan ding dahil sa rebelasyon ni Dennis nung Disyembre, pinatunayan niyang wala siyang problema sa pagkakaroon ng gay na anak.

Nung buwan na iyon, ini-reveal ni Dennis na kasal sa kapwa babae ang panganay niyang anak na si Diane, 30.

Ginawa niya ang rebelasyon sa gitna ng pamumuna sa kanya ng ilang LGBTQ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer) members na nainsulto sa isang eksena ng Metro Manila Film Festival 2020 movie niyang Pakboys: Takusa.

Ito yung eksenang nagulat ang character ni Dennis sa pelikula, matapos na madiskubreng isang transgender woman pala ang nakaniig niya.

Ang real-life transgender beauty queen at actor na si Francine Garcia ang gumanap sa transgender woman na naka-sex ni Dennis sa movie.

DENNIS AS A FATHER

Paano ilalarawan ni Dennis ang sarili niya bilang isang ama?

"Bilang tatay, discipline and education ang priorities ko.

"Responsible, good provider, at good listener na ama. Parehas na tatay at friend ako sa mga anak ko.

Continue reading below ↓

"Pero may limitations din pagdating sa discipline," paglalarawan pa ni Dennis.

Sa direksyon ni Conrado Peru, sa panulat ni Vienuel Ello at pananaliksik ni Angel Launo, tampok din sa "When I Fall In Laugh" na fresh episode ng Magpakailanman si Ashley Rivera bilang si Alma.

Umeere ang Magpakailanman tuwing alas otso ng gabi sa GMA-7.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Susuportahan ko siya bilang ama," declares Dennis Padilla when asked if he's okay having a gay son.
PHOTO/S: Kapuso PR Girl Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results