John Lloyd Cruz, Toni Gonzaga travel to Japan for Home Sweetie Home



Hindi na lamang sa Barangay Puruntong mapapanood ang pamilya nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga sa Home Sweetie Home ngayong Sabado, January 24, dahil dumayo pa ang mga ito sa bansang Japan.

Nagkataong anibersaryo ng kasal nina Romeo (John Lloyd) at Juliet (Toni) at saktong nagkaroon ng pagkakataon si Romeo na makapunta sa Japan. Nagawa niyang maisama ang misis at ang buong pamilya nila. Kasama pa sina Mang L.A. (Mitoy Yonting) at Eric (Eric Nicolas).

Sa kagustuhang magkaroon ng “alone time” nina John Lloyd at Toni, tinulungan sila ni Gigi (Miles Ocampo) na makaalis at pansamantalang makahiwalay sa buong grupo.

Nakarating sina John Lloyd at Toni sa Mt. Fuji at asahang maraming “sweet moments” ang dalawa na kahit alam ng publiko na sa totoong buhay, may mga kanya-kanyang ka-relasyon, onscreen ay hindi maikakaila ang chemistry na meron sila, simula pa nang magkasama sila sa pelikulang My Amnesia Girl.

Ayon kay John Lloyd, kung meron man siyang isang programa sa telebisyon na napamahal na sa kanya ng husto, ito ang magda-dalawang taong comedy show nila.

“Pamilya kasi kami rito. Puwedeng sabihin na madalas naming sabihin yun, pamilya na kayo sa isang show. Dito, iba talaga. Para kang hindi nagta-trabaho. You look forward to be with them. Kaya makikita rin naman sa show na masaya lahat ng cast.”

Si Toni naman, na noong una’y aminadong naiilang sa karakter niya bilang misis lalo na kapag kailangan nilang maging “intimate” sa isa’t-isa ni John Lloyd bilang mag-asawa, ngayon daw, wala na lahat ng pagka-ilang o inhibitions na nararamdaman niya noong mga unang buwan o taon ng Home Sweetie Home.

Sa Japan, bukod sa pagdiriwang ng anibersaryo ng kasal nina Romeo at Juliet, dahil kasama nga ang buong pamilya. Sina Nanay Loi (Sandy Andolong) at Daddy V (Rico J. Puno) at sina Eric, Mang L.A., Gigi at Rence (Clarence Basa), marami pang “misadventures” na magaganap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nandiyan ang akalang nawawala at hindi mahanap nina Romeo at Juliet na si Nanay V. Ang hindi makayang lamig ni Daddy V dahil naiwan nito ang jacket sa Pilipinas. E, winter pa naman ngayon sa Japan.

Ngayong Sabado ng gabi ang first part episode ng Home Sweetie Home sa bansang Japan kasama ang special guest na si Jacky Woo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN