Yasser Marta has no qualms playing love interest of Alex Diaz in Fairy Tail Romance

by Jerry Olea
Mar 11, 2021
In "Fairy Tail Romance," Yasser Marta (left) plays a brokenhearted guy who will fall in love with a merman played by Alex Diaz (right).

Magpapakilig sina Yasser Marta at Alex Diaz sa “Fairy Tail Romance” episode ng My Fantastic Pag-ibig sa Marso 13 at 20, Sabado ng 7:45 p.m., sa GTV.

Sa kuwento, nagbabakasyon sa kanilang resort si Nep (Yasser) upang maghilom ang sugat sa kanyang puso.

From a distance, ligaw-tingin kay Nep ang sireno na si Lantis (Alex). Gagawin ni Lantis ang lahat upang mapalapit kay Nep—kahit ipagpalit ang kanyang buntot para maging paa.

Sakto naman dahil may natuklasan ang bff ni Lantis na si Kabibabe (Jo Berry) na paraan para maging tao ang sireno. Sa tulong ng mahika, natupad ang kagustuhan ni Lantis na maging isang ganap na tao.

Nagkaroon ng instant connection sina Lantis at Nep... LaNep ba ito?!

Magpapatunay ba ito sa kasabihang “love knows no gender”? Pero matatanggap ba ni Nep ang totoong anyo ni Lantis?

YASSER ON ACCEPTING ROLE

Bonggacious ang tambalan nina Yasser at Kyline Alcantara sa panghapong teledrama ng GMA-7 na Bilangin Ang Bituin sa Langit.

Continue reading below ↓

Bakit napapayag si Yasser na gumanap bilang love interest ng sireno sa episode na ito ng My Fantastic Pag-ibig? Nagkaroon ba siya ng agam-agam na baka magulat o ma-turn off ang ibang fans?

“Mostly sa gay roles po ako nagsimula dito sa GMA, kaya hindi na rin po bago sa akin,” pag-amin ni Yasser nitong Marso 11, Huwebes, via email.

“Hindi rin po ako nagdalawang-isip na gawin yung role dahil napakaganda rin ng script.

“Maiintindihan naman ng fans ito lalo ngayon na uso talaga ang BL na genre. Bagong experience lang po sa akin yung fantasy na ngayon ko lang po gagawin.”

Yasser Marta, Alex Diaz in Fairt Tail Romance

Continue reading below ↓

Kumusta ang pakikipagtrabaho kay Alex? Ramdam ba niyang may spark o chemistry sila? May kilig ang kanilang tambalan?

“Napakasaya at napakagaan katrabaho ni Alex. First day [taping] pa lang namin, naging tropa na kami,” tugon ni Yasser.

“Kahit outside work, nakakapag-catch up kami minsan kaya hindi na rin kami nahirapan sa isa’t isa, and we are really committed sa roles namin.”

Anong aral ang maibabahagi ng episode na ito sa televiewers?

“I play the role of Nep na brokenhearted from his ex-girlfriend kaya mabigat din ang pinagdadaanan niya,” saad ni Yasser.

“Natutunan ko po mula sa kanya na hindi basehan ang kasarian ng tao para tayo ay lumigaya.

“Huwag nating isipin na porke’t same sex, hindi na natin mararamdaman yung love na pwedeng makatulong sa atin.

“At the end of the day, ang mahalaga, masaya ka at may napapasaya ka kahit ano pa man ang gender mo.”

A DIFFERENT BL STORY

Tampok din sa “Fairy Tail Romance” sina Cecil Paz (bilang energetic yaya ni Nep) at Skelly Clarkson.

Continue reading below ↓

Ayon sa direktor na si Adolf Alix Jr., “I always wanted to do something different na BL story. Like Happenstance, this merman story is also one of the stories that I wanted to develop.

“When I was asked to pitch a story for My Fantastic Pag-ibig, I told them about this story and they liked it.

“Alex has been a friend and I asked him if he is willing to play a merman and he readily said yes naman. He is excited to swim and do the underwater scenes, so he trained for it.

“Alex is very professional. I think, sa husay niya lumangoy sa dagat, na-sting siya ng jellyfish. Pero he continued swimming, and doing his scenes.

“Maganda ang chemistry nina Alex at Yasser. Bagay sa kanila ang roles nila.

“Abangan ninyo yung scene when Alex reveals what he feels for Yasser. Maganda yung exchange nila ng dialogues.”

Siyanga pala, mapapanood ang finale episode ng Pinoy BL series na Happenstance ngayong Marso 12, Biyernes ng 12:01 a.m., sa GagaOOLala.

Continue reading below ↓

“Heartwarming ang ending ng Happenstance. Masaya po kami rito. Kasi, did two cycles of lock-in for the nine episodes,” lahad ni Direk Adolf.

“And working with actor/friends, and also discovering new actors like Kiko Ipapo and Jovani Manansala.”

Kiko Ipapo, Jovani Manansala in BL series Happenstance

Kiko Ipapo (left) and Jovani Manansala

Nakatrabaho ni Direk Adolf sa Happenstance ang mga kaibigang sina Rosanna Roces, Bembol Roco, Angeli Bayani, Erlinda Villalobos, at Allan Paule, pati ang mga baguhan ding sina Saviour Ramos at Shu Calleja.

Continue reading below ↓

Sa bagong pelikula ni Direk Adolf na Kontrabida starring Nora Aunor, nag-cameo sina Alex Diaz at Kiko Ipapo.

Dagdag ni Direk Adolf, “Kiko wanted to learn behind-the-scene work so we got him to train as continuity in Kontrabida.”

MORE GUIDE STORIES

Use these BeautyMnl promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In "Fairy Tail Romance," Yasser Marta (left) plays a brokenhearted guy who will fall in love with a merman played by Alex Diaz (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results