Papa Jack feels he can't surpass legacy of predecessor Joe D'Mango: “Hindi ko siya kayang lagpasan.”

Radio jock/love advisor Papa Jack on his predecessor Joe D'Mango: “Idol ko po siya. Hindi ko pa siya napapantayan at hindi ko rin siya kayang lagpasan.”



Isa sa mga DJs na unang nakilala ng mga Pinoy radio listeners at masugid na sinusubaybayan dahil sa mga payo nito tungkol sa pag-ibig ay si Joe D’ Mango. Pero sa ngayon, ang madalas na pinapakinggan na sa radio ay ang programa ni Papa Jack.

Pero ayon mismo sa radio jock na ngayon ay may sarili nang programa sa telebisyon, ang Call Me Papa Jack na mapapanood na simula ngayong Sabado ng gabi sa TV5, hindi pa raw niya napapantayan si Joe D’ Mango.

“Idol ko po siya. Hindi ko pa siya napapantayan at hindi ko rin siya kayang lagpasan,” ang mabilis na pahayag ni Papa Jack sa presscon ng kanyang bagong TV show kahapon, January 21 sa Alex III Restaurant.

Wala naman daw problema sa Love Radio kahit na ang programa niya sa radyo ay mapapanood na rin sa telebisyon.

Hindi rin naman daw ito nangangahulugan na lilipat na siya sa Radyo Singko.

Ayon kay Papa Jack, “Kahit naman po kailan, hindi naging isyu sa Manila Broadcasting Company na magkaroon ng raket sa labas. Salamat po sa MBC dahil napaka-supportive.”

Pitong taon na naririnig sa radyo ang boses ni Papa Jack at ang mga love advice niya.

“Pero ngayon, sa telebisyon, hindi na lamang siya mapapakinggan kung hindi, kailangan magawa rin niyang mapatutok ang mga manonood para panoorin siya.

Paano niya ito magagawa na hindi mainip o lumaylay ang programa niya dahil magkaiba ang medium ng radyo at telebisyon?

Pag-amin niya, “Siguro po, first, I have to accustom myself on-cam which is I’m working on it right now.

“I don’t know the answer right now but I’m willing to learn. This is a brand new experience for me.

“At salamat kasi, may mga sumusuporta at naniniwala.”

May naging special appearance rin si Papa Jack sa MMFF movie na English Only Please. Nakikita rin ba niya ang sarili na posible rin niyang pasukin ang pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bakit naman po hindi kung meron man pong gustong mag-produce?” nakangiti niyang sabi.

UNDERSTANDING THE PROBLEM. Kilala si Papa Jack at sinusubaybayan ang kanyang radio show dahil sa mga payo niya sa mga callers niya. Karamihan sa mga ito, may mga linya siyang binibitawan na yung iba, matapang niyang naitatawid.

Saan nga ba niya nakuha ang talento niya sa pagdating sa pagbibigay ng mga payo sa usaping pag-ibig?

“Hindi po pagpapayo ang talent ko talaga. The first thing I do when I read profile and timeline, I believe you have to understand the problem.

“Naniniwala po ako na kapag may nag-confide sa akin ng love problems, usually kulang. Mostly kapag nagkukuwento sila, ang kinukuwento lang nila kung saan sila nasaktan. Nakakalimutan nilang sumaya sila sa pagitan.

“It’s my duty since ako po ang may handle ng show na tingnan. Kasi, kung makikita niyo po ang timeline, yung kabuuan, kung sumaya ba.

“Yun lang ang duty ko, to remind. Kasi gusto lang nating ma-confirm ang lahat ng bagay,” paliwanag niya.

Hindi naman daw niya masasabing lahat ng pinapayo niya ay napagdaanan na rin niya sa buhay niya.

Pero ano ang pinakamahirap na payo na naibigay niya sa callers niya?

“Wala po kasing maliit na problema sa akin. Hindi ko rin naman inoobliga ang sarili ko kapag hindi ko alam. Kapag hindi ko alam ang sagot, I have to think sa sarili ko na hindi ko kayang sagutin.

“Yung pinakamahirap po, I treat all my callers na pare-parehas po,” lahad niya.

LIFE-CHANGING ADVICE. Wala pa naman daw siyang hindi magandang karanasan sa mga naakausap niya o nasesermunan on-air. Pero kamakailan lang, may tumawag daw sa kanya na ang payo niya ang naging dahilan ng paghihiwalay.

Kuwento ni Papa Jack, “Three weeks ago, before Christmas, may tumawag sa akin at sinabi niya na iniwan ako ng misis ko dahil sa ‘yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-sorry ako na nawalan siya ng asawa, pero tinanong ko rin siya na if he was in my shoes, what will he tell his wife. Sabi niya, sasabihin ko, iwanan ako.

“So, nag-thank you ako. At least, alam niya. And sabi ko, sana gumaling siya because we want our best self.”

CELEBRITY GUESTS. Sina Julia Clarete, Vice Mayor Isko Moreno, Valeen Montenegro, Bret Jackson at Ynna Asistio ang ilan sa mga unang celebrity guests ni Papa Jack sa mga unang episodes ng Call Me Papa Jack.

Kung siya ang tatanungin, sino ang gusto niyang artista na mag-guest sa programa niya at makausap o mabigyan ng payo?

“Actually, ang una ko pong request, si Senator Miriam [Defensor-Santiago],” saad niya.

Dugtong niya, “Sa mga artista po, I cannot think of anything specific po.”

MARRIED LIFE. Magdadalawang taon nang kasal si Papa Jack sa kanyang misis na nakilala niya nang maging modelo raw niya ito sa isang photography session niya.

Pagpapakilala nga niya sa kanyang Misis, “My wife is a wonderful person.”

Ang misis ni Papa Jack ay si Toni Rose Maniago. Wala pa silang anak, pero hindi naman itinatago ni Papa Jack na may 10-year old daughter na siya bago pa maging sila ng misis niya.

Tinanong nga namin siya kung may nabago sa pananaw niya sa pag-ibig mula nang magpakasal siya.

“Pareho pa rin po.

“I believe that love is trial and error. I just hope na hindi ito error because only time can tell, ‘di ba? “

ADVICE TO HIMSELF. Kung may love advice siya sa sarili niya, ano yun?

“Wala po, e. Wala pong specific, e. I just have to remind myself everyday that I have a daughter and I’m a husband. Dapat I have to act accordingly sa aking pagiging tatay at asawa.

“Noong nag-asawa po ako, nag-focus ako sa pagiging asawa at tatay,” pahabol pa ni Papa Jack.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN