Maris Racal happy to set foot in ABS-CBN again; Lauren Dyogi tells her, “Welcome home.”

by Bernie V. Franco
Mar 19, 2021
After appearing on TV5, Maris Racal was one of the performers at the Big Night of Pinoy Big Brother Connect; Star Magic head Laurenti Dyogi was one of those who welcomed Maris back to her home network.
PHOTO/S: @mariestellar on Instagram / ABS-CBN PR

Tuluy-tuloy na kaya ang pagbabalik ni Maris Racal sa ABS-CBN?

Ito ang tanong ng maraming nakapanood ng performance ng 23-year-old actress-singer sa Pinoy Big Brother Connect Big Night noong Linggo, March 14.

Bakas naman ang tuwa ni Maris na muling makatapak sa bakuran ng ABS-CBN, base sa kanyang Instagram post noong weekend.

Ipinost ni Maris ang series of photos ng kanyang outfit of the day (OOTD) para sa production number niya sa PBB Connect Big Night.

Caption ni Maris: “it feels so good to be back! Thanks for having me tonight PBB [red heart emoji]”

IG Post: Maris Racal ootd for PBB: Connect Big Night

Continue reading below ↓

Kasama ni Maris na nag-perform ang mga dating PBB Big Winners na sina Kim Chiu (PBB Teen Edition Season 1), Maymay Entrata (PBB Lucky 7 Edition), at PBB host na si Toni Gonzaga.

Si Maris ay itinanghal na PBB All In Edition second placer noong 2014.

Nanatili sa bakuran ng ABS-CBN sina Kim, Maymay, at Toni sa kabila ng ABS-CBN shutdown.

Isa si Maris sa Kapamilya artists na lumipat sa TV5 noong nakaraang taon kasunod ng pagsasara ng ABS-CBN noong July 10, 2020.

Gayunpaman, nanatili siyang bahagi ng Star Magic, na pinayagang makagawa ng proyekto ang kanilang ibang talents sa ibang TV networks.

Naging regular performer si Maris sa TV5 Sunday musical-variety show na Sunday Noontime Live na nagtagal lamang ng tatlong buwan.

Kasunod nito, bumida si Maris sa TV5 romantic-comedy TV series na Stay In Love na umere mula November 2020 hanggang February 2021.

DIREK LAUREN WELCOMES BACK MARIS

Samantala, sa Instagram post ni Maris, isa sa mga nag-react ay si Laurenti Dyogi, Star Magic head at ABS-CBN Entertainment production head.

Continue reading below ↓

Komento ni Direk Lauren: “Welcome home @mariestellar!”

IG comment: Director Lauren Dyogi welcomes Maris

Nagkataon ding dating direktor at business unit head ng PBB Unit si Direk Lauren.

Bumuhos naman ang pasasalamat ng mga tagasuporta ni Maris kay Direk Lauren sa pag-welcome sa kanilang idolo.

Naantig daw sila sa mensahe ni Direk Lauren at mapanood muli si Maris sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Umaasa naman daw ang ibang muling mapanood si Maris sa iba pang ABS-CBN shows, katulad ng pagbabalik niya sa ASAP Natin ‘To at iba pang programa gaya ng Maalaala Mo Kaya.

Narito ang mga komento ng fans ni Maris ukol sa pag-welcome ni Direk Lauren at pagtapak muli ni Maris sa Kapamilya network:

IG comment: netizen thanks lauren for welcoming maris

Continue reading below ↓

IG comment: fans happy on maris PBB stint

IG comment: fans hopeful to see more projects for maris

Continue reading below ↓

IG comment: fans wishes to see maris on ASAP

Nakipag-ugnayan kami sa Star Magic ngayong Biyernes, March 19, at nagtanong kung may nakalinya nang projects si Maris Kapamilya network.

Kaagad naming ilalagay ang update kapag nakatanggap na kami ng sagot.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After appearing on TV5, Maris Racal was one of the performers at the Big Night of Pinoy Big Brother Connect; Star Magic head Laurenti Dyogi was one of those who welcomed Maris back to her home network.
PHOTO/S: @mariestellar on Instagram / ABS-CBN PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results