Jay Manalo loyal to GMA-7: "Ramdam ko sa puso talaga ang pag-aaruga"

by Rommel Gonzales
Mar 20, 2021
Jay Manalo with top-bill the Magpakailanman episode "Isang Mister, Lima Ang Misis" tonight, March 20, 2021, at 8 p.m.
PHOTO/S: @jayman301 on Instagram

Isa si Jay Manalo sa mga aktor na nakakatalun-talon sa GMA-7, ABS-CBN, at maging sa TV5.

Nagsimula siya sa dalawang top-rating series ng ABS-CBN—sa Mula sa Puso (1997) at Pangako Sa 'Yo (2000).

Pero kung babalikan ang proyektong nagawa niya sa TV, kulang-kulang 14 ang naging shows niya sa GMA-7, habang siyam naman sa ABS-CBN at pito sa TV5.

Bakit mas loyal si Jay bilang Kapuso?

"I am loyal to GMA kasi ramdam ko sa puso talaga ang pag-aaruga nila sa talents nila," ang sabi ng 48-year-old star.

Sa March 20, 2021, at 8 p.m., ipapalabas sa Magpakailanman ang pagganap ni Jay sa episode na "Isang Mister, Lima Ang Misis."

Gaganap na mga misis ni Jay sa kuwento sina Rochelle Pa­ngilinan, Ina Feleo, Wynwin Marquez, Ana Capri, at Stephanie Sol.

Sa totoong buhay, posible ba sa isang lalaki na magmahal ng higit sa isang babae?

"Hindi ako naniniwala na kaya niyang mahalin lahat nang sabay-sabay," ang bitin na sagot ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng e-mail.

Continue reading below ↓

Sa direksyon ni Laurice Guillen, tampok rin sina Barbara Miguel, Kyle Ocampo, at Will Ashley.

Naranasan na ni Jay ang lock-in taping sa Magpakilanman at sa katatapos lamang na GMA series na Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday, ano ang advantage at ano ang disadvantage ng lock-in taping?

"Ang importante po para sa lahat, from staff to the artist, ay napapahinga nang maayos para sa next taping day."

Kapag natapos ang pandemya, pabor ba si Jay na ituloy ang lock-in taping? Bakit?

"Hindi po ako papabor, kasi kung malapitan lang naman po, puwede na pong mag-uwian na muna lalo na kung may mga gagawin ka pang ibang errands or events."

Bukod sa events, hands-on dad din kasi si Jay.

Nakita ng co-star niyang si Dina Bonnevie ang side na ito ni Jay sa lock-in taping ng Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday.

Ang sabi ng aktres sa panayam nito sa GMaNetwork.com, "I thought he was exactly like the roles he plays, yung babaero, happy-go-lucky, but I was surprised that's he's such a cool father pala, he's such a good dad.

Continue reading below ↓

"Every morning habang nag-mi-make-up ako, nandiyan si Jay sa right side kumakain siya ng breakfast kasi magkasunod yung make-up schedule namin.

"'Tapos doon, nakikita ko nag-vi-video siya with his son and daughter. Kinakausap niya, nag-vi-video call sila tuwing umaga then he dances while he's talking to them. Nakakatuwa na may ganitong side pala si Jay."

May 12 kids si Jay sa anim na babae, at meron na siyang apo sa panganay niyang anak.

Happy ang aktor sa piling ng wife niyang si Raizza, na tinatawag rin niyang "one and only" sa social media.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jay Manalo with top-bill the Magpakailanman episode "Isang Mister, Lima Ang Misis" tonight, March 20, 2021, at 8 p.m.
PHOTO/S: @jayman301 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results