Marc Nelson and Rovilson Fernandez to host Asia's Got Talent

Asia's Got Talent's celebrity judges include Grammy-award winning composer/record producer David Foster, former Spice Girl Melanie C, Indonesian rock icon Anggun ang Taiwanese-American actor/singer Vaness Wu of the popular group, F4. Asia's Got Talent will be hosted by Marc Nelson (standing, right) and Rovilson Fernandez (standing, left).



Ang napili na mag-host ng Asia’s Got Talent ay ang mga models-turned-TV hosts na sina Marc Nelson at Rovilson Fernandez.

Ang mga judges ng Asia’s Got Talent ay binubuo nina Grammy winner David Foster, former Spice Girls member Melanie C, Indonesian rock icon Anggun at ang Taiwanese-American actor-singer na si Vanness Wu ng grupong F4.

Sa AXN Asia Channel eere ang Asia’s Got Talent.

Ito ang Asian franchise ng talent show TV format na Got Talent na pag-aari ng producer na si Simon Cowell para sa kanyang SYCOtv company.

In April 2014, ang naturang format ay itinanghal bilang “the most successful reality TV format” ng Guinness Book of World Records.

Nag-premiere ang unang Got Talent show na British Got Talent noong 2005. Sumunod na dito ang America’s Got Talent in 2007.

Ngayon ay mahigit 58 countries na ang nag-franchise ng Got Talent format, kasama na rito ang Pilipinas Got Talent na nagkaroon ng apat na seasons.

Ipinagkatiwala kina Marc at Rovilson ang pag-host ng Asia’s Got Talent dahil una nga sila nakilala via The Amazing Race Asia Season 2 noong 2008 na umere sa AXN Asia.

Nag-place 3rd ang tandem nila Marc at Rovilson sa final race nito sa Singapore.

Kapwa male models at naghu-host ng ilang TV shows at ng mga events sila Marc at Rovilson.

Kasalukuyang host si Rovilson ng GMA NewsTV program na Ang Pinaka.

Nag-post si Rovilson sa kanyang social media accounts ng simula ng kanilang trabaho ni Marc sa Asia’s Got Talent.

Matagal raw nilang sinekreto ito, pero ngayon ay puwede na nilang i-announce officially.

Heto ang kanyang post:

“It's Happening. I'm proud and honored to be co-hosting with my bro @marcnelson, the "Biggest Talent Show in the World" Asia's Got Talent. We are blessed to have onboard as judges, @melaniecmusic, @____________v____________ , @anggun_cipta & the legendary @officialdfoster!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Such a dynamic and absolutely entertaining team to watch!

“Dozens of countries represented and mind-boggling acts that will tug at all your emotions. Trust me. THANK YOU to all who helped us get here. We are forever grateful (Serena we did it!)

“Asia's Got Talent...The Biggest Talent Show In The World!" Coming soon!” #‎AXN #‎Host #‎HolyShitIKnowASpiceGirl #‎VanessWuHasReallyNiceSkin #‎AnggunIsHot #‎ManCrushOnDavidFoster #‎Fosterisms”

Nagsimula ang open ground auditions for Asia’s Got Talent noong September 2014 sa Singapore, Malaysia at dito sa Pilipinas. Sumunod naman ang auditions sa Taiwan, Thailand at Indonesia noong October 2014.

Sa June 2015 magsisimula sa AXN Asia ang Asia’s Got Talent.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN