Gil Cuerva sees no problem playing third wheel to Shaira, Ruru in I Can See You

by Rommel Gonzales
Mar 23, 2021
Gil Cuerva plays the abandoned groom of Shaira Diaz, the runaway bride in the "On My Way To You" episode of I Can See You, which also stars Ruru Madrid.
PHOTO/S: PR

Hindi raw maghuhubad si Gil Cuerva sa "On My Way To You" episode ng bagong season ng I Can See You.

Kung may pa-abs si Ruru Madrid at may pa-biceps naman si Richard Yap sa show, si Gil raw ay, "pa-cute lang."

Nakatawa siya nang sabihin niya ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Wala akong pasabog katulad ni Ruru. I won't be exposing anything or going shirtless or anything like that.

"But, you know, there's a nice shot of me waiting for the bride at the altar, so I guess that's my pasabog. It was a nice shot."

Ang "On My Way To You" na Season 2 ng I Can See You sa direksiyon ni Mark Reyes ay tungkol sa isang runaway bride.

Kaya tinanong namin si Gil kung ano ang kanyang gagawin kung mangyari sa kanya ang ganitong scenario.

Halimbawa, pero huwag naman sana, ikakasal na siya at sa kasamaang-palad ay hindi siya sinipot ng kanyang bride, pero makalipas ang ilang araw ay babalikan siya nito, hihingi ng tawad, at yayayain siyang magpakasal muli.

Continue reading below ↓

Ano ang gagawin ni Gil? Patatawarin ba niya ito at itutuloy ang pagpapakasal sa babaeng minsan nang tinalikuran siya sa altar?

Tugon ng aktor, "I'd be really hurt, sobrang masasaktan ako. But as long as the reason is valid, if it's something that we both can understand.

"And you know it's just really about that, yung parang... nag-panic lang talaga siya at the wedding, I guess that's something that I'll understand.

"But I'm not saying na parang agad-agad na parang magiging okay. It depends on your relationship with the person.

"Ang masasabi ko lang though is if it's like a marriage that's biglaan and bigla na lang kinol-off, I don't think that's something I'll get affected by.

"If let's say na-pressure lang ako to get married to the girl and then bigla na lang nag-back out yung girl, I think it's something that I will understand.

"Pero iyon, huwag naman sana, I hope before you walk down the aisle you're really decided na, 'Okay, I really want to marry this person.'"

Continue reading below ↓

Gaganap si Gil bilang si Albert Manansala sa "On My Way To You," kung saan makakama rin niya, bukod kay Ruru bilang si Jerrick Alfonso at Richard bilang si George Alfonso, si Shaira Diaz bilang si Raki Buena.

Ito ba ang comeback ni Gil sa pag-arte? Recently kasi ay sa Taste Buddies bilang host siya napapanood.

Tugon nito, "I wouldn't necessarily call it a comeback, but I would say it's been a while, like.

"The last show I worked on was also with Direk Mark, yung Beautiful Justice, that we finished I think a year ago.

"So, yeah, it's been a while and I'm very happy they got me for I Can See You, for Season 2. I read the story and I actually really liked it.

"I like the character I'm playing, Albert, and I guess also in a way, Albert also plays like a certain archetype of a Filipino guy, a guy who doesn't get it all at the end of the day.

Continue reading below ↓

"So, yeah, it's been a while, but I wouldn't say it's a comeback."

on playing third wheel

Third wheel na masasabi si Gil sa show, hindi ba niya nami-miss na maging main leading man ulit?

Sa pinakauna niyang serye sa GMA-7, ang My Love From The Star (2017), naging leading man siya ni Jennylyn Mercado.

Aniya, "Maybe a bit, but, at the same time, I get to see Shaira and Ruru up close.

"I consider myself as the 'sana all guy,' you know.

"Every time I see them, I was like, 'Sana all,' at tumawa si Gil bago niya ito dinagdag, "That type of thing."

Nakausap ng PEP.ph si Gil sa Zoom media conference para sa I Can See You: On My Way To You nitong March 10, 2021, ng gabi.

Nasa show rin sina Malou de Guzman bilang Manang Baby, Ashley Rivera bilang Lani, at si Arra San Agustin bilang Tammy Razon. Mapapanood ito weeknights simula March 22, pagkatapos ng First Yaya sa GMA.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gil Cuerva plays the abandoned groom of Shaira Diaz, the runaway bride in the "On My Way To You" episode of I Can See You, which also stars Ruru Madrid.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results