How Richard Yap reacts to "ang guwapo mo" remarks

by Rommel Gonzales
Mar 23, 2021
Richard Yap, 53, still gets a lot of "ang guwapo" remarks on social media. He is happily married to his non-showbiz wife Melody.
PHOTO/S: @iamrichardyap on Instagram

Marami pa ring may crush kay Richard Yap sa edad niyang 53.

Ano ang reaksiyon niya at ng asawang si Melody kapag may mga girls na very open sa pagsasabi ng paghanga sa aktor? Wala bang selosang nagaganap?

Pahalakhak na sagot ni Richard, "Wala naman kasi we don't treat it seriously. Kasi usually, sinasabi lang naman nila, like they tweet or they comment na, ' Ang guwapo mo! Ang pogi mo!'

"Sabi ko, e, dati naman, nung hindi pa ako nag-aartista wala namang nagsasabi sa akin nun, so baka effect lang ng TV yun."

RICHARD YAP ON LOCK-IN TAPING

Samantala, kung sakaling magbabalik na sa normal ang lahat, kung matatapos na ang pandemya, pabor ba siya na ituloy ng mga TV and movie production ang lock-in taping and shooting?

O mas gusto niya na bumalik sa dating nakasanayang nag-uuwian ang lahat tuwing matatapos ang trabaho ng mga artista at production team?

Continue reading below ↓

Tugon niya, "Well, we've experienced both, yung lock-in and yung normal na taping natin, but maganda rin actually ang lock-in taping, because tuluy-tuloy yung trabaho and then tuluy-tuloy din yung pag-ano mo ng character mo, hindi napuputol.

"So parang hindi... you don't have to move in and out of your character kasi, let's say kung araw-araw kayong nagte-taping, maganda rin yung tuluy-tuloy din yung pag-portray mo.

"So either way, it's okay, it's okay. Pero parang mas mabilis yung lock-in taping din to finish a show.

"Parang mas cohesive na lalabas yung show because everyone is there, mas maganda yung bonding din ng lahat ng tao and all the staff and cast.

"So I think there's also a positive aspect to the lock-in tapings."

Kabilang si Richard bilang si George Alfonso sa cast ng I Can See You: On My Way To You na sumailalim sa lock-in taping at nag-umpisang umere kagabi, March 22, 2021, pagkatapos ng First Yaya.

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa media conference ng programa via Zoom nitong March 10, alas sais ng gabi.

Sa direksyon ni Mark Reyes, ang On My Way To You ay pinagbibidhan nina Ruru Madrid bilang Jerrick Alfonso at Shaira Diaz bilang si Raki Buena.

Kasama rin sa serye sina Gil Cuerva bilang si Albert Manansala; Malou de Guzman bilang Manang Baby; Ashley Rivera bilang Lani, at si Arra San Agustin bilang Tammy Razon.

Ang I Can See You: On My Way To You ay orihinal na likha ng GMA Entertainment Group sa pamamahala nina Lilybeth G. Rasonable, senior vice president; Redgie A. Magno, vice president for drama; Cheryl Ching-Sy, assistant vice president for drama; Anthony R. Pastorpide, senior program manager, at Darling Pulido-Torres, executive producer.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Yap, 53, still gets a lot of "ang guwapo" remarks on social media. He is happily married to his non-showbiz wife Melody.
PHOTO/S: @iamrichardyap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results