Isabelle de Leon says about kissing scene with Carl Guevara: "Kung hindi lang ikaw Kuya Carl, hindi ako papayag."

by Arniel C. Serato
Jan 25, 2015
Sa bagong episode ng Wattpad Presents ng TV5 na Mistakenly Meant For You, gagampanan ni Carl Guevara ang papel ni Fire na siyang maging love interest ni Ice, ang papel naman na gagampanan ni Isabelle de Leon.


Pagkatapos ng Trenderas, muling makakasama ni Carl Guevara ang singer-actress na si Isabelle de Leon.

This time, magtatambal sila para sa Mistakenly Meant For You na isang episode ng Wattpad Presents na mapapanuod na bukas, January 26, 9 p.m. sa TV5.

Isa sa pinaka-highlights ng episode ay ang ilang kissing scenes nila ni Isabelle.

Saad ni Carl, “Meron kaming kissing scene. Nakunan na, tapos na. Naano nga si Isabelle kasi first kiss niya ako.

“Kinakabahan talaga siya, ayaw niyang pumayag. E, siyempre, kinausap din siya nung director namin, para sa ikakaganda ng episode.

“Tapos binulong sa akin ni Isabelle na, ‘Kung hindi lang ikaw Kuya Carl, hindi ako papayag.’”

Anong pakiramdam niya na siya ang unang halik ni Isabelle sa telebisyon at maging sa totoong buhay?

Tugon ng actor, “Okay naman kasi before sa Trenderas, meron na rin kaming kissing scene kaso dinaya lang yun.

“Matagal. Matagal din siya kasi maraming shots, e, tsaka ilang takes din.”

Continue reading below ↓

Awkward daw ayon kay Carl nung kinunan ang kanilang eksenang halikan dahil nandun sa set ang tatay ni Isabelle.

Dagdag pa niya, “Andun nga, e. Ito yung nakakatawa, last na eksena namin, kasi kissing scene talaga. E, si Isabelle parang natataranta siya. Sabi ko, ‘Akong bahala, relax ka lang.’

“Tapos sabi ko, ‘Andiyan yung tatay mo o, paalisin natin. Nahihiya kasi siya.’

“Nung una smack, yung pangalawa meron nang ano [lapat ng labi].

“Yung sa akin, trabaho, e. Tsaka naiilang ako kasi sabi niya wala pa siyang boyfriend. Ano lang yung sa akin, trabaho.

“Ako pa nga mismo ang nahihiya, e. Ako, kinakabahan kasi baka isipin niya nag-take advantage ako.

“Sabi ko, ‘Basta relax ka lang, I enjoy mo lang.’”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Carl sa pocket presscon ng Wattpad Presents: Mistakenly Meant For You last Friday, January 23.

THE STORY. Ano ba ang istorya ng kanilang episode?

Continue reading below ↓

Lahad ni Carl, “Kuwento ito ng destiny. Nagkita kami mga bata pa lang kami. Tapos nawawala ako sa Singapore tapos andun yung family niya.

“Tapos lumapit siya sa akin kasi umiiyak ako. May ibinigay siya sa aking relo, pinagaan niya yung loob ko.

“Ang sabi ko sa kanya, paglaki niya, ‘pag nakita ko siya, pakakasalan ko siya. Tapos nung time na nakita ko siya, naging schoolmate kami.”

Gagampanan ni Carl ang papel ni Fire samantalang si Isabelle naman ay ang karakter ni Ice.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa bagong episode ng Wattpad Presents ng TV5 na Mistakenly Meant For You, gagampanan ni Carl Guevara ang papel ni Fire na siyang maging love interest ni Ice, ang papel naman na gagampanan ni Isabelle de Leon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results